Totoo Lang

186 11 3
                                    

-

Nasa kolehiyo na ko pero introvert pa rin ang lola mo. Sabi nila, sa college daw mas magkakaroon ako ng mga kaibigan since mas mahirap yung education level, kaso ito pa rin ako, hindi ko alam kung paano makikipag kaibigan since narito pa rin ako sa Saint Benilde Academy.

Malamang ' yan wala talagang tatanggap sakin bilang kaibigan, ayaw nilang mabahiran o masangkot yung pangalan nila sa issue ko dito. Nakaraos ako nang high school rito pero ewan ko ngayong college, sinusumpa ko talaga yung nagpakalat ng mga scandalo na never ko namang ginawa!


I'm Ally Mendoza, normal student slash introvert, pero isang araw yung pagiging invisible at normal kong buhay, eto kailangan kong ayusin yung gulo na hindi ko naman ginawa.



***

"Ayan na sya.."

"Why ba? Anong issue sa'kanya?"

"Naku Steph, late ka sa balita, nagpakamatay daw yung nanay nya kasi nga nabuntis daw sya nang isa sa mga prof natin nung high school. Ang landi ba naman kasi kaya ayan, hindi kinaya ng nanay nya, ayun nag suicide."


"Grabe, ba't nya nagawa yon? Nakakadiri naman sya, wag tayong tumabi baka may sakit pa sya galing sa kalandian!"

Wow.


Kakapasok ko palang, as in first day pero ganito agad yung bungad. Wala naman sakin' kung anong scandalo yung i-chismis nila e. Pero para idamay nila yung mama ko, nanikip nalang yung dibdib ko dahil sa pag pigil kong umiyak. Sa totoo lang hindi ko alam ba't humantong sa ganito yung buhay ko. Nawalan na ko nang kaibigan since that day kumalat yang chismiss na 'yan.



Sa isang buong period ng class lecture tahimik lang ako. As usual naman, pero kung anong ikina-tahimik kong tao, yun' naman ang ikina-ingay ng pangalan ko.


"Ally?" may tumawag sa pangalan ko.


Inangat ko yung ulo ko para malaman kung sino yon. Si prof lang pala.


"Kanina pa dismiss yung class naten, pumasok ka na sa next subject mo."


Ngumiti nalang ako at inayos yung mga gamit ko at akmang aalis na.


"Ally, tapos na ang inspection kaya wala kang dapat ika-bahala sa chismiss sayo. Don't mind them, what's important is napatunayan mong malinis ka."

"And I'm sorry about your mother hija.."


For the last time ngumiti lang ako at dumiretso na paalis for my next subject. Masakit pa rin' yung mga nangyari, yung pagkamatay ni Mama.. yung pagkalat ng scandal na 'yon sa campus. Marami pa rin' naniniwala kahit lumabas na false accusations lang ang lahat.





Kasalanan to nung–



"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"



Naputol yung iniisip ko dahil napa salampak ako sa sahig.


But speaking of the devil and witch! Siya 'yon, si Hayley Fernandez! Ang nagpakalat ng scandal ko. Hinding-hindi ko sya mapapatawad!

"Ohh.. Ang pathetic fugly skank lang pala'. Next time Ally, watch where you're going, wag kang nagkakalat dito sa campus." sabay irap at alis ng impakta.


Siya 'tong naka bangga, siya pa may ganang mag banta! Napaka demonyo niya! Makikita mo, karma is a bitch.


Tumayo nalang ako at dumiretso sa next class ko, sakto sabay kami ng prof pumasok kaya hindi naman ako consider late.

Nakinig na lang' ako kahit hindi ko maiwasang lumipad ang isip ko dahil dun sa Hayley na 'yon. Parang gusto ko na lumipat ng school pero hindi ko naman magawa dahil kapos rin naman ako sa pera, working student ako kaya pinagtitiisan ko tong' school na 'to at since ito na ang malapit sa inuupahan kong murang apartment.


Kung may paraan lang, gusto ko na magkaroon ng bagong school, bagong kakilala, bagong ako. Yung tipong hindi sira ang pangalan ko, hindi ako kinamumuhian, hindi ako pinag uusapan. Gusto kong bumalik sa normal yung buhay ko.. pero paano?




**

After class, break time na kaya naman bumili lang agad ako sa canteen at tumambay sa hidden hideout ko, kung saan walang manggu gulo. Masyado na kong maraming iniisip 'no, ayoko na madagdagan pa.

"Hmm.."


Takte, ano 'yon?! Minumulto ba 'ko?! Teka nga ang oa, naglakad ako kaunti palabas ng backyard at ayon' pala'! Mga hindot at dito pa naghahalikan! Wala ba kayong room sa bahay nyo o pang sogo at dito nyo' pa talaga 'yan naisipang gawin! Kung kelan nagmo-moment ako.


Nagulat ako at napatago nang biglang dumilat yung mata nung lalaki, familiar sya pero hays! Poproblemahin ko pa ba 'yon? Sa dami kong isipin. Sumilip ako ulit para makita kung umalis na ba sila o tapos na sa session nila kaso wrong move pala' huhu. Napatingala ako dahil yung kaninang naghahalikan, narito na sa harap ko at ang tangkad nya. Nakakatakot pa siya makatingin.



"Done peeking?" tinaasan niya ko ng kilay. Teka, asan yung babae? Tumakas na yata o tumakbo, ay ewan! Ano bang paki ko?


"Ha? Ah.. ehh wala naman akong pake sa ginagawa niyo, hindi naman ako magsusumbong. Sige, bye na!" akmang paalis na 'ko nang hilahin nya yung braso ko palapit sa'kanya. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa. Hindi tuloy ako makagalaw, parang ang awkward matitigan ng lalake.


Pero teka, parang..


"Hades Fernandez?!"

Ngumisi sya na may kunot sa noo, nagtaka siguro pero hindi ko alam ba't may pa ngisi ang mokong.

"So.. You know my name, how come I don't know you?"


"Ahh! I think I remember you, ikaw ba yung nahuli ng kapatid kong nakikipag-"

Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil tinulak ko siya at tinignan ng masama.

"FYI, you don't know me! At saka wala si Hayley that time kaya how come na maniniwala ka sa kanya! Sabagay, parehong dugo kayo! Parehong demonyo at walang awa!"


Umalis na 'ko dahil nabitawan niya 'ko nung naitulak ko siya. Naalala ko na naman yung nangyare. Naiinis ako, nagagalit ako ng sobra. Wala silang alam sa buhay ko, bakit ba may mga ganung tao na ang hilig makielam sa buhay ng iba! Pagmumukhaing masama para sila yung anghel. Sumasakit yung ulo ko. Imbes na tumuloy ako sa third period, nag excuse nalang ako na uuwi dahil sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo ko. Pumayag naman si sir Gerald kaya walang naging problema.












All rights reserved. This story is published subject to the condition that it shall not be reproduced or retransmitted in whole or in part, in any manner, without the written consent of the copyright holder, and any infringement of this is a violation of copyright law.

What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon