CHAPTER 28 THE CONFESSION

1.2K 89 83
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Gemini kakahintay na darating si Fourth nandito sila mismo sa bahay nila Fourth kaso wala doon ang binata at tanging katulong lamang ang nandoon, halos ayaw nga silang papasukin kung di pa tinawagan ni satang ang mga magulang ni Fourth para kausapin ang katulong malamang maghahanap sila ng hotel na pag-stehan.

'Anong oras ba darating si Fourth?' nag-alalang tanong niya.

Mahigit dalawang oras na sila dito buhat na dumating at kaya wala si Fourth ay dahil oras nito para sa check-up at mas lalong kinakain ng pag-alala si Gemini sa pag-aakalang may sakit nga ang binata.

Ang mga kasama naman nila ay naghihilik sa tulog dahil pagod na pagod ito sa byahe tapos masasakit pa ang mga ulo dahil sa pagkabitin sa pag-inom ng alak.

Samantala hindi naman makatulog si Gemini dahil sa halo-halong emosiyong nararamdaman.

'I don't kn-' hindi pa man tapos si Satang sa pagsagot ay narinig nila ang ugong ng sasakyan na huminto kaya naman pareho silang napatayo at sumilip sa bentana at mula roon kitang-kita nila ang pagbaba ng isang mapormang hindi kilalang lalaki at pumunta ito sa likuran para pagbuksan ang nasa loob at kitang-kita nila ang pagbaba ng isang Ginang ang siyang ina mismo ni Fourth at pinagpasalamatan ang lalaking nagbukas. Umikot ito sa kabila kung saan nakapwesto mismo sa harapan nila.

At napatiimbaga si Gemini ng makitang niyang si Fourth mismo ang inalalayan nito sa pagbaba at doon kitang-kita ni Gemini ang malaking tiyan ni Fourth at hinawakan pa ng lalaki ang tiyan nito na parang hinahaplos at masaya pang nakangiti si Fourth sa kasama nito.

Ramdam ni Satang ang matalim na mga mata ni Gemini at wala na siyang balak na pigilan ito, susupurtahan niya pa at isa pa ito din ang dahilan kung bakit gustong-gusto na niya magkita ang dalawa dahil sa doctor na palaging kasama ni Fourth.

Malaki ang ngising nakasunod lamang si satang kay Gemini na siyang mabilis naglakad palabas para puntahan ang matagal ng hinahanap hanap.

'i bought a cake to celebrate your 8 months being preggy Fourth' nakangiting sabi ng binatang doctor nangniningning naman ang mga ni Fourth ng marinig ang sinabi nito.

'Vanilla flavor?' Parang batang tanong niya.

Tumango naman ang binata at sabay sabing-

'Pero kunti lang dapat kakainin mo enough for your craving, bawal ka na sa mga matatamis' paalala nito napa pout naman si Fourth sa narinig pero kahit ganoon paman susundin niya parin ang payo nito, for his twin safety ay kakain lang siya ng naayon sa ibinigay ng doctor niya.  umalis naman ang binatang doctor para kunin sa likuran ng kotse ang cake na binili.

Nakatingin naman si Fourth sa kaibigang doctor at halatang natatakam na sa cake. Mabilis naman nakuha ng binata ang cake at ngayon bitbit na nito pabalik sa pwesto at gusto nitong alalayan papasok ang pasyente niya ng may mapansin siyang binatang palapit sa kanila at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.

'G-Gem?' samantala narinig naman ni Fourth ang boses ng ina na itinawag ang pangalan ni Gem kaya nilingon niya ito at ganoon na lamang kabilis ang tibok ng puso niya ng makita ang binatang mabilis naglakad palapit sa kaniya.

Hindi paman naka react si Fourth ay nasa harapan na niya si Gemini at hinila siya palapit at niyakap siya ng mahigpit.

Natulala si Fourth hindi siya makapaniwalang yakap-yakap siya ng taong iniiwasan at tinataguan pero hinahanap-hanap niya parin lalo na kapag gabi ay nandito na sa tabi niya.

Napalunok si Fourth ng marinig ang paghikbi ni Gemini habang yakap-yakap siya hindi naman niya alam ang iresponse dahil sa halo-halong nararamdaman at ang daming katanungan kung bakit nandito si Gemini.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now