Uno

247 9 4
                                    

"Irene, hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Maggie, kasalukuyan kaming nasa CCP ngayon, naghahanda para sa cultural performance ng mga bata sa foundation namin. Nilingon ko siya, "hindi pa, kailangan ko muna tapusin itong guest list baka may mga biglang hindi dadalo bukas" sagot ko. Narinig kong bumuntong hininga si Maggie, I glanced at my watch, 8:40 na pala ng gabi, hindi ko namalayan ang oras sa dami ng inaasikaso. 

Ilang sandali lang ay narinig kong tumunog ang telepono ko, tinignan ko ito at nakita ko ang text ng asawa ko.

From: Hubby

You want me to fetch you? 

I thought about it for a while, ilang linggo na rin niyang hindi 'to nagagawa sa akin. Ngayon lang uli niya ako tinanong, kaya wala naman siguro masama kung pagbibigyan ko siya. I bit my lower lip as I sent him my response. 

It's almost 9:30 nang matapos kami. Kanina pa rin naghihintay si Greggy. Nagpaalam na rin si Maggie at ganoon din ako sa ibang kasamahan namin. Kinuha ni Greg ang bag ko at ibang mga papeles na dala ko. I just gave him a small smile. Aaminin kong medyo awkward dahil nga hindi na rin naman ako--kami sanay sa ganitong gawain bilang mag-asawa. Kung tutuusin nga ay para nalang sa publicity ang ginagawa namin. 

Buong byahe ay tahimik lang siya, maging ako ay hindi ako kumikibo, ganito kami araw-araw, mag-uusap lang kung may kailangan pag-usapan. I was just enjoying the city lights when he turned the car into other direction, hindi ito ang daan pauwi sa bahay. 

I looked at him, "Where are we going? this isn't the way to our house" I asked, he glanced at me as he continued driving, focusing on the road. "samahan mo naman ako kumain sa labas... I booked a reservation at L'Opera" he answered. 

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami. Binati kami ng mga waiter at maging ang receptionist. Nakahanda na rin ang mga pagkain sa mesa. 

It was just a normal day for me, not until I heard the waiter greet my husband, "Happy birthday, Mr. Araneta" My mouth fell agape.

Nawala sa isip ko! Sa dami nang inasikaso ko buong maghapon ay hindi ko man lang naalala...

I looked at him, feeling sorry. He was busy talking to the waiter, giving additional instructions, and left. He looked back at me, he just gave me a smile. He poured some wine into our glasses. He started eating as if it was nothing. I  cleared a lump on my throat. 

"I'm sorry..." that's all I can say, wala naman akong maidadahilan eh...

He looked at me again, "it's okay" he simply replied at nagpatuloy na sa pagkain. 

Nang makauwi kami ay dumeretsyo agad siya sa guest room. We don't get to sleep on the same bed anymore. Sabi ko nga sa kaniya, ako nalang ang lilipat, pero he just gave me a blank look. 

I tried to fall asleep pero hindi ako makatulog, halos magpagulong na nga ako rito sa pagkalaking kama pero wala talaga. Kaya naman naisipan kong bumaba to get me some warm milk. Nagulat ako nang madatnan ko sa bar area si Greg. Nakatulala lang siya habang umiinom nang whisky, this man...

"Can't sleep?" he asked, nang mapansin niya ako. "I can't..." I replied at kumuha ng fresh milk sa ref. I poured some on a mug and placed it in the microwave to warm. I'm just staring at the microwave, nasa likod si Greg at naririnig ko ang pagbuhos niya ng alak sa baso niya. 

"Hindi ba may trabaho ka bukas? you might get drunk ha..." I reminded him, he let out a soft chuckle, "I'm a heavy drinker, Irene." he answered at nagpatuloy uminom. "I'll go up now" pagpapaalam ko; Greg nodded and said his good night. Pagkatapos ay kinuha ko na rin ang baso ko at umakyat sa kuwarto. 

Since then, it feels so awkard kapag naiiwan kaming dalawa sa iisang silid. Ramdam ko na pareho kaming hindi makahinga. 

Kinabukasan, nagising nalang ako na siya sa bahay. Maaga naman ako nagising pero mukhang mas maaga siyang umalis. Ang sabi sa akin ni manang ay nagmamadali nga raw itong umalis at may mga dalang papeles. Siguro nga may biglaang problema sa opisina. 

Fading EchoesWhere stories live. Discover now