THE SCANDAL (4)

111 5 1
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ni Kyle sa sasakyan ay awtomatiko siyang napatingin sa wristwatch. Ngayon ang unang araw ng taping nila at mukhang napaaga siya ng dating. Mukhang hindi pa tapos ang mga crew at staff na mag-set-up ng kanilang location. Pero nakikita na niya si Borjie na nasa gitna ng kaguluhan at mukhang heneral na panay ang utos sa mga sundalo nito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng kaibagan habang nililibot ang mata sa location na napili nito. Nasa loob sila ng isang GK Village. Minsan na din siyang naging isang GK volunteer sa iba't ibang villages pero itong location ang pinakamagandang GK village na napuntahan niya. Parang maliit na community ang lugar complete with streets of houses pa. Parang American suburb ang design at arrangement ng mga bahay.

Ang ipinagtataka lang niya ay bakit parang wala pang mga tao ang mga units. Hindi usually ganoon ang mga GK village na napuntahan niya. Kadalasan ay naroroon din at umaaligid ang mga magiging may-ari ng mga units at nakikitulong sa mga volunteers.

Napansin na din siya ni Borjie sa wakas at sinenyasan siya nitong lumapit dito. Tumalima naman siya. Nakipagpalitan siya ng pagbati sa mga taong nakakasalubong. Lahat ang mga ito ay bahagi ng proyekto.

"Kanina ka pa?," salubong na tanong ni Borjie sa kanya habang ang mga mata nito ay nakatingin sa mga sine-set-up ng mga tao.

"Hindi naman," tugon niya. "Okay ang location mo, ah. Paano mo ito nakita? At nasaan ang mga taong may-ari nitong mga bahay?"

"Nag-volunteer ako dito dati. Nakausap ko ang coordinator at humingi ako ng permisong mag-shoot dito. Tutal naka-schedule naman ang mga taong lilipat dito next month pa," paliwanag nito.

Napatango na lang si Kyle. Bilib talaga siya sa kakayahan ng kaibigang gumawa ng paraan para sa mga proyekto nito. Kahit dati pa man ay maparaan talaga ito. Nakakaramdam tuloy siya ng excitement sa mga magiging proyekto ng lalaki kapag naging ganap na itong direktor. Sana ay makatrabaho niya itong muli sa mga proyektong iyon.

"Pasok ka muna doon," sabay turo ni Borjie sa isang bahay na mukhang control center nito. "Pahinga ka muna at tatawagan ko pa si Morgan. Baka naligaw na naman 'yon at ma-late na naman."

"Dapat pinapasundo mo," suhestiyon niya.

"I would if alam ko kung saan 'yon nakatira kaso homeless yata 'yon kasi walang address na isinulat sa resume niya," may himig ng pagrereklamo sa boses ni Borjie.

At tumalikod na ang kaibigan sa kanya at naglakad papalayo. Hawak-hawak na nito ang cellphone at maya-maya ay abala nang nakikipag-usap doon. Mukhang inalis na siya sa isipan nito. Kibit-balikat na lang niyang tinahak ang daan tungo sa building na tinuro nito kanina.

Pagpasok niya sa kuwarto ay naghari na naman ang isang uncomfortable silence na pilit niyang inalis sa pamamagitan nang pagngiti at pagbati sa mga taong naroroon na. Isa-isa naman siyang binati din ng mga naroroon at unti-unting nanumbalik ang dating comfortable aura ng silid. Lihim siyang napabuntong-hininga at nagpasalamat. Hindi niya kakayaning makasama ang mga ito kung palaging parang may gap sa pagitan niya at ng mga ito.

Naupo siya sa isa mga blangkong upuan sa tapat ng isang mesa. Inilapag niya doon ang backpack at inilabas ang folder na naglalaman ng kanyang script. Napansin niya ang iba na may mga ganoon ding folder at katulad niya ay nagbabasa din. Ang iba naman, lalo na ang mga babae, ay abala sa pag-aayos ng sarili. Sa isang sulok ay may nakita siyang pintuan na nakabukas at mula roon ay masisilip ang ilang racks ng mga damit. Malamang ay ang kuwartong iyon ang nakatalagang dressing room. May ilang mga staff na labas pasok doon. Mukhang sa totoong budgeted production siya.

"Good at maaga ka. Akala ko kailangan na naman kitang ipa-hunting," mayamaya ay narinig nilang malakas na sabi ni Borjie. Nagmumula ang boses nito sa labas ng building at mukhang papalapit.

Halaw (Writing Exercises)Where stories live. Discover now