Chapter 19

136 5 0
                                    

DIVINE'S POV

Habol hininga akong napaupo sa tapat ng mansyon ni sir Hunter. Mabilis pa rin 'yong tibok ng puso ko habang palinga-linga sa paligid baka mamaya nasundan ako ng bal*w na 'yon. Hindi talaga ako dumeretsong uwi rito, umikot pa ako para siguraduhing hindi ako nasundan non.

"Bus*t..." Huminga ako ng malalim at napasandal sa pader habang nakapikit.

Ano ba talaga gusto nong Venom na 'yon? Hindi ko alam kung mag-kano inutang sa kan'ya ng magulang ko. 

Wala akong alam pero ako itong naiipit.

"SH*T!!" Napa-atras ako bigla nang nasap*k ko ang lalaki na bigla na lang ako hinawakan sa balikat.

"S-sir Hunter?" 

Gulat na gulat ko siyang tinignan habang hawak-hawak niya 'yong ilong niya kung saan ko siya nasapak.

"S-sorry-" 

Lumapit agad ako sa kan'ya para tignan kung ayos lang ba 'yong ilong niya. Mukhang ako pa ata makakasira ng matangos na ilong ni sir Hunter. Napaatras ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin.

"What time is it?" 

"10:00 pm." Umirap siya dahil sa sagot ko at napapikit ako nang pinitik niya 'yong noo ko.

"A-aray!"

"I told you to go home early, but why are you late?"

Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Ano naman kung malate ako? 

"Kai-" 

"Go inside." Maikli niyang sabi at nauna na siyang pumasok sa gate.

Ano na namang problema non? Hindi ko lang napansin 'yong oras dahil kaka-ikot nang 'wag lang masundan ng bal*w na 'yon. Bago ako pumasok tumingin muna ako sa paligid at ni-lock na 'yong gate. 

Pagpasok ko sa loob si sir Hunter agad 'yong hinanap ko, parang dumugo kasi 'yong ilong niya kanina. Bigla ako nakaramdam ng kaba, what if magalit 'yon? O kaya palayasin ako bigla? Iba pa naman takbo ng isip no'n.

Dumeretso ako sa kusina para kunin 'yong first aid kit kasalanan ko 'to dapat hindi ko taasan pride ko. Nang nakuha ko na 'yong first aid naglakad ako papunta sa living room at naabutan ko si sir Hunter na naka upo sa couch at nakasandal habang 'yong dalawa niyang kamay ay nakapatong sa magkabilaang gilid niya at nakapikit.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kan'ya mukhang  hindi ako napansin ni sir Hunter dahil hindi man lang siya tumingin sa akin. Nilapag ko 'yong first aid sa mini table nang maramdaman ni sir Hunter na nasa tabi niya ako bigla siyang dumilat at tinignan ko.

"Huwag kang tumingala, iyuko mo 'yan." 

"I know." Napaawang ako sa inasta niya.

Ako na nga 'tong tutulong siya pa 'tong bastos. Umayos siya ng upo at bahagyang yumuko. Napailing ako sa ginawa niya at lumapit sa kan'ya at bahagyang pinisil 'yong malambot na parte sa ilong niya. Hindi naman siya nagulat o umangal man lang.

Napatingin ako kay sir Hunter na ngayon ay nakapikit at hinahayaan akong hawakan ang ilong niya. 

"You id*ot, why did you bring this first-aid kit?" Mahina niyang sabi.

"Akala-"

"Whatever." 

Nagulat ako nang bigla niyang tinabig ang kamay ko at kumuha ng tissue at siya mismo nag-punas ng ilong niya.

"Don't do it again next time." Malamig niyang sabi at iniwan akong mag-isa.

Nagulat ako sa biglang pag-iba ng tono ni sir Hunter. Parang nakita ko ulit 'yong Hunter na na nakita ko nong araw na natabunan ko siya ng kape. Alam ko naman na masama talaga ugali niya pero parang may mali sa kan'ya. Napailing ako sa iniisip ko at hindi na lang pinansin si sir Hunter baka mamaya may problema lang siya.

Binalik ko ulit 'yong first-aid kit sa kusina. Kinuha ko pa 'to hindi pala magagamit.

Ang tang* mo talaga Divine! Buti na lang hindi niya naisipang palayasin ako rito.

"Hey."

Lumingon ako nang bigla kong narinig 'yong boses ni sir Hunter. Nakasandal siya sa ref habang naka cross arm.

Hilig nito sumandal sa ref.

"Coffee." Maikli niyang sabi at umalis.

Tumaas ang kilay ko inasta ni sir Hunter. Ano 'yon? Napailing na lang ako at sinundan siya.

Kung hindi lang kita nasap*k hinayaan na lang kita mag-timpla tapos gan'yan pa siya mang-utos.

Nang natapos na ako mag-timpla dumeretso ako sa office niya at kumatok.

"Come."

Pag-pasok ko bumungad sa akin si sir Hunter na naka-upo sa couch habang nakasandal at nakapikit.

Naninibago ako sa kan'ya parang kahapon lang nakakainis siya pero ngayon sinobrahan niya pa.

Ang ikli niya kung mag-salita.

Nang nilagay ko na 'yong kape niya sa mini table nagulat ako nang bigla niyang hinatak 'yong kamay ko at pinaupo sa tabi niya.

"Stay." Mahina niyang sabi at naramdaman ko 'yong pag-hawak niya nang mahigpit sa braso ko.

"T-teka—"

Nagulat ako nang bigla niyang hinilig 'yong ulo niya sa balikat ko habang hawak-hawak pa rin iyong braso ko.

Medyo naamoy ko si sir Hunter na amoy alak. Anong nangyari rito? Pareho kaming tahimik at hinayaan ko lang ihilig iyong ulo niya sa balikat ko.

Mabigat 'yong paghinga niya na parang may mali sa nangyari sa buong araw niya. Dahan-dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko at hinagod ko nang marahan ang likod niya.

———

Mabilis lang lumipas ang panahon at halos isang buwan na akong nakatira sa puder ni sir Hunter. Sa loob ng isang buwan isang lang masasabi ko.

Para akong hangin sa loob ng mansyon niya.

Sa loob ng halos isang buwan parang nakikipag-taguan ako kay kamatayan. Simula nong huli kong nakita si Venom walang araw na hindi ko siya nakikita.

Walang araw na hindi ako kinakabahan habang naglalakad sa labas pakiramdam ko palagi siyang nandyan at anytime sasaktan niya ako.

Hindi ko man literal nahuhuli si Venom na sinusundan ako o pinagmamasdan parang nakadikit sa akin iyong presensya niya.

Na kinakatakot ko.

Napabangon ako bigla nang may narinig akong nabasag at narinig ko ang boses ni sir Hunter parang nakikipagtalo. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at dumeretso kung saan ang ingay na iyon.

"WHAT DID YOU SAID?!"

"I know you heard me." Nakilala ko kung kaninong boses iyon.

Sir Vaughnn.

Napatingin ako sa floor at nakita ko ang basag na flower vase.

"Get out of my sight, now." Madiing sabi ni sir Hunter.

Nagulat ako nang bigla kinuwelyuhan niya si sir Vaughnn. Mabilis akong lumapit sa kanila para sana awatin sila kaso bigla akong tumigil sa kinakatayuan ko dahil sa sunod kong narinig.

"I don't know where your boss is, and don't blame me because I don't care about Dmitri."

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now