CHAPTER 15 WRONG FEELINGS

678 42 23
                                    

KINABUKASAN. . .

PAKIRAMDAM ni Fourth parang mabibiak ang ulo niya pagkagising dahil sa sakit.

Mahilo-hilo pa siya dahil sa sama ng pakiramdam kaya dahan-dahan niyang inikot ang katawan para alamin kung katabi niya pa si Gemini.

Malalim Siyang nagbuntong hininga ng makitang wala na siyang katabi.
Agad bumigat ang loob niya ng walang Gemini sa tabi niya.

Nasasanay na kasi siya na palaging katabi ang binata.

Akma siyang babangon para abutin ang tubig na nasa tabi niya, nauuhaw na kasi siya ng biglang bumukas ang pintuan at natulala siya ng makita si Gemini na pumasok at may dalang pagkain.

'Good morning, how is your feeling?' mabilis na tanong nito habang naglalakad palapit.

Hindi agad nakakibo si fourth at tulalang nakatingin sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit bigla gumaan pakiramdam niya ng ma- realize niya na hindi umalis ang binata at hindi siya iniwan.

'Fourth' tawag nito ng makitang tulala lang ang binata.

Napakurap naman si Fourth at agad iniwas ang tingin sa kaharap.

Kumabog kasi bigla ang puso niya.

Pasimpleng tinignan ni Fourth si Gemini ng inayos nito ang pagkain sa harapan niya.

'I make khao tom' (Thai rice soup)

Nakaramdam ng ginhawa si Fourth ng maamoy niya ang pagkain.

'ikaw nagluto?' tanong niya.

Agad naman tumango si Gemini at panaka-nakang hininipan ang pagkain para maibsan ang init ng pagkain.

'Alam nila mama nandito ka?' tanong niya.

'Yeah, nagpalusot nalang ako na natanggap ko text mo na masama pakiramdam mo kaya maaga akong pumunta dito' mahabang sagot niya.

Napatango naman si Fourth bilang pag sang-ayon.

Alam niyang walang problema sa parents niya kung malaman mga ito na dito natulog si Gemini ang kaso ayaw nalang nila ipaalam dahil alam nilang mas mahihirapan sila sa plano kapag masyado sila naging komportable.

'Bakit ikaw nagluto, dapat si mama na' sabi niya

'Ako mismo nag request, at tsaka sabi ko diba babawi ako' pagpaalala nito.


'Hindi naman kailangan' sagot din niya.

'Pero gusto ko, hayaan mong bumawi ako Fourth' napalunok si Fourth ng marinig niya ang malalim na boses ni Gemini.



Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi naman niya pinapansin dati ang boses nito, epekto ba to sa nangyari sa kanila.


Hindi pwede

Hindi maaari!


'And besides maaga umalis sila tita, kaya ibinilin ka nila saakin' patuloy nito at ngayon hawak-hawak na nito ang kutsara at inilapit sa kaniya.


Dug dug dug!

Ang lakas ng tibok ng puso niya habang diritsong nakatingin kay Gemini.

'Okay ka lang? Pinagpapawisan ka' pansin nito.

Sa halip na sumagot ay inagaw ni Fourth ang kubyertos para siya na ang susubo sa sarili niya.


O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now