Chapter 14

94 5 0
                                    

DIVINE'S POV

"The Tenzo Cheers company will temporarily close. I apologize for any inconvenience this may cause. We are working hard to resolve the situation and will keep you updated. Thank you for your understanding and patience during this time."

Hinang-hina akong napaupo, habang tulala nakatingin sa hawak kong cellphone.

Bakit biglaan? Ginulo ko 'yong buhok sa inis habang nakitingala at nakapikit. Hindi ko alam gagawin ko kung saan ako pupunta o kanino ako hihingi ng tulong. Mahina akong humihikbi, habang nakatingala pa rin.

Nawalan ng bahay sunod itong trabaho ko?

Pinunasan ko, 'yong luha ko bago sagutin iyong tawag mula sa cellphone ko.

"Hello-"

"NA SAAN KA?!"

Bigla akong napadilat at nilayo yong phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nitong ni Jam.

"UMALIS KA NA DIYAN BILISAN MO!"

Gulong-gulo ako sa sinasabi ni Jam at binalik sa tenga ko, 'yong phone ko para tanungin siya.

"Hah? Ano bang-"

"Dumaan ka sa kabilang daan, 'yong shortcut hihintayin kita dito sa kanto!"

Hindi ko na natiis na hindi ipakita sa kan'ya 'yong inis ko.

"Jam, please, wala ako sa mood maki-pagbiruan sayo."

Mahinahon kong sabi pero halata sa boses ko 'yong inis ko. Imbes na intindihin ako ni Jam, mas lalo pa siyang sumigaw at pinipilit na umalis ako ngayon.

"SUMUNOD KA NA LANG, DIVINE!!"

Bumuntong hininga ako at tumayo at kinuha lahat ng gamit ko na nasa labas.

"Oo na." Hindi ko na hinintay 'yong sagot niya at naglakad na at dumaan sa kabila. Hindi pa ako nakakalayo at lumingon muna ako sa huling pagkakataon sa bahay at umalis na.

Habang naglalakad ako iniisip ko pa rin kung anong buhay meron ako bukas. Nakaka tang*na itong buhay na 'to. Hindi sa kalayuan nakita ko si Jam na palinga-linga na parang may hinahanap.

Sisigaw na sana ako para tawagin siya, kaso nakita niya agad ako at sumenyas na huwag daw akong maingay. Anong trip nito ni Jam? Nang nakalapit na ako sa kan'ya nagulat ako hatakin niya ako palayo sa lugar na iyon at pinasok sa loob ng taxi.

"Jam!" Gulat kong sabi.

"Ano bang nagyayari?" Tinignan ko siya at naguguluhan sa kinikilos niya.

"Pupuntahan sana kita kanina kaso habang naglalakad ako may dalawang lalaking nag-uusap at binabanggit pangalan mo." Nagulat ako sa sinabi ni Jam.

"Ang huli niyang sinabi na kailangan ngayong mismong gabi na sa kamay ka na raw nila." Kita ko sa mata niya na hindi siya nag-sisinungaling kasi halatadong natatakot si Jam.

Bumuntong hininga nga ako at sumandal habang hawak-hawak ang sintido ko.

"Teka, bakit parang ang dami mong bitbit na gamit? Ano 'yan lumayas ka?" Tinignan ko ulit si Jam at umiling.

"Wala akong pupuntahan." Bulong ko.

"Huh?" Taka niyang tanong.

Sinimulan ko i-kwento lahat ka Jam kung ano ba talaga nangyari sa akin kania.

"Tapos temporary close pa 'yong company natin." Pumikit ako habang sinasabi iyon.

"Ay wait, hindi ba nabanggit sayo?" Tinignan ko siya bigla dahil sa sinabi niya.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now