Chapter 10

97 6 0
                                    

DIVINE'S POV

WARNING: Some scenes in this content are not suitable for minors. Proceed at your own risk.

"If Mr. Falcone did something wrong, don't hesitate to tell me everything. You're under my care, so I need to protect you." He chuckled.

"You can go home now." Sambit niya habang inaayos 'yong mga documents at nilagay sa drawer.

Hindi pa rin ako umaalis sa kinakatayuan ako. Ito na naman siya sinasapian na naman siya ng sakit niya. 

"Stop staring at me like you're almost staring into my soul. You make me blush." Napangiwi ako sa sinabi ni sir.

Paano ba naman habang sinasabi niya 'yon kagat-kagat labi pa siya tapos tumatawa pa habang inaayos niya 'yong mga documents.

Bakit ba ako tumatagal sa kan'ya? Syempre Divine kailangan mo ng pera. Napailing na lang ako mga pinag-gagawa nito ni sir.

"Aalis na po ako." Sabi ko at bago ako nakaalis may sinabi pa siya.

"Take care, Divine."

Ako na lang 'yong natira sa working place dahil lahat ng mga co-workers ko ay umuwi na. Habang inaayos ko 'yong desk ko napalingon ako sa office ni sir.

Matagal na ako nagtataka sa mga kinikilos ni sir. Ayokong mag-assume pero bakit pakiramdam ko may gusto siya sa akin? Sinong matinong lalaki na tatawag lang sa akin para utusan bumili ng kape kaysa hintayin na lang ako pumasok? Sinong matinong lalaking magsasabi na kesyo 'you're my under care, ang dami niyang alam.

Isa pa siya! sakit siya sa ulo pareho sila ni Mr. Falcone! Ang sarap nilang pagbuh*lin nakakainis! Habang paalis na ako sa building napapapikit na ako dahil sa sobrang pagod.

"Nakakapagod grabi..." Bahagya ko pang hinihimas 'yong likod ng ulo ko.

Nagulat ako nang may biglang may bumunggo sa akin at halos napaupo ako sa gilid ng kalsada. Kung minamalas ka nga naman. Tumingin ako nang masama at tumingala para tignan kung sino itong hinay*pak na 'to.

Nagulat ako nang makita ko kung sino. Siya 'yong lalaking nakabunggo ko nong papunta ako sa office! 'Yong kulay hazel 'yong mata! Ano 'to pinagtatagpo na rin 'yong landas namin?! Ano naman papel nito?! Tulad ni sir Tenzo o Mr. Falcone? Sana wala sa napili.

"Give me your hand." Nagulat ako bigla sa sinabi niya.

Hah? Bakit? Napairap siya sa hangin habang nakalahad pa rin sa akin 'yong kamay niya na parang hinihintay niya na lang na abutin ko 'yon. Ngayon ko lang naitindihan kung ano 'yong ibig sabihin niya. Inabot ko agad 'yong kamay ko sa kan'ya at tinulungan niya ako na tumayo.

"Ayos ka lang ba? Sorry hindi kita napansin." Wow isang himala ang katulad niyang nilalalng ay nag tagalog. Madalas kasi puro english sila.

Kapansin-pansin talaga 'yong hikaw niya sa gitna ng labi niya lalo na 'yong kulay ng mata niya idagdag pa 'yong hairstyle niyang buzz cut. Madalang na makakita ako na ganitong hairstyle tapos bumagay. 'Yong iba kasi parang pinagtripan lang.

Bigla ako napaiwas ng tingin dahil napansin ko na pinagmamasdan ko siya. Ito na naman sa titigan e. Tumango lang ako at umalis na rin hindi ko na nagawang lumingon dahil pakiramdam ko kakainin lang ako ng kahihiyan. 

Awat na tama na please ayoko na may dumagdag na problema sa buhay ko lalo na kapag lalaki. Bago ako umuwi pumunta muna ako ng market kasi wala na akong stock sa bahay. Maraming market dito pero doon na lang ako mamimili sa malapit sa amin.

Habang nasa loob ako ng market inuna ko talaga 'yong mga gamit sa kusina lalo na 'yong mga sabon at sunod 'yong mga pagkain tulad ng mga delata. Konti lang binili ko dahil wala pa akong sahod. Hindi na ako bumili ng kahit ano at dumeretso na ako sa counter. Kaunti lang naman 'yong pila kaya hindi rin nag-tagal at ako na 'yong sunod.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now