Chapter 9

29 5 1
                                    

AZIEL POV

"Grabe! Nakakaloka talaga. He is really a devil hiding in an angel wings." Iiling-iling na sabi ni Nico. Nanunuod kami ng tv sa sala nila.

It's been two weeks pero laman pa din ng mga national news si Alberto. He was now transfer to Camp Crame. All the evidence that I got was all transfer to Supreme Court. Sumali na din ang NBI sa pag iimbestiga ng kanyang kaso.

"You cannot judge the book by its cover." Ani ni Elai, kapatid na panganay ni Nico.

"Looks can be very disevening talaga."

Lahat kami napatingin kay Nico. Kumunot ang noo ko at medyo nag loading ang aking utak sa disevening nya.

"What? Totoo naman ah. Looks can be disevening."

"It's deceiving, Nico." Pagtatama ni Elai.

"I know duh. Gusto ko lang kayong patawanin. Masyado mayong seryoso eh. Tignan mo si tatay, parang anytime gusto na pumasok sa tv para lang suntikin si Alberto."

"You can't blame him Nico. Baka nakakalimutan mo, isa si tatay sa campaign leader noon ni Alberto. He loved that devil so much at sobra-sobra ang respeto nya sa kumag na yun." Sabi ni Elai.

"I know naman ate. Saksi ako doon. Kaya nagpapatawa ako. Kaso, wala kang sense of humor. Sayang yung joke ko." Nico rolled her eyes tsaka sya padabog na sumandal..

"Ay sorry naman. Hindi kasi gumagana yun ngayon eh."

"Sabihin mo wala ka noon. Loner ka kasi."

"Hoyy! Anong..."

"Good evening po." Naputol ang sasabihin ni Elai at sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan ng bahay nila.

"Xander iho." Mabilis pa sa alas kwatro na napatayo ang papa nila Nico. "Pasok ka."

"Salamat po. Pero magtatanong lang po ako kung mayroon pa po ba kayo ng isaw. Naghahanap po kasi ung mga amo ko."

MGA AMO KO? Ah, yung mga bisita nila.

Napatingin ako sa orasan nila Elai. 7pm na din pala. Oras ng dinner nila at ngayon palang sila naghahanap ng isaw.

"Meron naman pero since hindi kami nagtinda now, hindi pa yun luto. Pero malinis na sya." Sagot ni Elai.

Hindi kasi sila magtitinda pag lunes.

"Ganun ba. Pwede ko bang bilhin lahat tapos kung pwede, sama na kayo sa akin para kayo na magluto nun sa mansyon. Alam nyo naman." Napakamot ulo si Xander sa huling sinabi nya.

Pasimple akong natawa. Mga gusto kumain ng isaw pero hindi marunong magluto.

"Pwede naman, pero si Nico nalang sasama...."

"No. Sasama kami ni ate." Agad na sabat ni Nico. Pinandilatan sya ni Elai.

Elai is a home buddy kind of girl. Ayaw nito ng lumalabas. Lalabas lang ito kung may kailangan bilihin at wala syang mautusan. Makikita lang syang nagtatagal sa labas nung nag aaral pa sya. Ngayon, lagi lang syang sa loob ng bahay since ang trabaho nya ay VA.

"Labas-labas din paminsan-minsan ate. Landi-landi rin." Bulong ni Nico sa kanyang kapatid, sabay hila sa kanya papuntang kusina.

"Sama ka na din Aziel."

Medyo nagulat ako sa sinabi na iyon ni Xander.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Miss ka na kasi ni Rohs."

"Huh."

"I mean natutuwa si Rohs pag sumama ka. Tsaka off mo naman bukas."

"Magpapahinga ako." Kakakita lang namin kanina dahil nag ayang kumain si Ivy sa labas. Halos araw-araw kaya kami nagkikita ni Rohs, nauumay na ako sa pagmumukha nya.

Black Heart Series: Aziel Where stories live. Discover now