Chapter 12

50 7 3
                                    

"Ano nang plano mo nyan?"

Nasa bahay ako nila Nico since day off ko. Wala din naman kasi sila tita sa bahay kaya naisipan kong pumasyal nalang kila Nico.  Naungkat ni Nico ang tungkol sa mga sunod-sunod na failure ng makina sa El Nido. Aware si Nico dito at aware din sya kung sino ang may pakana ng lahat. She has a wide connection din naman. Labas pasok din sya sa dark web.

"Wala pa. Actually meron na. Hindi ko lang alam kung paano at saan ko gagawin."

"Television." Napatingin ako kay Nico.  Seryoso syang nakatingin sa akin.

"Tv? National tv?"

"Nope. Pwede ka magbayad ng para sa commercial time. Parang pag election na. They have an allotted time para sa mga campaign commercial. Pwede mo iyon gayahin."

Oo nga ano? Bakit hindi ko naisip iyon?

"Pwede rin sa mga social media. Malakas makahatak ang social media at mabilis mag trend lalo na if madami kang followers."

"As if naman meron ako nyan."

"I have. May page ako na 10k followers. Or we can create an untraceable  account. Madali lang makahatak ng followers. May magshare lang nun na mga isang daan, okay na."

"I think tv will do. Kaso paano ang presyo?"

"Libre."

"Libre? Baliw ka ba?"

"Tsk. Akong bahala. Iready mo pang yung video."

"Seryoso ka?"

"Oo naman. Anong silbi ng ganda ko kung hindi ko gagamitin."

"Hoy, Nicolai!" Sira ulo itong babaeng ito. "Ako na mag iisip ng paraan. Just... Just don't use your body."

"Ugok! Sabi ko ganda, hindi katawan."

"Parehas lang yan, tanga!"

"Mas tanga ka. Magkaiba yun. Yung ganda sa mukha lang. Hindi pa ako ganun ka desperado para isangkalan ang katawan ko. Duuuhhh!"

"Sige nga paano?"

"Aziel, trust me. Pagkatiwalaan mo itong ganda ko na ito."

"Yung ganda mo magtitiwala ako. Pero yung mukha at utak mo hindi. Ikaw pa naman itong bara-bara kubg magdesisyon."

"Ay! Grabe sya! Trust me in this, Aziel."

"No, Nicolai. I can see danger written on your face."

"Gago. Danger is my middle name."

"Sira ulo ka!"

"Ay naku Aziel. Basta. Trust me in this. All you have to do is contact Chessman. Sabihin mo kailangan ko ng chessboard."

"Nicolai!"

"It's Nico for you Aziel." She filled her hair at give me a sharp gaze."

"Tell me ano gagawin mo. Then I will decide."

Wala akong tiwala sa trip nitong si Nico. I know her. Pag wala na syang choice, hindi na sya mag iisip. Magdedesisyon sya ng hindi na nag iisip. Kung baga, take it now, face whatever consequences later. Bahala na si batman, sabi pa nga nya. She made a decision way back na alam ko pinagsisihan nya until now at habang buhay nya pagsisihan. She did that decision para sa kaibigan nya but in the end hindi man lang sya nagawang ipagtanggol o kung anu pa man. She was left in the air with nothing.

"Dark web."

"Anong dark web?"

"There is a portal in the dark web that is connected to one all tv network. I accidentally stumbled on it last week. May iilang gumagamit noon pag eleksyon para mas maraming commercial time ang campaign video nila. I can use it para maipasok natin ang video about Celso Dominguez sa lahat ng tv network. One day is enough. Bahala ba ang mga online people mag pa trend tungkol doon."

Black Heart Series: Aziel Where stories live. Discover now