Chapter 29 RIVAL

1.3K 84 102
                                    

Dahan-dahang ibinuka ni Gemini ang mga mata at kinusot-kusot at ng mahimasmasan ay agad nagsalubong mga kilay niya ng mapansing hindi familiar ang kwartong tinulugan niya kaya pinag-isipan niya ng maigi kung ano ang huling naaalala.

Simula pag-uwi niya galing sa canada at dumiritso sa party hanggang sa biglaang pagpunta nila sa japan dahil kay Fourth hanggang sa-

'So you are pregnant with me? A-ako ang Ama diba?' hindi makapaniwalang tanong niya.

'Oo ikaw lang, at kambal' nakangiting sagot nito na ikinatulala niya!.

Tama iyon ang huling naalala niya bago siya nahimatay!

Si Fourth! He need to find fourth!

Mabilis na tumayo si Gemini para sana lumbas kaso dahil sa ginawa niyang biglaang pagtayo ay agad siyang nahilo.

'Oh, relax bro bawal ka pa magkikilos-kilos' sita ni Mark na siyang kakapasok lang at agad inalalayan si Gemini paupong pabalik sa kama.

'Anong nangyari?' tanong niya.

'After you fainted kahapon we brought you here sa guest room' sagot nito

'Kahapon?' hindi makapaniwalang tanong niya.

'Oo, noong nahimatay ka nagtuloy-tuloy tulog mo, mabuti nalang may kasamang doctor sina Fourth tinignan ka, and he found out may lagnat ka daw at over fatigue kaya hayaan ka daw magpahinga at siyempre salitan kaming nag alaga sayo' mahabang paliwanang nito.

'What about Fourth?' tanong niya bakas sa boses ang pag aasam.

'Pinagbawalan siyang pumasok at lapitan ka baka raw mahawa sa sakit mo, you know fourth situation mabilis lang siya madapuan ng sakit' anito.

Natahimik si Gemini at naiintindihan ang ibig sabihin ni mark.

Akmang aalis si Mark para kumuha ng gamot kaso agad siyang hinawakan
Nito sa kamay dahilan para lingunin ito.

'M-Mark, tama ba ibinalita saakin ni Fourth h-he is- he is-' hindi niya matuloy-tuloy.

'Pregnant? Oo kaya tigilan mo na pag iisip na may sakit siya, ikaw may gawa kaya lumubo tiyan nun, at bilib din ako sayo actually kami lahat imagine hindi mo lang binuntisan si Fourth kinambal mo pa' natatawang sagot ni Mark.

'So-i am becoming a dad' hindi parin makapaniwala si Gemini sa narinig.

'Yes, oo tama ka magiging tatay ka na, kaya bilisan mo ang kilos kung gusto mo makuha hindi lang kambal mo dapat kunin mo pati ang nagdala ng kambal mo' parinig nito na ikinasalubong ng kilay ni Gemini.

'What do you mean?' tanong niya

'Hindi maganda kutob ko sa doctor ni Fourth, habang wala kang malay aba matindi ang alagang ginawa sa kaniya, hindi inaalis ang mga mata kay Fourth, minsan nga di yata nakatiis si fourth na hindi ka silipin aba kakaikot lang ng door knob nasa tabi na niya ang doctor' pailing-iling na sa sabi ni Mark at halos mapunit ang labi niya ng makita niya ang talim na ng mata ni Gemini at lumaki ang butas ng ilong dahil sa narinig.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now