Chapter 7

106 10 0
                                    

DIVINE'S POV

Kanina pa nagsisimula yung meeting pero ito ako hindi ko maitindihan dahil sa lalaking 'to. Lalo na nung umupo pa siya sa tapat ko.

Nakasandal siya sa chair at naka cross arm habang titig na titig sa akin. Alam mo yung parang sinasabi niya na 'look at me'. Bahagya ko pang hinawakan nang sobrang higpit 'yung skirt ko habang nakayuko dahil sa sobrang kaba.

Hindi ko talaga magawang mag focus.

"How about you, ms Salvador?" Napaangat ako ng tingin nang tanungin ako ni sir.

"S-sir?" Tumaas yung isa niyang kilay.

Huminga ako ng malalim hindi ko nakikita sa mukha ni sir yung pagiging mapaglaro. Kapag na sa meeting office seryoso talaga siya.

"Sure sir." Tango kong sagot kahit hindi ko alam kung ano yung pinag uusapan.

"How about others?" Tinignan ko sila isa-isa pero yumuko lang sila na parang natatakot pa.

Bakit? Anong meron? Gusto ko sana tanungin si sir kaso baka magalit pa 'to sa akin. Nagtama yung mata namin ni Jammy at kinindatan ako.

"Thank you all for your time and input. This concludes our meeting."

Tumayo na kaming lahat at nag bow kay sir habang nagpapalam. Pag angat ko ng tingin nakatingin sa akin si sir Falcone.

Nakatingin lang ako sa likod nila ni sir hanggang sa nakaalis na sila. Parang nabunutan ako ng tinik nang wala na sila sa loob ng office meeting. Lumabas na rin yung iba at bigla ako nilapitan ni Jammy at hinampas pa sa braso.

"Ang tapang mo talaga sis!" Asar niyang sabi.

Kunot noo ko siya tinigna. Ano sinasabi nito?

"Tinanong ka ni chief tapos pumayag ka agad." Sabi niya at tumawa pa.

"Hindi ka nakinig kaya wala kang alam." Dagdag niya pa.

Naguguluhan ako kay Jammy kasi kung ano ano sinasabi. Napairap siya sa hangin nang napansin niyang hindi ko siya maitindihan.

"Sabi kasi ni chief kanina habang nakayuko ka may isang sasama raw kay sir Falcone na mag tour dito sa company ni chief." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Makakasama ko na naman siya?!

"Kaya ba nung nagtanong ulit si sir, lahat kayo yumuko?" Taka kong tanong at tumango siya.

"Exactly!" Sabi niya habang nagpalakpak ng isa.

Unti-unti ako napaupo habang tulala.

"Ang oa ha." Ngiwing sabi ni Jammy at tinabihan ako.

"Kahit ako yuyuko ayokong makasama si sir Falcone kahit gwapo pa siya." Napailing ako sa sinabi ni Jammy.

Pinipilit kong iniiwasan yung lalaking yun pero bakit palagi kami nagtatagpo?

"Close ba kayo ni sir Falcone?" Bigla ako lumingon kay Jammy at umiling.

"Sure?" Kunot niyang tanong ulit.

"Simula nong pumasok siya rito sa meeting room parang may hinahanap siya, hanggang sa nakita ka niya. Hindi na umalis yung tingin niya sayo." Napasandal ako sa chair habang nakapikit.

Sir*ulo talaga siya!

"Anong feeling?" Kunot noo siya tinignan.

"Imagine dalawang ceo nakapila." Kung ano-ano iniisip nito.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now