CHAPTER 25 ONE LAST NIGHT

1.4K 72 67
                                    


KINABUKASAN. . .

Naalimpungatan si Gemini sa sikat ng araw na nakatutok sa mukha niya at bigla nakaramdam siya ng pananakit ng ulo dahil sa hang over. Akmang babangon si Gemini ng matigilan siya nang may makapa siyang may katabi at pag lingon niya ay nagtaka siya na makita si Ford na nakahiga sa tabi niya na masarap ang tulog.

Naguguluhan si Gemini kung bakit katabi niya ang dating katipan at kung bakit naroon ito sa kwarto niya.

Anong nangyayari? Gulong-gulo ng takbo ng isipan niya at pilit inaalala ang nangyari kagabi.

Pero kahit anong gawin niya at kulikot sa utak niya ay hindi niya maaalala.

'Gem, okay kana?' nilingon ni Gemini si Ford at tintitigan kinukusot nito ang mga mata habang nakatingin sa kaniya, hindi naman nakasagot si Gemini at nakatingin lang sa binata.

Ngumiti ng matamis ang binata tsaka bumangon para kumuha ng tubig at gamot tsaka inabot kay Gemini pati gamot. Nag-aalangan man siya ay inabot niya yun at ininom.

'Salamat' ang tanging nasabi niya.

Nakangiting tumango si Ford tinabihan siya sa pag-upo sa kama kaya pareho na silang nakaupo ngayon.

'How- when- why are you here?' naguguluhang tanong ni Gemini rito.

Ford sigh before he answer.

'Your mom called me, asking me na puntahan ka dahil ilang araw ka ng lugmok at umiinom, at first i am hesitate pero nakiusap siya, hindi na raw niya alam ang gagawin sayo, and she think na baka ako ang kailangan mo' mahabang sagot nito.

Napaiwas ng tingin si Gemini sa narinig at tumingin sa labas ng bintana.

'Gem, i know nakukulitan ka na saakin pero hindi din kita kayang tiisin, i am worried' sabi nito sabay hawak sa kamay niya.

Bumuntong hininga si Gemini may isang bagay na nakakabahala sa kaniya kaya hindi pwedeng hindi niya itanong rito.

'What happened last night? May nangyari ba saatin?' tanong niya.

Napakagat labi si Ford kaya bigla siya kinabahan.

'A-Almost Gem' sagot nito.

'Almost?' magkasalubong ang kilay na ulit na tanong niya na ikinatango naman ni Ford.

'Yeah, you kissed me first, at first inayawan kita dahil lasing ka pero nadala na din ako kaya muntik ko na ibigay ang sarili ko sayo, but we stop when. . .when you mention his name' mapait na pag amin nito.

Natigilan si Gemini at napalunok naalala niya bigla si Fourth ang nakikita ng paningin niya kagabi.

He almost cheated on fourth. Iyon ang nasa isipan niya.

Bumalik sa ulirat si Gemini ng makitang tuloy-tuloy bumagsak ang luha sa mga mata ni Ford at mapait na nginitian siya.

'Mahal mo na talaga siya ano?' mapait na tanong nito na ikinatahimik ni Gemini.

'Sorry' tanging nasabi niya.

'Pero wala na siya Gem, baka naman pwede mo ulit buksan ang puso mo saakin, kasi ako naman ang nauna diba?' pakiusap nito.

Hindi naman nakasagot si Gemini dahil hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin na hindi masasaktan ang kasama.

'I don't know Ford' mahinang sagot lamang niya.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now