Chapter 19: Evil

1.2K 19 0
                                    

"Answer it," Jacob said.

Huminga muna ako nang malalim bago sinagot ang tawag. Ni-loud speaker ko iyon para marinig ni Jacob ang pag-uusapan namin.

"Where are you? I am here at your mansion. Sabi ng tita mo ay hindi ka rito umuwi," Simon said.

Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Jacob, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I...ah...I'm with a friend. Pauwi na rin ako n'yan. Wait for me." Ngumiwi ako nang makita ang reaksyon ni Jacob sa sinabi ko.

"Okay, I'll wait here. Wear the dress for you, I'll take you on a fancy date just like I promised." I heard him chuckle on the other line.

"Yeah, will do. See you." Mabilis kong pinatay ang tawag at doon pa lang yata ako nakahinga nang maluwag.

"Friend, huh?" Umirap siya.

"I can't say to him that I am with you." Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Magde-date pa kayo. Hurry, maiinip ang ka-date mo," he said. I can almost taste the bitterness in his voice.

"Jacob naman, natatakot na nga akong pumunta sa kanya. Baka alam na niyang may ginawa ako sa opisina niya. Paano kung may alam na nga siya?" Nanlamig ang buong katawan ko.

"Relax, nothing will happen." Binalingan na niya ako, wala na ang pagkainis sa mukha niya. "You don't have to go if you don't want to. Tapos na ang misyon mo."

Umiling ako. "Hanggang hindi pa siya nakukulong, hindi ka pa magiging ligtas. Okay lang, pupunta na ako." Hinaplos ko ang dibdib niya.

"Nathalia," he called me but I didn't stop walking out of his office.

Nag-ayos lang ako nang kaunti at sinuot ang dress na binili ni Simon. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili.

"Whatever happens, you will be alright, Nathalia," kausap ko sa sarili ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Jacob na may pag-aalala sa mukha.

"Don't leave, Nathalia." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"I have to and I want to. Baka may makuha pa akong mas malalim na ebidensya para makulong siya. It will be a big help, para na rin makapag-date na tayo sa labas." Ngumiti ako. "Promise me na magde-date tayo sa labas kapag nakulong na siya."

Mariin siyang pumikit. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. "I promise, dadalhin kita sa lahat ng gusto mong puntahan. Pero kailangan mo ring mangako sa akin na magiging ligtas ka. You have to go back to me safe and complete. Do you understand?"

I nodded and caressed his back. "I promise, master. Just wait for me. I love you."

"Damn, I love you too." Parang ayaw pa niya akong pakawalan pero kiniliti ko na lang siya para makaalis na ako.

When I arrived at the mansion, wala na si Tarra. I don't know where she is. Ang nadatnan ko lang doon ay ang mga kasambahay. Si Simon at Aunt Lorraine ay may kausap daw na abogado sa taas.

Nagkunwari na lang akong walang alam sa nangyayari. Baka may kaso ng naisampa sa kanila at iyon na ang pinagkakaabalahan nila ngayon. Sana lang ay hindi malaman na spy ako rito sa mansyon.

"Nathalia, kanina ka pa?" tanong ni Simon habang bumababa ng hagdan.

Tumayo ako at umiling. "Hindi naman. Kararating ko lang."

Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako. "You are indeed a beauty, Nathalia. Bagay na bagay sa 'yo ang binili kong dress. Let's go?" He offered me his hand and I accepted it immediately.

Ayokong makita niyang may pagdududa ako. Baka maghinala siya at kung ano pa ang mangyari sa akin.

"Where are we going?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"You will know later. Just relax," he said and glanced at me once.

Gusto kong padalhan ng mensahe si Jacob pero natatakot ako na baka makits ni Simon iyon. Bahala na, hindi pa naman pamilyar sa akin ang lugar na tinatahak ng sasakyan niya.

"We're here." Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Inalalayan niya akong bumaba, hindi na niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng restaurant na salamat sa Diyos ay puno naman ng mga sopistikadong tao.

"Reservation for Simon Ferrer," kausap niya sa receptionist na kaagad naman kaming inalalayan patungo sa isang private room.

Panay ang kagat ko sa labi ko. Marami ngang tao pero kaming dalawa lang naman ang nasa private room na ito. What is he going to do with me?

"Did you like the place?" he asked while we waited for our appetizer.

"This is cozy. I like the vibe." I looked around. To be honest, I don't like this place. Plus the fact, that he is the one with me added to my discomfort.

"Good, I hope you enjoy this date and ask for more next time."

Naging komportable lang ako nang dumating ang waiter dala ang mga pagkain namin. Gusto ko sanang manatili pa ang waiter na iyon pero mabilis niyang naibigay ang pagkain namin.

"Are you okay, Nathalia? Parang namumutla ka yata, you didn't like the food?" he asked while staring at my face.

Mabilis akong umiling. "No, pagod lang ako. Nagtrabaho kasi ako kahapon at hindi maayos ang tulog ko," I lied once again.

"I see. Let's just finish the course and then iuuwi na kita. Is that okay? Para makapagpahinga ka na rin." He reached for my hand.

"Okay, that will be great. Thank you. Babawi na lang ako next time." I bit my lower lip.

"You know what I like about you, Nathalia? You are always true to yourself and others. Hindi ka sinungaling kagaya ng mga pinsan mo. Hindi ka rin traydor, you stay loyal to your family all this time." He leaned into his chair.

Napalunok ako. "Thank you. I love my family and family always comes first to me."

"Good, ayaw na ayaw ko ang mga taong sinungaling, traydor, at manggamit. I cursed them to death. Hindi ako pumapayag na basta na lang silang makakatakas sa mga ginawa nila sa akin. Naghihiganti ako, Nathalia. I always make sure they suffer for life because of my revenge. Tingnan mo na lang si Lucy, kahit nagkabalikan sila ng hardinerong 'yon, hindi magbabago na ako ang nakauna sa kanya. Kahit sabihin pa ng Julian na 'yon na hindi na iyon mahalaga sa kanya, I'm sure he will always have a thought about that thing. Manghihinayang pa rin siya sa bawat araw na maiisip niya iyon." He smirked.

I saw how evil he was because of the burning anger in his eyes. Hindi na matanggal ang takot sa akin. Sana pala ay hindi na ako umalis sa mansyon ni Jacob.

"Finish your food and we will go home. Mukhang wala ka talaga sa mood. Or am I scaring you?"

Umiling ako. "I completely understand you. Ayoko rin sa mga sinungaling at manggagamit. They are the worst people to be with," I said as if I did nothing wrong.

"That's why I really like you. Can't wait for your contract to be over. I'll give you the best treatment I could ever give to an employee." He already finished his appetizer.

Nanginginig ang mga kamay kong sumubo ng pagkain.

The Billionaire's PossessionWhere stories live. Discover now