Chapter 28

54 4 0
                                    

DIVINE'S POV

"Anong gagawin?" tanong ko sa kan'ya. Hindi niya ako sinagot at binuksan niya ang office niya at sinenyasan akong pumasok.

Nang makapasok ako sa loob wala akong makita dahil sobrang dilim sa loob at ang bumungad sa akin ang malamig na hangin at ang perfume ni sir Hunter. Napalunok ako nang marinig kong sinara ni sir Hunter ang pintuan at naramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko.

Parang mali atang sumama ako sa kan'ya.

Bahagya pa akong napa-atras at nabunggo ko si sir Hunter nang hindi sinasadya.

"Calm down," he whispered. Napatingin ako sa narinig kong tunog na parang binuksan 'yong ilaw. Bumungad sa akin ang maliit na office ni sir Hunter, hindi ko ine-expect na ganito lang pala kaliit 'yong opisina ni sir parang kwarto lang.

Pag-pasok mo sa office niya bubungad agad sayo sa mismong gitna 'yong office desk niya, sa kaliwang side ay may six layer na drawer document cabinet na kulay light gray at may limang gano'ng drawe si sir, habang sa kabilang side ay may malaking shelving unit na wood na kulay light gray din. Ang pagkakaibahan sa ibang shelving unit, 'yong kay sir ay parang wall 'yong shelving unit niya na ibig sabihin hindi mo siya basta-basta maiiurong dahil ito na rin mismo 'yong wall.

Bawat unit ay may maliit na square glass na may laman na bullet at halos laman ng shelving unit ni sir ay may ganoon. Nagtaka ako bigla dahil na agaw 'yong atensyon ko sa ginta ng shelving unit. Hinayaan lang ako ni sir na lumapit don hanggang sa nakita ko na may umiilaw sa kung saan ay ang isang unit mismo sa gitna ng shelving unit ay walang laman. Bahagya pa akong tumingkayat para tignan iyon at nagulat ako nang makita ko 'yong symbol na yin yang sa mismo sa isang unit na walang laman. Umiilaw 'yon na kulay red, yellow, orange, at black.

Napa-angat 'yong tingin ko nang kumuha si sir Hunter na square glass na may laman na bullet sa tabi ng unit na walang laman. Mag-tatanong na sana ako kung ano gagawin niya ron nang bigla niyang inilagay iyon sa unit na walang laman na kung saan ay may symbol na yin yang. Bahagya akong napa-atras nang kusang gumalaw 'yong shelving unit bumungad agad sa amin ay ang hagdanan pababa.

Tumingala ako kay sir Hunter.

"A-ano-" hindi ko pa natatapos 'yong sasabihin ko nang bigla siyang naglakad papunta ron at bumaba. Wala akong nagawa kun'di sundan siya.

Badtrip ba siya? Baka dinalaw bigla ito si sir Hunter? Napailing na lang ako sa kinikilos niya alam ko na gan'yan talaga ugali niya siguro hindi lang ako sanay. Masyado akong nasanay siguro sa pagiging clingy at pagiging nakakab*set niya.

"Whoa..." mangha kong sabi nang nakababa na kaming dalawa. Nilibot ko 'yong paningin ko ang daming collection ni sir Hunter na bar*l. Ano pang ine-expect mo Divine Ceo pala 'yan ng Reaper Blade Cor.

Hinayaan ko lang 'yong sarili ko na mag-lakad papunta sa pintuan nang hawak ko na 'yong doorknob bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko nang may narinig akong tunog na kasa ng bar*l. Humigpit 'yong pagkakahawak ko sa doorknob at napalunok at naramdaman ko 'yong mainit na hininga ni sir Hunter sa likod ng tenga ko.

"Open it," he whispered. Kumusa 'yong kamay ko at unti-unti kong binuksan ang pinto. Sinundan ko ng tingin si sir Hunter na nakapamulsa.

Ano 'to? May sariling condo ito si sir Hunter sa opisina niya? Pag-bukas ko kasi ng pintuan bumungad sa akin 'yong makipot na daan na parang hallway sa mga condo. Mabilis akong nag-lakad para habulin si sir Hunter.

"I'm going to teach you how to hold this," sabi niya nang hindi ako tinitignan. Tumingin ako sa gilid niya para tignan kung ano sinasabi nito. Pero tumingin lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Problema mo?" bulong ko sa sarili ko at umayos ng tayo at naglakad na nang maayos.

"Ano ba gagawin natin?" mahina kong bulong. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa kinikilos niya. Napapikit ako nang bigla siya huminto at dahilan para mauntog 'yong noo ko sa likod niya. Hinawakan ko agad 'yong noo ko at tinignan ng masama 'yong likod niya at bigla siyang humarap sa akin.

"We're going to make love," he smirk.

Parang nag-akyatan 'yong dugo ko sa pisnge ko at tumayo 'yong balahibo ko sa batok. Ito na naman siya! Seryoso tapos magiging maharot!

Baliw amp*ta!

"Just kidding," he chuckled. Bahagya niya pang ginulo 'yong buhok ko.

Ngayon ko lang napansin kung ano meron dito. May sariling sho*ting range si sir Hunter sa baba ng office room niya. Namangha ako sa mga nakikita ko at umikot pa para tignan ang bawat sulok.

Sa pinaka dulo ng hallway ay nakarating kami sa shooting range, sa gilid ay may mga malaking couch na kulay itim, at sa kaliwa ko ay may apat na sho*ting stalls. Kumunot noo ako habang nakatingin sa gitna, bakit parang walang target? I mean 'di ba sa mga ganito may mga target? May itim na curtain lang at walang ibang target.

"Just sit there," utos niya sa akin at agad naman akong sumunod. Tinanggal niya 'yong itim niyang suot na blazer. Bigla akong napaiwas dahil tanging suot niya na lang ay 'yong turtle neck long sleeve. Halos bakat na bakat 'yong matitipuno niyang dibdib at braso. Mabilis akong napailing at bahagya pang umayos ng upo.

Nakakaloka ka Divine! Kung ano-ano 'yong tinitignan mo!

"You like the view?" tanong niya sa akin at tumango ako nang hindi siya tinitignan.

"Wanna touch?" sabi niya. Bigla akong tumingin sa kan'ya at nanlaki 'yong mata ko at bahagyang napa angat 'yong labi ko nang inangat niya 'yong suot niyang long sleeve.

Bumaba 'yong tingin ko sa mga abs niya  at mabilis umiwas ng tingin. Naramdaman kong uminit 'yong mga pisnge ko. Hoy Divine! Umayos ka! Parang hindi mo nakita 'yong katawan ng lalaki niyan! Argh! Nakakainis naman 'to si sir! Bigla-bigla na lang inaangat 'yong suot niya!

Bumalik 'yong tingin ko sa kan'ya nang tumawa siya.

"You look so adorable, do you know that?" he grinned. Tinignan ko siya ng masama.

"Oh, feisty as always, huh?" asar niya pang sabi.

"Ano bang gagawin natin dito? Bigla-bigla mo na lang ako sinama," inis kong sabi sa kan'ya at nag kibit balikat niya.

"As I said earlier, I'm going to teach you how to hold properly," sabi niya at sumandal sa wall habang nakapamulsa at nakatingin sa akin.

"Ng ano?" tanong ko sa kan'ya at bigla niya ako nginisian na parang iba iniisip niya.

Ano na naman iniisip nito? Napaka dumi ng utak! Biglang may kinuha si sir Hunter mula sa likod niya at pinakita sa akin 'yong bar*l niya

"This," sabi niya at may pinindot na switch sa gilid ng sho*ting stalls at may narinig akong tunog mula sa firing range at dahan-dahan umangat 'yong curtain at bumungad na 'yong sho*ting target.

Napatayo pa ako para tignan nang maayos para kasing may mali. Humawak ako sa sho*ting stall at bahagyang naningkit 'yong mga mata ko.

Nanlaki 'yong mata ko dahil 'yong sho*ting target ay hugis tao at mas kinagulat ko ay bakit nandoon 'yong mukha ni Venom? Mabilis akong lumingon kay sir Hunter na nagtataka habang siya ay naka tutok na 'yong hawak niyang bar*l sa sho*ting target.

"I'm going to teach you until you can defeat him with your own hands."

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now