Chapter 21

153 8 1
                                    

DIVINE'S POV

Isang linggo na nakalipas simula no'ng umamin sa akin si sir Hunter at heto ako hindi pa rin naniniwala sa kan'ya.

Ang imposible.

Sa loob ng isang linggo lagi siyang sumusulpot sa likod ko habang sinasabi ito sa tenga ko na 'I'm obsessed with you' pero halata naman sa mata niya 'yong walang ekspresyon. Sinong maniniwala sa kan'ya?

Wala atang ibang alam na salita iyon puro 'I'm obsessed with you'. Nauumay na ako sa pinag-sasabi non.

Bal*w talaga siya.

Nasa hallway pala ako ng company ni sir Hunter dahil pumunta ako sa fifth floor para kunin 'yong mga data ron at i-compile 'yong mga data. Habang nag-lalakad ako at akmang papasok na ng elevator nang may narinig akong ingay sa hindi kalayuan mula sa akin.

"I'm not asking for your opinion. Wanna d*e?" Napakunot noo ako nang makilala ko 'yong boses na iyon.

Kanino pa kung 'di kay sir Hunter na mahilig mag-tanong ng gano'ng klaseng tanong. Napailing ako at lumapit kung na saan sila, bigla naman ako napatingin sa likod ko nang may humawak sa braso ko.

"Sir Zavier?" Umiling siya sa akin na parang sinasabi na huwag akong pumunta kung nasaan si sir Hunter.

Bumalik 'yong tingin ko kung saan galing 'yong boses ni sir Hunter at kay sir Zavier na ngayon ay nakasandal sa wall.

"Stop calling me 'sir.' I don't even pay you, so just call me by my name," sabi niya sa akin nang hindi man lang ako tinitignan.

Zavier? Hindi kaya ang weird kung hindi ko siya gagalangin? Kapag nakita ko siya sasabihin ko lang 'Hi Zavier'. Nakatingin pa rin ako kung saan ko narinig 'yong boses ni sir Hunter. Naramdaman kong gumaan 'yong hawak kong mga documents. Tumingala ako at nakita ko si Zavier na kinuha 'yong mga hawak kong documents.

"HEY! Whoa!!"

"Bro looked at Zaiver!" sabi ni sir Dean.

"Help her now, kneel later!" sabi ni sir Maximus.

Nagulat ako nang marinig ko ang boses nina sir Dean, Onyx, at ni sir Maximus na nag-lalakad palapit sa amin.

"Pinag-sasabi niyong mga lamok?" Pinipigilan ko na huwag tumawa dahil sa sinabi ni Zavier sa kanila, imbes na mainis sila tinawanan lang nila si Zavier.

"What's up, our only DEAR?" Naguguluhan akong tumingin kay sir Dean dahil sa sinabi niyang 'dear' na sobrang diin na parang may pinariringgan.

Hindi nga ako nagkakamali dahil sa hindi kalayuan nakita ko si sir Hunter na palapit sa amin habang nakapamulsa at titig na titig sa gawi namin. Parang may madilim na lumalapit sa amin dahil sa itsura niyang hindi maipinta parang may masamang nangyari sa kan'ya.

"I did not give you permission to come here." Ito agad ang binungad ni sir Hunter sa kanila.

Imbes na matakot sila tinawanan lang nila sin sir Hunter bukod kay Zavier.

"Come on dude! don't be so rude!" natatawang sabi ni sir Onyx.

Tinignan ni sir Hunter si Zavier at bumaba 'yong tingin sa hawak ni Zavier.

"I smell something fishy here," tuksong sabi ni Dean at nakipag-apir pa sa dalawa habang si Zavier tahimik lang.

"You," tinuro ni sir Hunter sina sir Maximus, Dean, at sir Onyx.

"Come with me," malamig na sabi ni sir Hunter sa kanila at nauna ng nag-lakad.

Nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinabi ni sir Hunter sa kanila bahagya pang napalunok si sir Dean.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now