CHAPTER 37 THE PLAN

921 69 88
                                    

THE REASON LOVE AND PRIYA FIGHT

'Mauna ka na sa loob, mukhang hindi mo na matiis eh' si love na agad binitawan ang babae.

Namumula parin ang dalaga dahil sa kahihiyan kanina gusto niya mag protest pero tama ito hindi na nga niya kayang tiisin nasusuka na siya.

Akmang papasok na sya sa loob ng hawakan ni love ang shoulder bag niya.

'Mukhang mamahalin ang bag mo, sayang kung madumihan' nakangiting ani niya

Kahit nagdadalawang isip ito ay hindi na kumuntra dahil nag alala din siyang baka madumihan ang bag niya hindi pa naman na fully payment iyon.

'Thanks' anito at patakbong pumasok sa loob.

Agad isinara ni love ang pinto at agad binuksan ang bag nito para hanapin ang cellphone nito.

No password

Napangisi si Love isipin wala naman kahirap-hirap i-stalk ito.

She open her messenger nagbabasakaling may mahanap pero wala puro shop mga messages from bank at mga pinamili nito ang laman na nagsasabing kailangan na niya magbayad.

Napailing si Love and check her contact list and try to search Gemini name kaso wala.

Wala siyang mapapala, ipapasok na sana ni Love ang phone nito when suddenly some messenger pop in kaya agad binasa ng dalaga.

'Bilisan mo na priya, kinukulit na ako ng inutangan natin, ikaw kasi sabi mo hindi ka kayang tiisin ng boyfriend mong hindi ka tutulungan aba anong petsa na oh! Pinagyayabang mo pa sa mga gung-gong na CEO yang boyfriend sa pinagtatrabahuan mo kahit hindi naman, sabi mo gagawa ka ng paraan maakit yan ano na! Kinakalampag na tayo dito sa apartment ang mabuti pa huwag ka muna umuwi at gawin mo na ang plano mo!' nag ngitngit si love at masamang tinignan ang banyo na siyang pagbukas.

'Bakit hawak mo cellphone ko?!' tumaas ang boses na sabi nito.

'Anong sinasabi rito, anong plano mong haliparot ka' tumaas din ang boses ni Love.

Nakita niya ang gulat sa mukha nito at parang nawala pagkalasing at mabilis na inagaw ang cellphone.

'Huwag kang mangialam ng may gamit na may gamit!' bulyaw nito

Napamaang si Love sa narinig pero agad naman nakabawi.

'Mangingialam ako kapag involved ang kaibigan ko pati ng asawa niya!' bulyaw din niya

Masama siyang tinignan nito halatang ayaw din magpatalo.

'You better get away from him kung ayaw mo mawalan ng trabaho' warning niya

'Bakit ba napaka alamira mo ikaw ba maagawan, you are so triggered wala naman akong ginagawa, ang sabihin mo takot ka dahil malaki ang chance na mangyayari nga yang iniisip mo, nakita mo nangyari kanina diba, my boss is worried about me' sagot nito na ikinatawa ng dalaga

'Parang sinasabi mong sinasadya mo nangyari kanina, its that your way para akitin si Gemini' panghuhuli niya

Umirap ito at akmang aalis kaso hinila siya pabalik ni Love at dinuro.

'Ano ba, kanina ka pa huh!' inis na sabi nito sabay hila sa braso na hawak ng dalaga

'You better quit your job, pasalamat ka mabait ang kaibigan ko hindi niya magawa ang gusto kong mangyari' nangagalaiting sabi niya

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now