AGREEMENT 1

332 9 0
                                    

*Lauren*

He has no idea that I exist.

For the nth time sa loob ng halos isang oras ay tinapunan ko na naman ng tingin ang direksyon ni Elijah Owen Damian, and again, I'm just struck with how beautiful he is. Yep. I know I should use another adjective to describe him 'cause 'beautiful' is an adjective that guys don't want to hear in connection to their looks. Pero my brain is mush right now and incapable of rational thinking. Kaya, beautiful, Elijah Owen Damian will remain.

It came as a super huge shock to me nang ma-realize ko how head over talampakan akong in-crush with Elijah. Yep. In crush lang muna. Over naman ang in love agad. Hindi naman ako ganyan kababaw. I don't really know him beyond sa mga naririnig-rinig ko sa ibang tao at sa mga na-o-obserbahan ko sa kanya. Kaya, I'm reserving judgment muna before I declare undying love for him. Pero the mere fact na nagka-interes ako sa kanya is a miracle dahil sa totoo lang, first time itong mangyari sa akin.

Akala ko dati ang tipo ko ng lalaki ay hindi katulad niya. Mga katulad niyang saksakan ng guwapo na may possibility na mapagkamalang siya ang babae sa halip na ako. Sa mga katulad niyang popular na kailangan ng engraved appointment para magkapuwang sa busy social life calendar niya. At lalo na sa mga katulad niyang jock. Nope. If I had a list of things-I-don't-want-my-future-boyfriend-to-be, ang pagiging jock ay mangunguna sa listahan.

Pero, surprise-surprise, hindi ko pala talaga alam ang gusto ko kasi heto at nahuhumaling ako sa isang lalaking nag-aangkin ng lahat ng ayaw ko. And he doesn't even know that I'm alive!

Napapabuntong-hininga na lang ako sa pagiging pathetic ko. Why do I always gravitate toward things that I can't have?

Pilit kong inalis ang aking mga mata mula sa yummy na likuran ni Elijah at ipinako iyon sa guro naming hindi ko maintindihan kung bakit nag-extend na naman ng oras niya. Mabuti na lang at wala akong klase directly after this or else ay palagi akong late.

"I'm really, really disappointed in you, class," wika ng guro into the microphone. At umugong na ang daing ng mga kaklase ko. Ganoong-ganoon ang opening speech ni Ms. Maricel Garcia the last time na nag-distribute siya ng nagraduhan na naming test papers where half of the class failed, a fourth pasang-awa and only another fourth passed. Sa kabutihang-palad, nabibilang ako sa huling grupo.

Ang klase namin ngayon ay Speculative Thought. It has been said na ito ang pinakamadaling kurso na maipasa dahil ang gurong nagtuturo nito dati ay sobrang tamad gumawa ng mga exams. Sampung taon na niyang tinuturo ang subject na ito and all those times, iisa lang ang set of exams na binibigay niya. Ni hindi man lang iniba-iba. Like kung ano ang binigay niya sa first exam last semester, iyon at iyon lang din palagi. Kaya kung miyembro ka ng isang frat o soro, malamang you will ace this course. Lahat sila may copy ng exam pati answer keys. Kung lone sheep ka naman, you didn't have to despair. Some enterprising students sell those,too. Heck. Baka nga naka-post na sa youtube ang mga 'yon.

Pero sa simula ng semester, ang gurong pinakamamahal na iyon ay biglang nagdesisyon na kumuha ng sabbatical leave at si Ms. Maricel Garcia ang pumalit sa kanya. At ang supposedly easiest course on the planet became hell on earth para sa mga estudyanteng kumukuha nito. Well, hindi ako isa sa kanila. Hindi ko ba alam pero click kami ni Ms. Garcia. Trip niya ang mga write-ups ko.

"For those who got grades that are not that good, I'm willing to give you another chance to redeem yourselves before the final exam," pagpapatuloy ni Ms. Garcia.

Hmmm. Willing talaga ang term ni Ma'am? Hindi kaya at baka kinausap siya ng college dean dahil na rin siguro sa mga reklamong natatanggap ng mga advisers tungkol sa subject niya. Hindi naman kasi magandang tingnan para sa isang baguhang guro na lampas sa kalahati ng klase nito ang bumabagsak. Okay sana kung ang mga bumabagsak ay iyong mga hindi talaga nag-aaral pero bumabagsak din kasi ang ibang mga nagiging dean's lister. Kung ako ang tatanungin, this chance isn't really for the students' sake kundi para na rin kay Ms. Garcia.

Halaw (Writing Exercises)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora