You Don't Know Me

38 4 0
                                    

Nang makatulog ang hari ng mga tarandtado na si Hades.




Lumabas na ako sa kwarto niya at nagpaalam kay kuya Toni na may pupuntahan ako. Kailangan ko kasing isubmit yung resume ko doon sa convenience store na pinag apply-an ko.



Malapit na rin kasi yung bayarin ng tuition fee. Ayoko naman hintayin pa dumating 'yon. Para madagdagan na rin yung allowance ko sa gastusin ko sa school at araw araw.



Malapit lang yung convenience store na paga applyan ko kaya naman nang makarating ako ay agad lang ako nakipag usap sa manager about sa patakaran, mga do's and don't s, about sa pagpapanatiling malinis ng store, yung attitude at iba pa. After niya basahin yung resume ko ay humingi lang siya ng copy ng I.D ko at yey! Pwede na raw ako magsimula bukas.



Night shift nga pala ako, pero pwede 'yon mapalitan. Depende sa circumstances. Nag pasalamat lang ako at akmang paalis na.



"Ito, boss." biglang turo sa'kin nang hindi ko kilalang lalake.



Sa hitsura palang, halatang hindi na mapagkakatiwalaan, mukha silang manggaganchong tatlo.



"Sumama ka sa'min." hila sa'kin nung isa.



"T-Teka! Sino ba kayo!" hindi nila ako sinagot, nagpumiglas ako kaso nakaladkad pa rin nila ako sa labas.



"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!"


"Tumahimik ka kung ayaw mong tamaan." napalunok ako sa banta niya.


"S-Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa'kin?" medyo nanginginig na ang boses ko.



"Sayo wala, pero yung boyfriend mong hambog na taga Saint Benilde mayron."


"Ha? Wala akong boyfriend!" baliw na ba 'tong mga 'to? Ni wala pa ngang nakakahalik sa'kin e.



"Kunwari ka pa, alam naming babae ka nung Hades na 'yon." napatigil ako tapos..



Tumawa ako nang malakas, yung parang nababaliw na. Nagpapatawa ba sila? Ako? Babae ni Hades? Parang gusto ko masuka!




"H-Huy! Nababaliw ka na ba? Bakit ganyan ka makatawa?" sabi nung ugok.



"Nako, manong. Mali ho kayo nang nakuha. Hindi niya ako girlfriend." natatawa ko pa ring sabi.




"Anong manong? Studyante palang kami, gusto mo bang tamaan?" napatigil naman ako tapos tumingin sa 'kanila.




Sinuri ko yung mga mukha nila. Ano raw? Studyante? Eh, bakit ganoon ang hitsura nila. Parang mga matanda na, mas mukha pang bata si kuya Allen ko e.



"Hoy, mga grupo nang tsonggo." napatingin kami sa harap namin.





S-Si.. Nate?! Anong ginagawa niya rito?




"Pati walang kamalay-malay na babae dinadamay niyo. Ganyan ba talaga kababaw yung utak niyo?" hala, parang galit siya.



"Tumahimik ka Nate! At buti naman, sa wakas, nagpakita ka na rin. Hindi ka na sumasama sa mga tropa mong ungas ah." sabi nung isang nakahawak sa braso ko.




"Tsk, wala kasi akong oras para mag aksaya sa grupo niyong patapon at lahi ng mga unggoy." pinigilan ko yung tawa ko sa sinabi niya.



See? Kaya nga nagulat ako nung malaman ko na magkaka edad lang pala kami, amp.




What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon