CHAPTER 14 JEALOUSY

1.1K 63 60
                                    

Buong maghapon nakatambay si Fourth kina love at doon marami siyang nalaman sa buhay ng dalaga, at habang magksama sila ay tinulungan din niya ang girlfriend sa pag aasikaso ng mga papel na kailangan nito para ipapasa para papuntang canada.

'Are you sure, after the plan success doon ka lang mag aasikaso?' tanong ni Love.

Tumango naman si Fourth.

Malungkot na tinignan siya ng dalaga kaya lumapit ito at niyakap siya sa likod.

Natigilan si Fourth napakalambing kasi ng Girlfriend niya ngayon sa kaniya na hindi naman nito ginagawa dati.

Hindi alam ni Fourth kung matutuwa siya o malulungkot dahil sa dala-dalang guilt na nararamdaman niya.

'Sure ka ba na uuwi ka na?' tanong nito.

Buhat-buhat naman ni Fourth ang maleta palabas at nakasunod naman ang dalaga.

'I have to dahil madilim na, alam mo naman ang alam nila mama ay kanina pa lumapag ang flight ko, baka mag alala mga iyon' sagot niya at nakakaunawang tumango naman ang dalaga at niyakap ulit siya.

Gumanti naman ng yakap si Fourth at hinaplos ang pisngi ng dalaga ng marahan.

Bigla natigilan si Fourth ng pisil-pisilin niya ang pisngi nito at napalunok at kitang-kita niya ang pagkailang ni love sa ginawa niya.

Napalunok si Fourth at dahan-dahang yumukod para magpantay ang mukha nila.

Ipinikit ni Fourth ang mga mata ng malapit na magsalubong mukha nilang dalawa ng bigla siya napaatras ng ibang imahe nakita niya.

He saw Gemini!

'Sorry' ang nasabi ni Fourth dahil muntik na niya mahalikan ang girlfriend.

Natulala naman si Love at namula ang mukha dahil sa ginawa ng nobyo.

'Hatid na lang kita kahit sa elevator lang' naiilang na sagot nito.

Tumango naman si Fourth at tahimik na naglakad kasabay ang dalaga.

Nasa elevator na sila at naghihintay na hihinto sa floor nila, pareho silang tahimik at walang nagsasalita.

Fourth felt guilty sa nangyari kanina at naramdaman niyang na disappointed ang dalaga dahil sa pagbago ng isip niya.

'Love' bulong ni Fourth.

Nilingon naman siya ng dalaga at bakas sa mukha ang katanungan.

Bago pa magsalita si Love ay hinila na ito ni Fourth palapit at agad sinakop ang nakaawang nitong labi at sakto pa ng bigla bumukas ang pintuan ng elevator at may dalawang pigura ang natigilan ng makita sila.

'Fourth' napamulagat si Fourth at nilingon ang tumawag sa kaniya at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makilala kung sino ito.

'G-Gem?' tawag niya sa pangalan nito.

Kitang-kita niya ang pag galaw ng panga nito habang diritsong nakatingin sa kaniya.

Pero may napansin si Fourth na kasama ni Gemini isang matangkad na babae at seryoso din nakatingin sa kanila.

Ang kaninang gulat niya ay napalitan ng pagtataka kung bakit may ibang kasama si Gemini at kung bakit naroon ito sa building nila.

'Milk' nilingon ni Fourth si Love ng tawagin nito sa pangalan ang kasama ni Gemini.

Naguguluhan si Fourth sa mga nangyayari.

Tumaas ang kilay ng babae at para itong modelong lumabas sa elevator at nilapitan si Love.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now