Chapter 16

175 10 0
                                    

DIVINE'S POV

"Welcome home, darling."

Nagulat ako nang narinig ko 'yong boses ni sir Hunter mula sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at tinignan siya. Mukhang kakagaling niya lang sa office niya muukhang pagod din 'yong mata niya.

"You don't have a choice but to live with me."

Hindi niya man lang ako hinintay na mag-salita at nauna na siyang pumasok. Pwede ko naman siguro siya sungitan tutal wala naman kami sa office o s trabaho. Bumuntong hininga ako bago sumigaw para marinig niya ako.

"MAY CHOICE AKO! KUN'DI ANG UMUWI!!"

Nagulat ako nang bigla siyang huminto pero hindi siya lumilingon sa akin. Mali ata desisyon mo Divine parang anytime bubunot na 'to ng b*ril.

"Stop being stubborn." Irita niyang sabi pero hindi niya pa rin ako nililingon.

"I mean..." Paano ko 'to sasabihin?! Divine mag-isip ka naman!

"You mean what?!" Napaatras pa ako nang bahagya dahil sa biglaang pag-taas ng boses niya.

"Hindi ko lang maitindihin kung bakit ba gusto mong tumira ako sa bahay mo."

Pareho kaming natahimik ni sir Falcone at narinig ko pa 'yong paghinga niya ng malalim bago ako nilingon.

"Come here."

Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako o hindi wala na akong tiwala rito baka mamaya tuluyan na ako nito lalo na nasa labas ako ng bahay niya. Umirap siya sa hangin at siya na mismo lumapit sa akin at bahagya pa siyang nag-bend para pumantay 'yong mukha namin at tinitigan ako ng deretso sa mata.

"'Cause I want." Naiwan akong tulala habang siya ay dumeretso na agad sa loob ng bahay niya.

Grabi! Matapos akong lapitan at pagka-titigan sa mata iiwan akong tulala?! Napaka rude niya talaga! Tapos gusto niyang tumira ako sa bahay niya?! Hindi ko kakayanin 'yong may kasama sa bahay na katulad niya!!

Nawala lang 'yong pagiging tulala ko nang tumawag si Jam sa akin.

"Hi Divine! Sorry to say utos lang din sa akin iyan." Natatawa niyang sabi sa akin.

Tanginang Hunter 'to paano niya nalaman kung na saan ako nakikitira? At ang hindi ko maitindihan alam niyang kay Jam ako nakatira! Bagay talaga sayo 'yang name niyang Hunter mahilig mang-hunting!

"Si sir Hunter na 'yan." Dagdag pa niya.

Napapikit ako sa inis habang hawak-hawak 'yong sintido ko. Naiitindihan ko naman si Jam lalo't nakakatakot talaga 'tong Hunter na 'to. Ewan ko ba bakit napag-tyatyagaan ko siya.

"Staka may business trip 'yong manager kong EX at ako pa ang napiling isama niya! Tapos 'yong nilipatan ko pa nagka problema kaya mas maganda na diyan ka na lang kay sir Hunter." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Ewan ko sayo." Inis kong sabi.

"Don't worry mabait naman iyan si sir. Staka nga pala 'yong gamit mo kinuha na bago ka umuwi."

Napatitig na lang ako sa cellphone ko nang matapos na kami mag-usap. Ito na ba 'yong sinasabi ni Hunter na I don't have a choice but to live with him?

Parang hindi ko 'to matatanggap. Kung tumakas kaya ako? Wala ring silbi 'yon pakiramdam ko hahanapin pa rin ako nito. Kung bayaran ko na lang kaya 'yong 3 million? Kaso wala naman akong pera. Thank you sa magulang ko walang ibang ginawa kun'di mag-bigay ng sakit sa ulo.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa loob ng mansyon niya. Kaming dalawa lang ba rito? Hindi ba ang weird no'n?

Kinikilabutan ako sa pinag-iisip ko. Nang nakapasok na ako kumusa 'yong paa ko hanggang sa nakarating ako sa kusina.

Natigilan ako nang makita ko si Hunter na nakatalikod mula sa akin habang nag-luluto. Bigla akong umiwas ng tingin nang napansin niya ako.

"Have a seat."

Hindi ba uso sa kan'ya mag shirt?! Wala siyang suot na pang-itaas tapos naka pants siyang grey.

"What?" Walang gana niyang tanong.

Tumingin ako sa kan'ya at iniiwasan huwag tumingin sa katawan niya.

"Does my attractive body and eight-pack abs, along with my biceps, distract you?"

Aircon talaga 'tong lalaking 'to ang yabang! Pero totoo naman sinasabi niya pero bakit kailangan niya pa ipagmayabang?! Umirap ako sa hangin bago nag-salita.

"Sino?"

"You."

"May paki." Tumaas 'yong kilay niya habang pinagmamasdan akong umupo.

"Ah, you don't care? Then, don't eat with me."

"Sino bang nag-sabi na kakain ako?"

"What a rude." Napangiwi ako sa sinabi niya, ano akala niya sa akin salamin niya? Nakalimutan niya kung sino 'yong rude sa aming dalawa.

"Since you're going to stay with me, I have rules here that you must follow, or I'm going to kick your ass out."

See? Siya ang rude. Tumango ako habang pinagmamasdan siya na nag-slice ng steak na nalito niya.

"I don't want to hear any loud noise. Second, I don't want anyone to visit my house. Lastly, you must obey all my commands even if you don't want to. You don't have a choice, so just zip your mouth."

Tinaasan ko siya ng kilay sa huli niyang sinabi. Ano ba ako nito, yaya sunod-sunuran? Nang natapos na niya hiwain 'yong steak gamit 'yong madalas ginagamit ng mga mayayaman na maliit na kutsilyo.

Tumingin siya sa akin.

"You are only allowed to enter your room. The rest are prohibited, especially in my office. Since you've been in my room, you can enter again." Huminto siya saglit at sinibo 'yong steak na nakatusok sa fork.

Mas lalo ako nagulat sa sinabi niya.

"If you want, I can allow you to sleep with me." Sabi niya habang nginunuya 'yong steak na kinain niya at nag-slice ulit.

Hindi ko na lang pinansin 'yon kasi pakiramdam ko nan-trip na lang siya.

"Paano kung tatanggihan ko 'tong offer mo na tumira sa bahay mo?" Kitang-kita ko na umangt 'yong kilay niya.

"I'm a mafia. Did you just forget about it? If I want something, I will find a way to make it mine." Sabi niya habang nag-slice pa rin.

"Kapag bumalik na si Jam babalik na rin ako sa kanila." Umangat ang tingin niya sa akin.

"No." Napaawang 'yong labi ko sa sinabi niya.

"I said live with me, not for temporary."

Sumasakit na ulo ko sa kan'ya, may pagka-tigas din pala ng ulo itong lalaking 'to. Parang ako una masisiraan ng bait dito. Kakayanin ko kaya tumira rito kasama siya?

Parang hindi.

"Dahil ba 'to sa 3 million?" Tanong ko sa kan'ya.

"Kung dahil don babayaran naman kita." Dagdag ko pa.

"I don't need your 3 million I need you to stay here."

"Ano-" Nabulunan ako nang bigla niyang sinubong sapilitan sa bibig ko 'yong steak na nakatusok sa tinidor.

Hindi ko na natiis at tinignan siya ng masama. Napaka bastos naman nito!!.

"Does it taste good?" Tumango ako habang nginunguya 'yong steak.

First time ko lang makakain ng ganitong pagkain.

"I'm glad that you liked it."

Nakatingin lang ako sa kan'ya habang naghiwa ulit siya. Hindi ba siya na we-weirduhan sa sarili niyang paiba-iba ng ugali? Nabulunan ako bigla dahil sa sinabi niya.

"We're both in the same house. It's like we're a married couple."

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now