Chapter 6

145 14 0
                                    

DIVINE'S POV

WARNING: Some scenes in this content are not suitable for minors. Proceed at your own risk.

"Done checking?" 

Tinaasan niya ako ng kilay nang hilain ko pataas 'yong kumot para matakpan 'yong katawan ko.

"What?" Naningkit 'yong mata niya dahil sa ginawa ko habang pinupunasan niya pa rin 'yong buhok niya.

Parang dumikit 'yong likod ko sa kama at hindi na nakagalaw lalo na nong tinitigan katawan ko.

Ang lakas talaga ng loob nito mag-punas ng buhok niya sa gilid pa ng kama ko. Napapapikit pa ako kasi natatalsikan ako ng tubig mula sa bus*t niyang buhok.

"Dream on." Tumaas 'yong kilay ko nang talikuran niya ako at iniwan mag-isa sa kwarto.

So rude?!

Napaupo ako sa kama habang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya. Tarant*dong lalaki 'yon?! Matapos ko siyang patulugin sa bahay ko babastusin niya lang ako?!

Kunot noo akong nakatingin sa pintuan ng kwarto ko. Paano nakapasok 'yon sa kwarto ko ni lock ko 'yon. Nagulat ako nang bigla siyang pumasok at naglakad papunta sa akin.

Ay p*ta! Divine! Ito na ba? Wait hindi pa ako ready at ayokong gawin 'yong bagay na 'yon sa lalaking walang kw*ntang katulad niya!

"ANO BA?!" Tinignan ko siya ng masama.

Hinagis ba naman 'yong towel tapos sakto pa sa mukha tapos umalis din agad! Napaka bastos!!

Natigilan ako saglit nang maalala ko kung ano 'yong nangyari kagabi. Gusto ko na lang mawala sa mundo!

Bigla ko tinignan 'yong suot ko kung maayos pa ba tulad kagabi. Maski 'yong underwear ko tinignan ko rin baka mamaya baliktad na. Baka mamaya habang tulog ako may ginawa siya sa akin na kababalaghan.

"KAIRITA!" Sigaw ko at hinagis 'yong towel sa sahig habang nakatingin pa rin ng masama sa pintuan ng kwarto ko.

Hindi ako makapaniwala sa ugali niya parang hindi ko siya kakayanin. Obssessed ba talaga siya sa pera? Kailangan ko na ba siya bayaran?

"Divine wala kang pera." Bulong ko sa sarili ko.

Bumangon na ako para mag ayos dahil may trabaho ako at bawal ma late baka umiral na naman pagiging mahar*t ni sir. Palagi niya kasi ako tinatawagan as in halos araw-araw na nga. Gusto ko na nga iblock 'yong number niya sa akin kaso hindi ko pwede gawin.

Nang natapos na ako maligo tumingin ako sa salamin habang nag mamake up ako. Bumaba 'yong tingin ko sa leeg ko nilagyan ko ng band aid kung na saan yung h*ckey.

H*ckey.

FLASHBACK

Humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman kong umaangat 'yong dalawa niyang kamay sa likod ko at siniksik niya 'yong ulo niya sa leeg ko. Halos hindi na ako nakagalaw sa ginawa niya. Bakit parang nanghina ako bigla?

"Bitawan mo nga ako!" Pinipilit ko siyang itulak para makaalis ako sa lap niya kaso mas lalo niya lang hinigpitan 'yong pagkakayakap niya sa akin.

"Stay." Mahina niyang sabi at ramdam na ramdam ko 'yong hininga siya sa leeg ko!

Natigilan ako sa panghahampas sa kan'ya nang maramdaman ko 'yong pagbaon ng ngipin niya sa leeg ko. Hindi ko na natiiis hinatak ko 'yong buhok niya palayo sa leeg ko at tumayo.

Ay p*ta! Bakit biglang pumasok sa isip ko 'yon?! Kadiri! 

Tumingin ulit ako sa salamin at nilapit ko pa 'yong mukha ko habang hawak-hawak ko 'yong magkabilaan kong pisnge.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now