Tres

240 12 2
                                    

Irene woke up early the next day but was informed that Greggy hadn't returned since he left last night. 

"Saan daw po nagpunta? nagsabi po ba sa inyo? mga anong oras po siya umalis?" Irene asked, pinaghahanda siya ng umagahan ni manang Yeda, inilapag niya ang kape sa hapag at tinapik ang balikat ni Irene. "hayaan mo muna siya, hija... uuwi rin yun sa 'yo." she answered with her soft voice. 

Irene heaved a sigh at tumitig sa upuan ng asawa, which is empty. 

"Am I that bad, manang?" her voice cracked, kagabi pa siya umiiyak at mugto na ang mga mata nito. She received some calls and messages from both of their families but she has no energy to answer them all.

Umupo si manang Yeda sa tabi niya at hinaplos ang kamay ni Irene, "alam kong nasasaktan kayo pareho, anak. Pero sana intindihin mo kung saan nanggagaling ang asawa mo..." she answered, Irene sobbed, "kasalanan ko lahat bakit kami umabot sa ganito, manang. ang sakit makitang nasasaktan ko siya..." she said, manang Yeda caressed her hair, "mas mainam na huminga muna kayong dalawa. at kapag maayos na, mag-usap kayo nang kalmado... hmmm?" she replied at niyakap si Irene. Anak na ang turing niya sa mag-asawa at maging siya ay nalulungkot sa kasalukuyang estado ng pagsasama nila. 

In pain as they both may, who knows? maybe "love is sweeter the second time around" is meant for them as well?

"Ano ba nangyari sa inyo kagabi? sila mommy panay tanong sa akin hindi ko naman alam anong isasagot ko!" ate Imee couldn't help it anymore kaya pumunta na siya dito sa bahay. I just kept my silence at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit. 

"Ano? Irene! Ano, maglalayas ka???" she bombarded me. Tinignan ko si manang at nagpatuloy sa pag-aayos. "Hindi, ate. Ano ka ba." I replied as nonchalantly as I could. Sa inis ni manang ay hinila niya ang mga damit na hawak ko at isinabit sa loob ng closet. Hinila niya ako palabas at pinaupo sa sofa. 

"Ate, ano ba!" I complained as I glared at her. Manang crossed her arms at tinignan ako nang matalim. 

"Sabihin mo sa akin ngayon! ano na naman bang problema ninyong mag-asawa?? Ang sabi rin sa akin ni manang Yeda kanina eh umalis ang asawa mo kagabi, hanggang ngayon hindi pa bumabalik?! hindi mo man lang alam saan nagpunta 'yun!?" sermon niya sa akin, I frowned at her;

"Do you really think I did not call or messaged him? I did! countless times but he's not answering me nga! ano ba gusto mo? ipagpilitan ko sarili ko sa taong ayaw na sa akin? kinapalan ko na mukha ko, ate! ako may kasalanan bakit kami nagkakaganito ngayon at hindi ko, niyo siya masisisi dahil doon! alam mo 'yan! hindi ko nga alam paano ako haharap sa mga pamilya namin kapag nalaman nila ano bang nangyari eh... pagod na pagod na akong magpanggap, ate... pagod na ako, ang sakit sakit na...." I wept in front of her, I was covering my face. 

In shame, in pain.

Until I felt my ate's hug. So tight. Lalong lumakas ang iyak ko. 

"Everything shall be alright, ading ko." Narinig kong bulong ni ate, I also felt her kissed the top of my head, wala akong magawa kundi umiyak nalang. 

Hours passed, gabi na at wala pa rin si Greggy. Tumawag ako sa opisina pero wala rin daw siya doon. Kahit ang mga kapatid niya ay tinawagan ko pero wala rin daw pasabi sa kanila. Ang sabi sa akin ni kuya David--Greg's kuya, ay baka nagpalipas ng oras sa polo club, pero kahit tinawagan ko ang office doon ay wala rin daw don si Greg. 

I couldn't sleep knowing that my husband isn't home yet kaya naman bumaba nalang ako para doon maghintay. My eyes beamed when I saw the main door opened. 

Nakita ko si Greggy na mukhang pagod, I saw him carrying his astronomy equipment, bitbit niya ang stargazing telescope niya and some camping equipment as well. So, he spent his time in the Mt. Purro in Antipolo. Doon kami madalas noon kapag gusto namin makahinga...

Fading EchoesWhere stories live. Discover now