CHAPTER 4 AGREEMENT

299 21 0
                                    

NAPABALIKWAS ng Bangon si Gemini ng may yumuyogyog sa kaniya at nagulat siya ng makita na ang kaniyang Ina na malaki ang ngising nakatingin sa kanila.

'Mom?'

takang tanong niya Masakit ang ulo pa naman ni Gemini dahil nakatulugan niya ang kakaisip kung paano susuyuin ang katipang si Ford.

'I make a special breakfast, gisingin mo na si Fourth'

masayang sabi nito at mabilis na lumabas para maghanda ng kakainin nita doon lamang natauhan si Gemini at naalalang katabi nga pala niya ang matalik na kaibigan.

Agad niyang ginising si Fourth para bumaba at makakain na sila, at alam niyang kukulitin ulit sila ng mga magulang lalo pa at naabutan silang magkatabing natulog.

Napabalikwas din ng bangon si Fourth ng sabihin ni Gemini kailangan niyang magising dahil naabutan sila ng Ina nito na magkatabing natutulog, doon lang din naalala ni Fourth na nakatulog siya sa tabi ni Gemini kagabi.

napakuskos tuloy si Fourth sa batok.

'Ready yourself Fourth, Mom is waiting on us' Sabi ni Gemini bago pumasok sa sariling banyo para maglinis ng katawan.

natulala si Fourth sa kawalan dahil alam niyang mas magiging komplikado ang lahat.

Agad tumayo si Fourth at naghanap sa closet ni Gemini para maghanap ng damit pamalit dahil maliligo din siya bago bumaba at harapin ang mga magulang ni Gem.

After a few minutes ay sabay na bumaba ang dalawa.

Agad kinawayan ng Ginang ang dalawa pagkalabas nina Gemini and Fourth magalang naman na lumapit ang dalawa at binati ang mag-asawa bago umupo na magkatabi.

'What pleasant morning, i never thought magtatabi parin kayo matulog, last time i remember you were just both kids nang huling magkatabi kayo matulog'

kitang-kita ang pamumula ng dalawa sa sinabi ng Ginang wala naman sa kanila iyon pero iba kasi pakiramdam kung galing ang panunukso sa Ginang lalo pa at alam nilang may ibang lahulugan ang sinabi nito.

'I am so happy, kung pwede lang dito ka na fourth, walang problema saakin kahit magkulong pa kayo sa kwarto' sagot nito.

'Mae' saway naman ng asawa pero natawa lang ang ginang tila ayaw magpaawat.

'Gem and Fourth, alam niyo na ang gusto namin na mangyari sainyo, i am so sorry fourth kung tingin mo tinetake advantage namin ang sitwasyon niyo para ipakasal ka kay Gemini, but i want you to know na hindi dahil sa problema kaya ka namin ipapakasal, matagal na ito nakaplano, ang plano ay talagang after your graduation with Gemini' paliwanag ng Ama ni Gemini.

Tahimik naman ang Dalawa na nakikinig hindi naman alam ni Fourth ang isasagot.

binalingan Ginoo ang Anak at tinanong.

'What is your decision? alam niyo ba na hinihintay namin ang decision niyo' tanong nito.

Kitang-kita ni Fourth ang paghinga ng malalim ni Gemini bago sumagot ng.

'We already decide Dad' sagot nito.

'And?' tanong ng mag-asawa

'Fourth and I already accept the engagement' napalakpak ang Ginang sa narinig at sa sobrang tuwa nito ay nilapitan ang dalawa at hinalikan sa pisngi.

'I can't wait the engagement party?' masayang anunso nito.

'Wait, What? Kailangan pa ba iyon?" tanong ni Gemini.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now