Chapter 11

35 4 1
                                    

AZIEL POV

'It's starting again. Dominguez is moving.'

'He is, obviously.'

'Shall I proceed with the plan?'

'Yes, please, Chessman.'

'Noted.'

I let out a deep sigh at muling binasa ang report na pinadala ni Chessman sa akin.

Tulad ng hula ko, ang mga aberya sa makina nitong mga nagdaang araw ay kagagawan ni Dominguez. It's the same as what happened  way back na ikinamatay ng madaming turista at mamayan ng Buena Suerte.

Walang nakaka alam ng totoong nangyari. Ang alam lang ng lahat ay pumalya ang makina at nag overload ang ferry. Sinisi lahat sa may-ari ng ferry na lumubog. Sila ang nagbayad ng kasalanang hindi naman talaga nila ginawa. They became the escape goat of the devil.

And this is where Celso Dominguez enter the scene as someone with pure intention and captured all the heart of Buena Suerte. Sya ang sumagot sa lahat ng gastusin ng libing ng mga namatay, na dapat ay sagot ng ferry company. Binigyan din nya ng tulong pinansyal ang mga naulila at pinag aral ang mga anak na naiwan. Binigyan din nya ng trabaho ang mga inang mag isa na lamang tataguyod sa mga anak nila.

He is really an angel without wings for everyone. A hero without a cape. Wala din syang issue. Hindi syang kurap na politician.

Or so they thought.

There no such thing as perfect person in this world. At wala ding hindi tiwaling politiko. May magaling nga lang magtago sa masasama nilang gawa at isa doon si Celso Dominguez.

Hindi sya lantaran kung magnakaw ng pera ng bayan, kaya hindi sya nahuhuli. But, no secrets can be keep forever.

At ito na siguro ang panahon para malaman ng buong Buena Suerte that Celso Dominguez is a devil disguise. Lalo na ngayong buhay na naman at kabuhayan ng mamayan ng Buena Suerte at buong El Nido ang nakasalalay.

Nagpakawala ako ng isang malalim ng buntong-hininga habang binabasa ang mga documents na sinend sa akin ni Chessman. It's all about Dominguez in and out transactions, different bank accounts, mga perang nakuha nya sa kaban ng bayan at mga negosyo kung saan pailalim at pasimple nyang ginagatasan ang mga mamayan.

"The hospital is doing well." Bulog ko habang nakatingin sa financial report ng hospital na pinatayo ni Dominguez. Napatayo ito nung panahong may lumubog na ferry. Libre ang check up dito pero ang gamot, mahal. Ginto kung sabihin pa ni ate Iris. Mababait din ang mga doktor at asikasong-asikaso lahat ng pasyente, kaya hindi na iniinda ng iilan ang presyo ng mga gamot. Ang nirarason nalang nila, libre naman daw ang check-up.

But the medicines prices are too high. Halos triple ang presyo kung ikokompara sa ibang hospital. Kahit pa sabihing libre ang check-up ay hindi pa din makatarungan ang presyo ng mga gamot. Sobra pa sa sobra.

Ganito kung paano gatasan ni Celso Dominguez ang mga mamayan. Pasimple. Yung tipong may malaki syang pantatakip sa masama nyang ginagawa. Na ang tanging makikita nalang ng iba ay ang pantakip na iyon sa halip sa masamang ginagawa nya.

And that hospital was built from the people's money, ngunit ang sabi ni Dominguez ay galing iyon sa sarili nyang pera. Ang sabi pa nya, ay handa syang maglabas ng personal funds nya para sa ikakabuti ng mga mamayan. At kaya nya pinatayo ang hospital ay para hindi na mahirapan pa ang mga taga Buena Suerte.

Napailing nalang ako ng mabasa ko kung gaano kalaki ang nakuha nyang pera sa pagpapatayo ng hospital. Hindi ko maiwasang pagak na matawa matapos kung mabasa ang lahat ng documents na magpapatunay na hindi galing sa personal savings nya ang pagpapagawa ng nasabing hospital at kung gaano kalaki ang nakulimbat nya sa pagpapatayo nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ang matibay ba ang pundasyon ng hospital.

Black Heart Series: Aziel Where stories live. Discover now