Chapter 9

183 11 0
                                    

DIVINE'S POV

"What kind of d*ath do you want? H*ll or heaven?" Biglang nanginig 'yong buo kong katawan nang sinabi niyang 'hell or heaven'. Anong ibig sabihin niya?

"Aren't you going to choose?" Sabi niya hanggang sa naramdaman ko 'yong dulo ng bar*l niya na nakadikit na halos sa noo ko.

Ilang segundo niya ako tinitigan nang malalim sa mata hanggang sa nagsalita ulit siya.

"You are Divine?" Nagtaka ako sa tanong niya.

Bal*w talaga siya sa gitna ng ganitong sitwasyon nagagawa niya pang magtanong kung ako ba si Divine.

"Divine Mercy Rose. Salvador." Hindi ako makapaniwala nang banggitin niya nang buo ang pangalan ko.

Dahil mula nong pumasok siya rito sa company hindi pa ako nagpapakila sa kanya at tanging surname lang binabanggit ni sir Tenzo sa akin mula kanina. Paano niya nalaman? At isa pa hindi ko madalas ginagamit 'yong middle name ko.

Ang creepy niya talaga. Una, hindi niya ako tinatantanan dahil sa punyetang 3 million. Pangalawa, lagi nagtatagpo 'yong landas namin. Pangatlo, binuhat niya ako tapos pinasok sa kotse niya hanggang sa tinali 'yong kamay ko gamit 'yong belt niya at pinalupot sa akin 'yong necktie niya sa bibig ko. Pang-apat, pumunta sa bahay ko na lasing at nag iwan ng h*ckey sa leeg ko! Panghuli, pinainom ako ng wine gamit 'yong bibig niya!

Tapos ngayon tinututukan ako ng bar*l! Ano balak niyang gagawin sa akin sa susunod?

"I won't let you go. You're already in my grasp." Parang bumalik sa akin 'yong kaluluwa kong humiwalay kanina nang ibaba na niya 'yong hawak niyang b*ril.

"I-ibibigay ko na lang 'yong 3 million sayo." Halos na nanginginig na 'yong boses ko sa takot.

Tinignan niya ako at umiling.

"I want YOU." Mariin niyang sabi. Kunot noo ko siya tinignan habang naka cross arm siya at nakatingin sa akin.

"I want YOU, your BODY, and your SOUL." Napalunok ako sa mga pinagsasabi niya.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maitindihan. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Ay teka Divine kilos! Nagmamadali ako na buksan 'yong pintuan kaso bigla niyang hinapit 'yong bewang ko palapit sa kanya hanggang sa nauntog ako sa dibdib niya.

"Aray..." Mahina kong sabi.

Bakit ang tigas naman ng dibdib nito?! Dibdib pa ba 'to?! Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang chin ko at sapilitan niyang pinagtama 'yong mata namin. Bahagya siyang nakayuko para matignan niya ako habang ako ay nakatingala.

Sobrang tangkad niya parang hindi pa ako aabot sa dibdib niya.

"A-aray! Sandali nga! huwag mo ako kurutin!" Inis kong sabi.

Bigla ko kasi naramdaman na kinurot niya ako sa bewang.

"I can't help." Mahina niyang sabi pero may diin. Napatingala ako nang marahan niyang hinawakan 'yong gilid ng leeg ko dahilan para mas lalo akong tumingala habang siya ay bumulong sa tenga ko.

"Do you know what I can do? Especially when its just the two of us here?" Tumaas 'yong balahibo ko lalo na nong naramdaman ko 'yong labi niya sa tenga habang nagsasalita siya.

Nagulat ako nang hinatak niya 'yong bewang ko palapit sa kanya habang 'yong dalawa kong kamay ay nasa dibdib niya. Nakaramdam na ako ng kaba kasi pakiramdam ko may ibang binabalak 'to. Sa tuwing tinutulak ko siya palayo sa akin siya naman itong mas lalong hinihigpitan pagkahawak sa bewang ko.

"Pwede bang bitawan mo na ako?!" Irita kong sabi sa kan'ya at pinipilit siyang itulak palayo sa akin.

Umirap siya sa hangin at binitawan na rin ako humakbang siya ng dalawa mula sa likod niya at tinignan ako pababa sa leeg ko.

"Why did you put a band-aid on your neck? You shouldn't have put it on. Is that how you cover a h*ckey?" Napataas 'yong kilay ko sa sinabi niya.

So natatandaan niya 'yong ginawa niya kagabi?

"Alam mo bang pwede kita kasuhan sa ginagawa mo?!" Tinignan ko siya ng masama pero itong lalaking ito parang hindi natitinag sa tingin ko. Nakatingin lang siya sa akin, ito na naman 'yong tingin niyang walang emosyon.

"Really?" Walang gana niyang sabi.

"Oo!" Napairap siya sa hangin at tinignan niya ako ulit.

"Do you have any power? Or connections? There's nothing, right? If I call all the connections of mine, I can easily erase you from this world without anyone knowing." Habang sinasabi niya iyon bigla akong natahimik.

"Don't pretend to be tough when you're just drowning in debt."
Sinundan ko lang siya ng tingin nang umalis na siya at iniwan ako sa stock room. Bago siya umalis may sinabi pa siya.

"You're in my hands now, there's no safety."

Parang may sumasaksak sa dibdib ko lalo na nong pinamukha niya sa akin 'yong salitang 'debt'. Nanghihina ako hanggang sa nakita ko na lang 'yong sarili ko na nakaupo sa sahig habang yakap-yakap 'yong sarili ko.

Masyado niya ba ako kilala? Kahit maliit na detalye alam niya tungkol sa akin?

Hindi ko kasalanan na magkaroon nang malaking utang pero bakit ako 'yong nasasaktan? Hindi ko 'to ginusto pero wala akong magawa kung hindi bayaran lahat. Paulit-ulit na umeecho sa akin 'yong sinabi niya.

Tumayo na ako at pinunasan 'yong luha ko sa pisnge at huminga ng malalim bago lumabas ng stock room. Tulala akong naglalakad pabalik sa office.

Tang*na bakit ako nasasaktan sa sinasabi niya? Dapat hindi mo na lang pinapansin Divine isa lang siyang walang kw*ntang nilalang sa mundo.

"Where have you been? It's work hour." Nagulat akong tumingin sa gilid ko at nakita si sir Tenzo na nasa gilid ko na may hawak na kape at nakapamulsa.

"I'm off." Napatingin ako sa isang lalaking palapit sa amin.

Hindi niya man lang ako binigyan ng tingin at deretsong umalis.

"So rude." Bulong ni sir Tenzo.

Nakatingin lang ako kay sir Falcone na ngayon ay nakaalis na sa loob ng company. Sabay kaming bumalik ni sir Tenzo sa office.

"How was it with Mr. Falcone?" Tanong ni sir sa akin.

"Ayos lang naman po." Sagot ko kahit hindi naman okay. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko at napailing.

"Don't lie, I knew him." Huminto siya para tignan ako.

"Be careful with him, he's literally the definition of 'danger.'" Sabi ni sir at pumasok na siya sa office niya.

Sir Tenzo kahit hindi mo sabihin alam ko na siya yung tipong tao na kapag nakita mo o kasama mo mapapasabi ka na lang na 'ito na ang huli kong araw.' Bagsak balikat akong bumalik sa desk ko at huminga ng malalim.

Nakakatang*nang buhay 'to. Talon kaya ako ng building? Napailing ako sa pinag iisip ko. B*set. Nag focus na lang ako sa paper work na sandamakmak na nasa desk ko. Mabilis lang lumipas 'yong oras at oras na para umuwi. Habang inaayos ko lahat ng paper nang tawagin ako ni Mr. Choi.

Siya 'yong manager namin.

"Ms. Salvador, Mr. Tenzo wants to talk to you. Hurry up and go to his office." Tumango ako kay Mr. Choi at nag bow muna bago pumunta sa office ni sir.

Akala ko ba naman makakauwi na ako mukhang mapapa overtime niya na naman ako.

"Come in." Pumasok na ako nang bigyan niya ako ng permission na pumasok.

Lumapit ako kay sir pero hindi sobrang lapit hanggang tapat lang ako ng table niya.

"If Mr. Falcone did something wrong, don't hesitate to tell me everything. You're under my care, so I need to protect you."

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now