Chapter 25

116 9 2
                                    

DIVINE'S POV

Naalimpungatan ako sa gitna ng tulog ko at bahagya akong umupo sa kama. Kinusot-kusot ko nang marahan 'yong mata ko habang tumingin sa orasan.

5:00 am

"Masyado pang maaga," bulong ko sa sarili ko matutulog na sana ako kaso nakaramdam ako ng uhaw.

Tumayo muna at bumungad sa akin 'yong madilim mula sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumaba papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Habang umiinom na ako ng tubig hindi ko maiwasang hindi tumingin sa likod ko hindi naman nakakatakot dahil medyo lumiliwanag na rin galing sa bintana at maririnig din 'yong huni ng mga ibon.

Imbes sa kwarto ako dumeretso hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa labas ng mansyon hanggang sa nakarating ako ng garden. Umupo muna ako sa bench habang pinagmamasadan 'yong mga paro-paro na dumadapo sa mga bulaklak sa garden.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng peace of mind sa dinaraming nangyari sa buhay ko lahat ng iyon ay sobrang bigat sa pakiramdam.

Trabaho at pagbayad ng utang, utang na walang katapusan. Dito na lang umiikot 'yong mundo ko. Hindi ko na rin masilayan 'yong totoong mundo kung ano ba ang pakiramdam ng walang iniisip na problema.

Namulat ako sa magulong pamilya away dito away diyan. Palaging gano'n hanggang sa iniisip ko na normal lang ang mag-away ang magulang sa harapan ng isang anak. Hindi ko man lang naranasan maramdaman ang pagmamahal. Hanggang sa iniwan nila akong mag-isa, walang araw na hindi ako nakaupo sa sala para hintayin sila.

Naghintay ako sa wala.

Huminga ako ng malalim at tumingala at tumingin sa langit. No'ng nakita ko 'yong picture kahapon na naliligo 'yong magulang ko sa sarili nilang dugo. Hindi ko alam pero bakit wala man lang ako naramdaman? Hindi ko alam kung masasaktan ba ako, iiyak ba ako, o ano. Pero isa lang 'yong gusto ko malaman.

May kinalaman ba si sir Hunter sa lahat?

Argh! Nakakainis! Ginulo ko 'yong buhok ko at nakatingin ng masama sa mga halaman. Bakit maraming nagsasabi sa akin ng 'I knew him'? Ganon na ba siya kasamang tao? O literal?

Bigla ko na naman naalala nong unang beses kami nagkita.

Halata ngang masama siyang tao. Pero bakit pagdating sa akin? Akala mong rabbit na sobrang tuwa kapag nakikita ako.

Mapapa f*ck this life talaga ako sa sobrang gulo na ng isip ko. Napailing ako at napagdesisyunan na pumasok na sa loob para matulog ulit. Dahan-dahan kong binuksan 'yong pintuan at dahan-dahan ko rin sinara.

Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko habang hawak-hawak pa rin ang doorknob.

"I don't care if that's Divine's parent, keep those files concealed," mariin at galit na pagkakasabi ni Hunter.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Hunter na nakatalikod sa akin at nasa tapat ng bintana sa living room. Nakatayo siya roon habang may kausap sa cellphone habang walang suot na pang itaas na damit.

"What? Are you seriously asking who killed those rats?"

"No one else but me."

"F*CK! DIVINE MY HONEY WAKE UP!!" Napabaligwas ako sa kinahihigaan ko at hingal na hingal na tumingin kay Hunter na nag-aalalang nakatingin sa akin.

Panaginip lang 'yon? Hindi pa rin ako nakagalaw sa kinauupuan ko at gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. Bigla niya akong hinila palapit sa kaniya habang hinilig 'yong ulo sa dibdib niya at pinalupot niya 'yong isa niyang kamay sa bewang ko habang 'yong isa ay nasa ulo ko na parang pinapakalma ako.

"I'm here, sweetheart. Hunter's here. Calm down, honey," kalmado niyang sabi habang taas baba 'yong kamay niya sa likod ko.

Bigla akong kumalma sa mga yapos niya at sa mga salita niya.

"Don't go to work, I'll take care of it."

Bahagya ko siyang tinulak at umiling habang siya ay nagulat sa bigla kong pag-tulak.

"What's wrong?" taka niyang tanong at akmang hahatakin niya ako para yakapin nang lumayo ako nang kaunti sa kan'ya.

"Binigyan mo na ako ng rest day kahapon at enough na 'yon."

Tumingin siya sa mata ko na parang binabasa niya ako sa pamamagitan ng titig niya at bumuntong hininga.

"Ok, if that's what my honey wants," sabi niya.

Tumayo na siya at bago siya lumabas ng kwarto ko nilingon niya muna ako.

"I'll wait for you," mahinon niyang sabi at sinara na niya 'yong pintuan nang makita niya akong tumango.

Nakahinga ako ng maluwag at bagsak na humiga ulit sa kama. Napapikit ako habang nakapatong 'yong kamay ko sa noo ko.

Panaginip lang ba talaga 'yon? Hindi kaya totoo 'yon na may kinalaman talaga siya ron? Nananatili akong nakahiga nang ilang minuto bago bumangon para mag-ayos.



Nagulat ako nang biglang nagsalita si sir Hunter. Hindi ko kasi siya napansin na pumasok sa kotse. Pinauna niya kasi ako dahil may kausap pa raw siya sa phone.

"Why are you sitting there?" taka niyang tanong habang nakatingin sa reflection ko sa rear mirror.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Tsk," mahina niyang sabi at inalis 'yong seatbelt niya at lumabas ng kotse. Saan na naman 'to pupunta? Nanlaki 'yong mata ko habang sinusundan siya ng tingin. Bigla niyang binuksan 'yong kotse at walang sinayang na oras at bigla akong binuhat na parang bride niya ako.

"ANO BA 'YAN HUNTER?!" Huminto siya sa mismong tapat kung saan niya ako papaupuin at tinignan ako habang nakataas 'yong isa niyang kilay.

"Hunter?" umiling siya sa akin at lumapit siya sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko 'yong labi niya na tumatama sa tenga ko habang nag-sasalita siya.

"I think it's time for you to call me daddy, my lovely Divine," mahina niyang bulong pero nakaka intense bahagya niya pang kinagat nang marahan ang tenga ko bago ako inupo nang dahan-dahan at sinara ang pintuan.

Natulala ako sa ginawa niya at sinundan siya ng tingin habang umikot sa kabila para pumasok sa kotse at tinignan ulit ako.

"Put on your seatbelt." Gulat na gulat pa rin ako na halos hindi makagalaw sa kinauupuan ko.

"Divine."

Bigla ako napailing at agad-agad na ang seatbelt habang nanginginig pa ng bahagya. Natigilan lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang 'yong isa niyang kamay ay nasa pisnge ko habang dahan-dahan niyang kinukuskos 'yong hinlalaki niya sa pisnge ko.

"Everything will be alright," seryoso niyang sabi at nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya at naramdaman kong dumapi 'yong labi niya sa noo ko.

"I won't let us be apart. It won't happen, never."

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now