Chapter 12

102 7 0
                                    

DIVINE'S POV

Hindi ba 'to kakain? Kanina pa siya titig na titig sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang. Ninanamnam ko na 'to lalo na't first time ko lang ito makakain ng steak. Hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan. Nadidistract ako sa kan'ya kasi hindi talaga siya umiiwas ng tingin. Nakasandal siya sa upuan habang may hawak na shot glass.

Napapatingin ako sa kisame o kahit saan basta 'wag lang sa kan'ya.

"Do you know, Venom?" Bigla akong tumingin sa kan'ya.

"Huh?" Kunot noo kong tanong.

Sinong Venom? Ang random naman nito ni Mr. Falcone. Umirap siya sa hangin at umiling bago nilagok ang alak.

"Who was the guy in your house earlier? Do you know him?" Tanong niya ulit.

Bakit ba 'to tanong nang tanong? Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ko.

"Stop asking, because I'm not going to answer your d*mn st*pid question." Natigilan siya saglit at gulat na gulat na tumingin sa akin.

Natawa ako sa reaksyon niya. Kitang-kita ko 'yong pamumula ng tenga niya sa inis.

"What the h*ll...." He mumbled.

"What did you just say? Are you d*mb? Are you fucking copying me?" Sigaw niya at tumayo siya habang 'yong dalawa niyang kamay ay nakapatong sa lamesa.

Umiling lang ako at tumayo.

"Wala, aalis na ako Mr. Falcone." Ngumiti ako sa kan'ya at mas lalo siyang napikon sa sinabi ko.

Nagmamadali akong naglakad palabas ng kusina at hinanap 'yong palabas sa mala mansyon niyang bahay.

P*ta bakit kasi ang laki ng bahay niya? Parang maliligaw pa ako rito. Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko 'yong boses ni Mr. Falcone na sumisigaw na pagalit.

Umeecho 'yong boses niya.

"COME BACK HERE!"

"I just said that I don't like people who love to escape from me!" Nanlaki 'yong mata ko nang marinig ko 'yong boses niya na palakas na palakas na parang palapit na palapit na sa akin.

Naghanap agad ako ng pwede kong pag-taguan nang may nakita akong isang kwarto sa ilalim ng hagdanan nagmamadali akong tumakbo papunta roon at pumasok.

Nilibot ko 'yong tingin ko sa kwartong 'to. Napangiwi ako kung gaano kadumi 'yong kwartong 'to. Parang dito ata pinagtatambak ni Mr. Falcone 'yong mga gamit niyang hindi na ginagamit.

Puro na mahahabang box 'yong iba may mahabang lalagyan na kahoy. Lumapit ako ron at binuksan. Nagulat ako nang may nakita akong b*ril na mahaba tapos may mga bala sa gilid.

"So you want to play a game? Isn't?" Lumingon ako sa pintuan nang marinig ko 'yong boses niya mula sa labas.

"I love playing a game. Remember, I'm good at hunting an id*ot like you. Once I find you, you must obey. But if you let yourself be caught, then let's have a deal."

Ano na naman binabalak niya? Hindi ba siya nawawalan ng kabaliwan niya? Hindi ko alam kung lalabas ba ako o mananatili rito. Pakiramdam ko walang magandang choice sa sinabi niya. Sinara ko agad 'yong kahoy na binuksan ko at dahan-dahan naglakad papunta sa pintuan.

Nakiramdam muna ako kung ano ginagawa niya o kung malapit lang ba siya sa tinataguan ko. Narinig ko 'yong yapak niya palayo sa tinataguan ko.

Maya-maya dahan-dahan kong binuksan 'yong pinto at nagpalinga-linga. Nawala agad siya? Akala ko ba magaling siya sa pag huhunting pero hindi ako nakita? Malapit na siya kung na saan ako tapos hindi niya pa ako nahuli.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now