Chapter 8

26 7 2
                                    

AZIEL POV

"Everything is a lie!" Malakas na sigaw ni Alberto, but the video keep on playing.

"Your a pedophile, Alberto." Pagapaptuloy ng boses ko sa recording. "Ang asawa mo ay hindi namatay dahil sa sakit, kundi namatay sya dahil sa sama ng loob sayo. Stress and frustration that cause to a sudden cardiac arrest. The reason of her stress and frustration ay dahil sa kababuyan mo. You love kids, yes, but you love then more than that. May casa ka na puno ng mga minor de edad. Babae at lalaki. Age range from 7 years old to 16."

"Oh my gosh!" Singhap ng katabi ko. I look at her and she is crying. Nakatakip ang dalawan nyang kamay sa kanyang bibig.

"Kung totoo man ito, laking pasalamat ko sa Diyos dahil hindi ako pumayag na maging katulong sa mansyon nya ang bunso kong anak." Wika ng isang matanda sa aking harapan.

"Kalokohan! Wala..."

"Walang basehan Alberto? Bakit hindi mo panuorin ang video. Nandyan lahat ng baho mong nakatago."

"Manahimik ka! Bakit hindi ka magpakita? Kung matapang ka, bakit hindi ka magpakita?"

"Kalmahan mo Alberto, baka atakihin ka. Ay, hindi nga pala totoong may sakit ka sa puso at mas lalong hindi totoong baldado ka. Hindi ka pilay Alberto."

"Tarantado ka! Hayop ka, magpakita ka!"

"Baka pag nagpakita ako, Alberto sunduin ka bigla ni satanas."

"Punyeta! Hindi mo ba alam, kapatid ko si satanas. Bakit nya ako susunduin."

"Kaya pala napakaitim ng kalooban mo. Sunog na sunog pala sa impyerno ang budhi at kaluluwa mo."

BANG!

BANG!

BANG!

Agad na nagtakbuhan ang mga tao palabas ng convention center.

"Gago! Magpakita ka! Papatayin kitang hayop ka."

Tumakbo ako pababa. Sinabayan ko ang agos ng mga tao na palabas ng convention.

"Magpakita ka!"

BANG!

BANG!

BANG!

Tinamaan ang emcee sa noo, isang sibilyan ang tinamaan sa dibdib at ang isang bala ay tumama sa projector mismo.

"Alberto Sanchez!"

Nakahinga ako ng maluwag ng dumating na ang mga police at isa doon ay si chief Mendoza.

"Mendoza! Buti naman nandito ka na." Lumapit si Alberto kay chief ngunit agad itong napatigil ng paputukan sya ng isa sa mga kasama ni chief sa paa.

"You are under arrest Alberto." Matigas na wika ni chief.

"Tarantado ka Mendoza."

Hindi nagpatinag si chief sa kanya. May itinapat si chief sa mukha ni Alberto na sa tingin ko ay warrant of arrest. He is fast. He got a warrant of arrest immediately. Kahapon ko lang binigay sa kanya ang ilan sa mga ebidensya na hawak ko. Enough for him to got a warrant of arrest.

"You have the right to remain silent. Anything you say can be used against you in the court. You have the right to have lawyer for advice before we asked you any question. If you cannot afford a lawyer, which I really doubt, one will be appointed for you before any questioning if you wish. If you decide to answer questions now without any lawyer present, you have the right to stop answering at any time."

"Sira ulo ka Mendoza. Oras na matapos ito asahan mo ikaw unang ibabaon ko sa hukay."
Sigaw ni Alberto.

"Ipagdasal mo kay satanas na mangyari yan Alberto." Sagot ni chief tsaka sinenyasan ng kanyang mga kasama na dalhin na si Alberto.

Black Heart Series: Aziel Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt