Chapter 5

44 5 4
                                    

AZIEL POV

"Toto gaga." Ivy said sabay taas ng kanyang mga braso. Gusto nya magpakarga.

I pick her up and carry her on my arms.

"Sabihin ko nga carry."

"Keti."

Napabuntong-hininga nalang ako. Bulol talaga. Pero mas okay na yung keti si gaga. Parang minumura nya ako eh.

"Where do you want to go?" Hinawi ko ang buhok nyang napunta sa kanyang mukha. Inayos ko din ang bangs nya at nilagay iyon sa magkabilang side para hindi matusok ang kanyang mata, o kaya ay mahirapan syang makakita.

"Tatitindetia." Sabay turo sa isang karenderia na malapit lang sa pwesto namin. Okay, gets ko na. Buti at nagituro nya. Mawiwindang na naman sana ako sa pag iintindi ng tatitindetia nya.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam nya ang karenderia. Wala kasing mall dito. Karamihan sa mga tindahan dito ay mga kainan like karenderia, burger station, pares, lugawan at madami pang iba. May convenience store din naman at mga groceries store pero SM? Walang ganun dito.

"Ano gusto mo?" Tanong ko kay Ivy pakapasok namin sa karenderia na tinuro nya.

"Lolo." Nakangiti nyang sagot sa akin.

"Lolo? Nasa bahay si lolo mo."

"No! Lolo." Sabay turo sa maliit na poster na nakadikit sa dingding na karenderia.

Jusko halo-halo pala.

"Ano pa?"

"Patiti."

"Huh?"

"Patiti."

"Anong patiti?" Ang hirap kumausap ng bata. Sa susunod sasama ko na si ate Iris.

"She wants spaghetti."

Agad akong napalingon. It's Rohs.

"Toto Tohs." Masayang wika ni Ivy.

"Kilala mo sya baby?" Takang tanong ko.

"Opo. Isa po syang pwet tetenger."

Napapikit nalang ako ng tumawa si Rohs Sana pala di na ako nagtanong. Wala din naman akong naiintindihan sa sinabi
nya. Tumatambling braincells ko sa mga pinagsasabi nya.

"Toto Tohs buy patiti?"

Patiti pa nga. Gusto ko nalang umuwi. Nagtatawanan na kasi mga costumer eh. Ang lakas kasi ng boses ni Ivy. Pasalamat nalang talaga itong batang ito at cute sya.

"Sige." Rohs pinch her cheek tsaka bumaling sa akin. "Look for a seat, I'll buy the food."

"Hindi na. Ako nalang."

"I insist."

Napakamot batok nalang ako. "Okay. Salamat."

"Mm."

Agad kong kinarga si Ivy at naghanap ng pwesto namin. Baka kung ano pa makita nitong si Ivy at maisipan pang ipabili kay Rohs.

"Toto, pogi toto Tohs no?"

Kunot-noo kong tinignan si Ivy. Pwede ko ba ito kurutin?

"Gwapo toto Tohs. Klut mo?"

"Hindi." Agad na sagot ko. Isusumbong ko itong batang ito sa nanay nya.

"Bagay kayo."

Ngumiti nalang ako. Sakto namang dumating si Rohs kasama yung isang lalaki na hindi ko alam ko na kung ano ang pangalan pero kilala ko sa mukha.

Black Heart Series: Aziel Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang