CHAPTER 10

780 51 90
                                    

Nakahinga ng maluwag si Fourth ng mapansing ibang lugar ang pinuntahan nila, isang disco bar na kilala sa tokyo kaya maraming dumagsa na mga kabataan para makiparty.

'The night is on me, kaya ienjoy niyo, i order already' bungad ni uncle Barron at nag excuse sa kanilang lahat dahil pupuntahan nito ang mga kaibigan na nasa kabilang table para doon makihalo.

They understand naman na mas gusto nito ka bonding ang mga kaibigan at kaedad nito.

'But boys no fighting okay, i am warning you kapag nangyari hindi ko na kayo dadalhin dito next time' nag salute naman ang magkakaibigan sa narinig kaya agad umalis ang tiyuhin para makipag bonding sa mga kaibigan nito.


'Wow!!!! Ang gaganda ng mga kulay!' manghang-manghang  puri nila Lahat ng dumating ang alak na inorder ng uncle ni Gemini.

Japan is so creative pagdating sa mga ganito kaya naman ma e-enjoy mo talaga ang ambiance na makikita mo.

Katabi ni Fourth si Mark dahil iyon nalang ang bakanti, katabi niya kanina si Gemini kaso nag banyo siya kaya pagbalik niya may nakaupo na sa pwesto niya kaya kay Mark siya tumabi.

Sunod-sunod na alak ang ininom nila at hindi napansin ni Fourth nakakarami na siya.


'Hey Fourth easy!' natatawang awat ni Mark sa kaniya pero nginitian lamang ito ni Fourth.

Hindi sila close mi Mark dahil hindi sila magkaklase at isa pa Bestfriend ito ni Ford and like him and Gemini, Mark and Ford are childhood bestfriend.


'Okay lang ako' sagot niya

Ngumiti ng tipid si Mark at nakipag cheers.


'I heard may Girlfriend ka na, sabi ni Ford' bulong nito.

Hindi masyado naririnig ni Fourth ang sinasabi nito kaya inilapit niya ang mukha kay Mark para mas marinig niya ang sinasabi nito.

Kaya naman inulit ni Mark ang sinabi kanina.

'Oo, her name is Love' sagot niya

Halos magdikit na ang mukha nila Mark dahil sa lapit.

Muntik pa siya masubsob papunta kay Mark ng bigla nalang dumating si Captain at dinaganan si Fourth at nilalambing ng payakap.


'Cap, Lasing ka na ba? Ang bigat mo, teka lang' nahihirapang sabi ni Fourth at mas lalo siya nauusod papunta kay Mark kaya nakakaramdam na siya ng pagkailang dahil ang lapit niya rito, eh hindi pa naman sila close dalawa.

'Lashing na ako Forty' si Captain na mas isinubsob ang katawan kay Fourth.

Napapangiwi na si Fourth dahil sa kabigatan ng kaibigan, hindi rin siya matulungan ni Mark dahil naiipit niya rin ito. Tinignan niya si Gemini kaso busy din ito kakabawal kay Ford sa mga iniinom.  Mabuti nalang napansin nila Satang at winny kaya tumayo ang dalawa at inayos ng upo si Captain.


'He is wasted!' iiling-iling ni Winny.

'Ayos ka lang?' tanong ni satang sa kaniya na ngayon ay nakaayos na ng upo.

'Yeah, masakit lang braso ko' sagot niya habang hinihimas-himas ang braso.


'Hindi na kinaya ni Capt, every night ba naman tayo umiinom' si Winny na inaayos pa si Captain dahil nakatulog na ang huli.


'Kayo, kaya niyo pa?' tanong niya sa mag syota.


'Oo naman, wala kaming balak magpakalasing lalo na walang awat mga kasama natin' sagot nila.

O'PLAN TIGIL KASALWhere stories live. Discover now