CHAPTER 36 WORST FIGHT

789 68 114
                                    

Napalunok ang dalagang secretary ng makitang dahan-dahang lumapit ang asawa ng kaniyang boss at taimtim siyang tinignan.

Gusto man awatin ni Gemini ang asawa pero hindi niya magawa alam niya kung paano magalit ang asawa.

At ayaw niya dagdagan ang inis nito sa kaniya, kakabati lang nila.

'What are you doing here?' Tanong agad ni Fourth sa dalaga.

Napakagat naman ang dalagang secretary bago dahan-dahang sumagot.

'May importante po kasi akong sasabihin kay Sir, Sir?' alanganing tawag nito sa asawa ng boss hindi niya kasi alam kung anong pormal itatawag niya, hindi kasi lihim sa buong company ang katauhan ng asawa ng CEO kaya hindi nila alam kung ano ang itatawag rito nang hindi naiinsulto.

Naningkit ang mga mata ni Fourth sa narinig.

'Sasabihin? Why don't you send by an email? I am sure yon ang bilin ng asawa ko sa'yo, and Do you know how important this Day on us, at walang sino man pwede kumuha sa oras ng asawa ko sa araw na ito, Does he tell you about that?' Malamig na tanong niya.

'nth times napalunok ulit ang dalaga at bahagyang umatras.

'Uhm, may papeles po kasi need ipa perma kay sir pasensya na po' anito na nakayuko.

Agad pinasadahan ni Fourth ang hawak na attache case ng dalaga na bitbit nito.

Bumuntong hininga si Fourth at nawalan ng sasabihin tsaka binalingan si Gemini para tignan.

'Ms. Priya Follow me' utos nito at nauna nang naglakad.

Nag excuse muna ang dalaga sa kaniya bago mabilis na sumunod sa asawa papunta sa sariling office nito.

'Titignan mo lang? Wala kang gagawin?' si Love na nakataas ang kilay habang naka cross arm.

Napapikit si Fourth at kinakalma ang sarili.

'Wala akong magagawa, Valid naman pagpunta niya' sagot niya

'Ang sabihin mo gumagawa ng paraan iyan para makita at makausap saglit ang asawa mo' nanggigil na sagot ni Love.

'Ehhhh kung ako nasa position mo, papasok ako doon' patuloy nito

'At ano naman gagawin ko don?' atumal niya.

'Edi ipakita sa babae iyon kung hanggang saan lang dapat siya' inis na sagot nito.

Inis na kinagat ni Fourth ang ibabang labi bago lumabas sa garden para tignan kung maayos na ang lahat.

Hindi na din nagsalita si Love dahil alam niyang kapag magsasalita pa siya tuluyan nang sasabog ang may bahay.

After 20 minutes ay nakita nilang sabay na lumabas ang dalawa sa mansion at kitang-kita niya ang magalang na pagpaalam nito kaya dahan-dahan lumapit si Fourth sa dalawa at nakasunod naman si Love.

Agad napansin ni Gemini paglapit ng asawa kaya agad nito inakbayan at hinalikan sa ulo si Fourth sa harap mismo ng secretary.

Namula ang mukha ng dalagang secretary at kitang-kita ni Fourth na nasaktan ito sa nasaksihan.

Nagpaalam ulit ito sabay tumalikod at bago pa ito lumayo ay may sinabi si Fourth.

'Comeback here later with your colleagues, i am sure mag e-enjoy kayo' nilingon ni Gemini ang asawa na may matamis na ngiti.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now