Chapter 2

59 6 2
                                    

Maaga akong nagising para sumama kay tito Lando sa dagat. Gusto ko kasi mag ulam ng sugpo kaya naman sumama na ako para manguha nito. Limot ko na din kasi kung paano manguha ng lamang dagat at gusto ko ulit iyon matutunan. Refresher kung baga.

Barangay Buena Suerte, is a barangay in the municipality of El Nido town. A home to the island’s main dock, a hub for excursions to Bacuit Bay’s beaches, lagoons, and caves, plus diving and snorkeling trips. Backpacker lodgings and relaxed hotels converge on Real and Serena streets, along with souvenir shops and tour agencies. Waterfront restaurants serve seafood, local dishes, and international fare, and beach bars have a laid-back vibe. This is where island hopping begin.

Madami na din nagbago sa barangay namin, which is expected dahil dinadayo na talaga ang El Nido. Lot of foreigners can be spotted everywhere. Buhay na buhay ang kabuhayan ng mga taga Buena Suerte dahil sa mga banyagang bakasyonista.

Matapos namin manghuli ng  lamang dagat ay agad din naman kami umuwi para na rin makakain at para nakapag handa na din ako para nakapunta sa police station sa bayan mismo ng El Nido. Dito ako pansamantalang inilagay para maging parte ng programa ng bayan ng PEACE FOR EVERY RACE. Summer is coming in few months kasi at kailangan higpitan ang siguridad ng lugar. Hindi rin ganun karami ang mga police na nakatalaga dito. Actually, sobrang konti talaga. Kaya naman unti-unti na silang nag aassign ng mga police dito.

Naging masaya ang almusal namin. Dumating din kasi ang dalawang anak ni tita Serna at tito Lando. Nagpumilit umuwi ang mga ito para lang makita ako ng malaman nilang bumalik na ako. Kasama din nila ang kanilang mga anak at asawa. Masaya ako na makitang masaya sila. Sabi nga ni tita ay sawakas naging masaya na ulit ang aking bahay. Ngunit hindi ko pa din maiwasan na isipin na what if buhay pa ang aking mga magulang. Ano kaya ang buhay namin ngayon? May asawa at anak na din ba kaya ako at ganito kaya kami kasaya?

Maybe.... Yes.

Hinatid ako ni kuya Shernan, panganay na anak ni tita Serna sa bayan. Nagpumilit sya na ihatid ako. May tricycle naman daw siya at hindi ko na kailangan pa magpahatid sa kung sino. Isa pa daw para iwas buwaya sa mga driver na mapagsamantala. Mukha daw kasi akong banyaga. Natawa nalang ako dahil maloko at bolero pa din si kuya Shernan. Nagbilin pa ito na itext ko daw pag uuwi na ako.

Ewan ko kung talagang ayaw nya ako maloko ng ibang driver o natatakot sya sa pwedeng mangyari sa akin. After all, I am carrying our family's name, SUAREZ. Kahit ano pa man ang rason nya, I am still thankful sa concern nila.

"Aziel Haze Suarez. Ikaw ba yung naulila ng mag-asawang Suarez 15 years ago?"

Pagak akong natawa sa aking utak. This is the question I am expecting from this man. Kilala kasi ang magulang ko sa aming lugar. Madami din silang kilala na mga trabahante sa munisipyo at mga pulis. I don't know why and how they got acquaintance of those people, but yes, they are a well-known couple. Not that super famous, pero madami din nakakakilala sa kanila.

Isa pa, itong lalaki sa aking harapan ay taong panigurado akong hindi makakalimot sa aking magulang.

"Yes sir." Magalang ko na sagot. Wala naman akong galit sa lalaking ito. Isa lang naman sya sa mga police na nag imbestiga sa kaso ng magulang ko noon. He is also the one and only one na nagpumilit noon na ilaban ang kaso ng magulang ko but thanks to former mayor Alberto Sanchez, wala syang nagawa kundi ang sumunod  Hindi ko akalain na buhay pa pala sya at ngayon ay magiging boss ko na.

"I'm glad to see you again bata." Masayang wika niya.

"Salamat boss. I'm also glad to see you and I never expect na makikita pa kita. Kala ko kasama ka na ng magulang ko sa kabilang buhay."

"Malapit na ako dyan hahaha."

Napakamot ulo nalang ako. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako sa sagot nya o hindi.

Black Heart Series: Aziel Where stories live. Discover now