THE SCANDAL (3)

104 5 1
                                    

Araw ng Biyernes. Muli na namang natagpuan ni Kyle ang sarili sa isa sa mga coffee shop na pag-aari ng pamilya ni Borjie. This time ang shop na napili ng kaibigan ay malapit sa beach at open-spaced. Nang makapag-park ay bahagya pa siyang nagdalawang-isip kung bababa nga ba siya. Ang dami na kasing kotseng nakaparada doon at mula sa kinauupuan ay naaaninag niya ang maraming tao sa loob ng coffee shop.

Medyo praning siya ngayon dahil noong nakaraang araw ay may paparazzi na nakapasok sa building niya at nag-camping sa tapat mismo ng kanyang kuwarto. Kung hindi pa siya tumawag sa security at kay Tito Effie, ang manager niya, baka naging disaster na naman ang sitwasyong iyon at maging tampulan na naman siya ng eskandalo. Mabuti naman at naialis ng mga tao ang makulit na paparazzi ng walang insidente at nanumbalik ang katahimikan niya. 'Yon nga lang ay medyo mas maingat at mapagmatyag na siya ngayon kumpara sa dati.

Naisipan niyang umatras talaga sa proyekto ni Borjie pero dahil sa tawag ng kanyang lola kagabi ay nagbago ang isip niya. Nag-aalala ang abuela sa kanya.

"Hijo, why don't you stay with us for a while? I'm really worried for you. I don't get to see you anymore and your Tito Effie is complaining that you're shutting him out," nag-aalala nitong wika sa telepono kagabi.

"Lola, I'm fine."

"No, you're not," matigas nitong tugon.

Napabuntong-hininga na lang siya. "I will be fine," pag-gi-giit niya. "I just need time and space."

"Wrong dear. What you need is to get out of there, go home to get pampered or go out and live it up. This is showbiz. Everything passes pero it would feel like the time is crawling along if masyado mong aalagaan ang hurt feelings mo."

"Lola --," simula niyang pagtatanggol sa ginagawa pero sumabat kaagad ang abuela.

"Apo, believe me, lying low at this critical time will not help you in the end. If you can't have that ingrate of a girl, at least you'll have your blooming career. I don't want to say I told you so, pero I really told you that I don't like that girl for you. I told you she wouldn't be good for you. But you people don't listen and look what you got."

Kahit kailan talaga ay hindi sang-ayon ang Lola Blanche niya kay Julia bilang nobya niya. Okay ito sa pagiging magka-loveteam nila noong una dahil naniniwala itong it was a great career move for the both of them. Pero nang malaman nitong naging magkasintahan sila, hindi ito natuwa. Hindi man ito vocal sa pagkadisgusto sa dating nobya ay diretsahan naman siya nitong pinagsabihan noong una pa lang. Hindi nga lang siya nakinig dahil maliban sa talaga namang baliw siya para sa babae dati ay si Lola Blanche lang naman ang nag-iisang tutol sa pagmamahalan nila. He should have listened.

"Don't worry, Lola. This won't happen again," pangako niya.

Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "I doubt that but just be careful, hijo. Hearts are easily broken and discarded in our industry. Please take care of yours."

"I will." Pangako niya at natitiyak niyang tutuparin niya ito. He won't get hurt ever again.

Marami pa silang napag-usapan ng lola at nang matapos ang kanilang tawagan ay mas lalo siyang nakaramdam na tama ang naging desisyon niyang abalahin ang sarili sa proyektong ito ni Borjie. Kaya lang ang maraming mga sasakyang nakaparada sa coffee shop na ito ngayon gives him pause.

He was woken from his reverie nang biglang nagring ang carphone niya at nang pindutin niya ang speaker ay ang boses ni Borjie na medyo iritado ang narinig niya.

"Nasaan ka na ba?," agad nitong usisa. Mukhang nasa director mode na ito ngayon. "Kanina pa kami naghihintay dito. We're going to have our first reading today tapos ang pareho kong main leads ay wala pa rin. My God! Are you trying to make me crazy?!"

Halaw (Writing Exercises)Where stories live. Discover now