AGREEMENT 8

154 8 0
                                    

*Lauren*

What the hell is wrong with me?

I agreed to tutor the jerk in exchange for a date that I'm not even sure I want. Of all the stupid things I could do, ito na ang pinaka!

Mahina kong inuntog ang aking noo sa manibela.

Kanina pa akong naka-park dito sa tapat ng bahay nina Jaxon. Hindi ko lang magawang lumabas ng sasakyan.

I'm starting to get a headache. Can I claim a head-breaking migraine to get out of tutoring him today?

Pagkatapos ko siyang ihatid kahapon ay hindi na ito huminto sa kakatext at kakatawag sa akin. Yep. Inalis ko na ang numero niya sa banned caller list ko. A list na siya lang naman ang laman. Hindi ko na maalala kung anong binoladas niya at nagawa ko 'yon. I was busy having second thoughts about our agreement to remember.

Napapayag din niya akong magsimula kami kinabukasan agad. Who would have thought that I would willingly go to the devil's lair? Yet, here I am. Garabe din talaga ang convincing power ng ugok na 'yon. No wonder na maraming babae 'yong nagoyo.

Back to claiming a fake headache, he would probably torture me with his whining kung hindi kami matuloy ngayon.

I heave a sigh and slowly got out of the car. Better get it over with na.

Mabibigat ang mga paang lumapit ako sa bakuran nila at pinindot ang doorbell. Makailang pindot na ako pero wala pa ring lumalabas. May mga tao naman sa loob. I could hear their guffaws from where I'm standing.

I gave the doorbell another press. Nang wala pa ring lumabas, I tried pushing the gate. To my surprised, it swung open. I breezed in and reach the door in no time.

I knocked. Mahina lang sa una pero nang parang wala pa ring naririnig ang mga tao sa loob, nilakasan ko na.

My effort was rewarded when the door opened and a smiling, tall, dark-haired guy ang sumalubong sa akin. Surprise registered in his eyes bago ako pinasadahan ng tingin.

That frank appraisal irritated me. Associated nga ito kay Jaxon. Maniac din.

Tinaasan ko nga ng kilay.

Ngisi lang ang tugon nito. "Wow, Lauren, this is a pleasant surprise. You look smashing as ever."

Yep. Kaibigan nga 'to ni Jaxon. Mambobola din.

"Liam, hindi mo na ako kailangang hiritan. Wala akong pera na maipapautang sa'yo."

Tawa lang ang sagot nito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako.

Tatlong pares ng mata ang napako sa akin pagkatuntong ko ng foyer. Their stares registered varying degrees of surprise. Game consoles temporarily forgotten.

Medyo napahiya ako ng kaunti. I guess their captain didn't tell them the good news?

Kung pagbabasehan ang huli kong encounter sa mga housemates na ito ni Jaxon, next to impossible talaga para sa kanila ang pagpunta ko sa townhouse na ito. I met them at the Counseling Office where I was filing a sexual harrassment charge against their leader. I was not in the best of mood then, to say the least. I think, namura ko pa nga yata ang isa sa kanila dati dahil umentra sa usapan. I'm not sure pero parang si Ryder yata 'yon? The guy with spiked hair and horned earrings ngayon.

Still, they are hot property dito sa Evergreen kaya imposibleng hindi ko sila makilala by name. Lalo na si Liam. BFF ito ni Jaxon.

"Hi," basag ko sa awkward silence. I even raised a hand in a fast wave.

Nahimasmasan naman yata ang mga ito at isa-isa nang napangiti ng maluwang. Those smiles seemed genuine which I didn't expect. I was thinking na leader ng isang kultong sumasamba sa mga kambing ang tingin nila sa akin. Mukhang may natitira pa naman yatang decency sa katawan ni LaCroix at mukhang hindi niya ako siniraan sa mga kasama sa bahay.

Halaw (Writing Exercises)Onde histórias criam vida. Descubra agora