Chapter 5

190 15 1
                                    

DIVINE'S POV

WARNING: Some scenes in this content are not suitable for minors. Proceed at your own risk.

"You're late." 

Ano 'to sinalo na niya lahat? Bal*w, mukhang pera, tapos ngayon trespassing? Baka mamaya pumap*tay 'to ng tao.

"Come here." He leaned back further on the couch and slightly spread his legs.

Hindi pa rin ako umaalis sa kinakatayuan ko at tinignan siya ng masama.

"Anong ginagawa mo rito-" 

"I said come here," he said with his husky voice.

Hindi pa rin ako lumapit sa kanya at mas lalo siyang tinignan ng masama.

"Pwede bang umalis ka na-" Natigilan ako at napapikit habang ang dalawa kong kamay ay nakatakip sa tenga ko nang nag paputok siya. Gulat akong nakatingin sa kanya habang nasa akin na 'yong tutok ng b*ril niya.

Paglingon ko sa kaliwa ko basag na 'yong picture frame. Halo-halo 'yong emosyon ko galit, inis, at takot. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang kinasa niya 'yong b*ril niya. Paano niya nagagawang manutok ng b*ril habang nakasandal sa couch na parang wala lang?

"Should I repeat my word?" He said and he raised his eyebrows. 

Napalunok akong pinulot 'yong susi sa lapag at sinira ang pinto. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan lumapit sa kan'ya. Nakahinga ako ng maluwag nang ibaba niya 'yong b*ril sa mini table.

"Good girl." Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya habang hinihimas ang ulo ko.

Ano raw good girl? Sira*lo pala 'tong hinay*pak na 'to.

Hindi pa naman ako masyado nakakalapit sa kan'ya bigla niyang hinawak ang bewang ko at hinatak palapit sa kanya hanggang sa nakaupo na ako sa lap niya.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at bahagya siyang tinulak.

"A-ano ba!"

Pero bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko at pinalupot sa leeg niya. Humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman kong umaangat 'yong dalawa niyang kamay sa likod ko at siniksik niya 'yong ulo niya sa leeg ko. Halos hindi na ako nakagalaw sa ginawa niya. Bakit parang nanghina ako bigla?

"Bitawan mo nga ako!" Pinipilit ko siyang itulak para makaalis ako sa lap niya kaso mas lalo niya lang hinigpitan 'yong pagkakayakap niya sa akin.

"Stay." Mahina niyang sabi at ramdam na ramdam ko 'yong hininga siya sa leeg ko!

Natigilan ako sa panghahampas sa kan'ya nang maramdaman ko 'yong pagbaon ng ngipin niya sa leeg ko. Hindi ko na natiiis hinatak ko 'yong buhok niya palayo sa leeg ko at tumayo.

"M-manyak ka!" Sigaw ko sa kanya at tinignan siya ng masama.

Mahigpit ko pa rin hawak-hawak 'yong buhok niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang titigan niya lang ako habang 'yong mga mata niya pumupungay na. Wag niyang sabihin na inaantok na siya hindi pwedeng dito siya matutulog.

Sisigawan ko pa lang siya nang unti-unti siyang humiga sa couch habang unti-unti na rin siyang pumikit.

Tang*na nakatulog?!

"Hoy!" Medyo inalog ko siya sa balikat para magising siya.

"Hoy gising! Huwag ka rito matulog! ang kapal naman ng mukha mo!" Napatampal ako sa noo ko nang tuluyan na siyang nakatulog ng mahimbing sa couch. 

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now