AGREEMENT 4

90 5 0
                                    

*Lauren*

"No! I told you, this part right here needs an orchestra!"

"Bullshit! Do I look like I do orchestra? What am I? A pussy?"

At nagliparan na ang mga musical score sheets kasabay ang paglundag ni Lily papunta sa nakatayong si Henry. Diretso sa mahabang buhok ng lalaki ang mga kamay ni Lily at sinimulan niya iyong hilahin. Napuno ng sigawan at murahan ang buong studio.

Napabuntong-hininga na lang ako habang naiiling na pinapanood ang dalawang singers namin na pagulong-gulong sa sahig. Tatlong buwan na lang at showcase na namin pero wala pa rin kaming natatapos na practice dahil sa dalawang ito.

Lily is an opera singer and a really good one. Once she sings, nakakapanindig balahibo talaga. Pero simula nang sumali ito sa amin two months ago, instead of singing, all she did is screech at Henry every single time.

Henry naman is the lead singer of an indie rock band dito sa university namin. Like Lily, he has a helluva voice. His growling rasps give you shivers and drop other girls' panties. Not mine of course. Or even Lily. The only thing Henry drops out of Lily is her temper.

"Bwisit ka! Bwisit ka! Bwisit kaa!!!," galaiting sigaw ni Lily habang hindi pa rin binibitawan ang buhok ni Henry. Kandabali na ang leeg ng lalaki.

"Aray, Scordato ha! Nakakarami ka na! Papatulan na talaga kitang babae ka!" At pilit nitong inaalis ang mga daliri ng babae mula sa ulo niya pero sadyang may pagkatuko yata si Lily.

Panay na ang awat ng mga kasamahan ko sa dalawa pero parang wala nang narinig ang mga ito. Masyado silang abalang kalbuhin ang isa't isa.

Wala ding isa sa amin ang nagkalakas ng loob na lumapit sa mga ito para paghiwalayin. Natuto na kami sa masaklap na dinanas ng drummer ni Henry nang dating subukan nitong awatin ang kabanda at ang kaaway nitong babae. Ito ang kamalas-malasang nakasalo ng sapak ni Lily na dapat ay para kay Henry. Isang linggo din yata ang lumipas bago nawala ang black eye nito. Kaya, since then, we adapted a motto of kung sino ang maunang mamatay sa mga singers namin, ililibing na lang namin. 'Til then, hands off kami.

Dahil sira na ang practice at tiyak na matatagalan pa bago kumalma ang dalawa, napagpasyahan na lang ng iba sa amin na umalis na and try again next week. At this rate, wala kaming maipi-present sa showcase at magiging kasalanan ito ng dalawa.

Muli akong napabuntong-hininga habang inaayos ang cello ko.

Bakit naman kasi naisipan ko pang kumbinsihihin ang dalawa na sumali sa amin?

I heard that there's bad blood between Lily and Henry pero akala ko tsismis lang 'yon. Sure, there is bound to be friction between the two singers since they have opposing type of music. Pero ang buong akala ko, it would be overcome. Nang kinausap ko sila at pinakita ang musical score, they were excited to do it. Of course, I've shown them the song separately. And all the trouble started as soon as they laid eyes on each other on this very studio.

Cello ang major ko pero lingid sa kaalaman ng iba, I got into Evergreen with a scholarship not for playing it but for composing. Hindi ko nga lang ito pina-practice dahil nag-concentrate na ako sa cello. Pero this semester, my adviser insisted that I enter a composition to this showcase. So I composed one and added lyrics to it.

The song is a duet and I really imagined Lily and Henry doing it. Weird siguro para sa iba pero their voices have qualities that fits my song.

Hindi lang siguro napapansin dahil natatabunan ng ka-boring-an ng opera songs ang quality ng voice ni Lily na gustong-gusto ko. If she sings a particular way, she brings you higher and higher hanggang pakiramdam mo lilipad ka na.

Halaw (Writing Exercises)Where stories live. Discover now