CHAPTER 24 THE TRUTH

847 58 79
                                    

Ang Nakaraan. .

GEMINI POV.

Sa awa ni Gemini kay Ford ay hinila niya ito palapit pero hindi niya akalaing hahalikan siya nito, akma niya sana itulak ito palayo kaso ramdam niya ang mahinang hikbi nito habang nakalapat ang labi nito sa bibig niya, He did not response his kisses pero hinayaan din niyang halikan siya ng dating katipan pilit din niyang kinakapa ang sarili kung may natitira pang pagmamahal kaso wala na talaga kahit anong pilit gawin niya.

'Hindi mo na talaga ako mahal' hikbi nito after he kissed him hindi naman nakakibo si Gemini hindi niya alam kung anong magandang sasabihin para lang maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

'I am sorry' ang tanging nasabi niya.

Mas lalong humagulhol si Ford sa narinig, hindi niya parin matanggap na sa isang iglap wala nang nararamdaman sa kaniya si Gemini.

'Mahal na mahal kita Gemini' tanging nasabi niya.

'Mahal din naman kita-' sagot nito

'Pero hindi na katulad ng dati hindi ba?' putol niya sa sinabi nito.

Hinawakan na lamamg niya ang mukha ni Ford at hinalikan sa pisngi sabay sabi-

'I'm sorry Ford, hindi ko sinasadya, pero sana huwag mo isipin na hindi na kita minahal, mahal na mahal kita (pero hindi na katulad na pagmamahal dati)' dudugtungan pa sana ni Gemini ang sasabihin ng bigla bumukas ang pintuan sa silid ni Ford at tuloy-tuloy pumasok ang mga magulang nila.

Nanlalaki mga mata ni Gemini lalo pa at huling-huli siya sa position kung saan hinahalikan niya ang pisngi ni Ford.

Nangagalaiting nilapitan sila ng sariling Ama kaya agad niyang inilagay sa likod niya si Ford para protektahan habang malamig naman ang mga mata ng Ama ni Fourth nakatingin sa kaniya. Napalunok si Gemini at hindi makatingin sa mga nakakatanda.

'Ano mo siya Gemini?' agad na tanong ng Ama hindi agad nakasagot si Gemini pero naninigas ang panga nito at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Ford.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now