THE SCANDAL (5)

209 6 2
                                    

"She's irritating," pagrereklamo ni Kyle kay Borjie. Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi ang bane ng kanyang existence na si Morgan. Simula noong nagtalo sila ng babae noong first taping nila ay hindi na naalis ang iritasyon niya dito. Kung hindi lang siya nahihiya sa kaibigan na iwan ito sa ere ay matagal na siyang nag-quit.

Borjie just chuckled at his statements and the guy just continued twiddling with some program sa laptop nito. May editing team ito pero hands-on talaga minsan ang kaibigan katulad ngayon dahil nag-e-edit din ito. Kasalukuyan nitong inaayos ang mga videos na nakuha nito mula sa ilang araw na ding taping nila. Ngayong araw ay may taping din sila. Finally, para na sa second episode ng trilogy nitong short film. Pero ang location nila ngayon ay sa unibersidad nina Borjie . Linggo ngayon kaya walang masyadong tao at so far, sila pa lang dalawa ang nandoon sa kuwartong itinalaga ng batang direktor bilang control room.

Nakisabay na siya sa kaibigan sa pagpunta sa kanilang taping ngayong araw. Iniwan niya ang masyadong pamilyar na sasakyan dahil ilang beses na siyang nasusundan ng mga papparrazzi at mahirap silang maalis mula sa pagkakabuntot sa kanya.

Naiinis na tinitingnan niya ang ini-edit na scene ni Borjie. Iyon ang scene na ginawa nila after siyang insultuhin ng babae. Ang scene ay ang karakter ni Morgan na si Juli ay nagbibigay ng supply ng organically farmed eggs sa karakter niyang si Bryce. Ayon sa script ay dapat magpanggap si Bryce na natutuwa siya sa ginagawa ni Juli pero pagkatalikod ng babae ay idederetso niya ang mga itlog sa basurahan. At ganoon nga ang ginawa niya. Hindi na nga siya nag-a-act na nayayamot habang tinatapon ang mga itlog dahil sadyang nayayamot talaga siya noon. Iniisip nga niyang ang ulo ni Morgan ang mga itlog at iniimagine niyang nagtititili ito habang isino-shoot niya sa basurahan.

"Pero you must admit, she makes you act better," natatawang komento ni Borjie nang saglit itong huminto sa ginagawa.

"I already act great," pagtatama niya sa kaibigan.

Ngumisi lang ito. "Maybe. Pero she pushes you into another zone of greatness."

Napatiim-bagang na lang siya at hindi na nagkomento pa. Sa halip ay humalukipkip na lang siya. Kahit ano namang sabihin niya ay all praises pa rin ang kaibigan sa babaeng iyon. Pero hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi nitong the girl makes him act better. How could it be eh hindi naman totoong actress ang babae. She's just playing at being an actress. Compared sa kanya, Morgan Soler is nothing. Pero he is stuck with her for another week until matapos nila ang proyektong ito.

Kyle can't wait to get back to the real world and act with real actors and actresses. Kung may isa mang benefit sa pagka-badtrip niya sa babae, ito ay ang pag-asam niyang bumalik sa limelight. Hindi na siya masyadong apektado ng mga kuwento ngayon. Irritant na lang sila. Parang lamok na aaligid-aligid. Nakaka-irita pero hindi nakakamatay.

"By the way, this second episode is the turning point ng kuwento. This is the start of the two character's situation getting flipped," untag ni Borjie sa malalim niyang iniisip.

"I know that. I've memorized the script, remember?"

"Pero gusto ko lang ipaalala na unlike the previous episode where you can use your irritation against Morgan to make the character of Bryce, ngayon naman you have to pull back with the anger."

Napabuntong-hininga siya. "I already get it."

Ngumisi ng nakakaloko si Borjie. "I can't wait for the third episode."

Tinaasan niya ito ng kilay. "At bakit naman?"

"I can't wait to see how you'll play the Bryce who went gaga for Juli. It would be fun."

Halaw (Writing Exercises)Where stories live. Discover now