Caregiver

20 3 0
                                    

Ally



Napabigat yata yung pagkaka apak ko sa Aids na 'yon. Kita ko kasing nangangaray talaga siya e. E, kung hindi ba naman siya isang kalahating tarantado para subukan halikan ako.



Mas mabuti na magpa halik sa aso, ano bang pinagkaiba niya sa hayop? Buti pa nga yung hayop, may feelings at may boundaries. Ewan ko ba kung saang planeta siya at bakit napakataas nang kumpyansa niya sa sarili.



Edi ngayon nakatikim siya sa'kin. Ang kaso kinakabahan ako para mamaya, may usapan pa nga pala kami na kukunin yung gamit ko ron sa apartment. Nakapag paalam na rin naman ako sa landlord ko.




Kailangan ko na rin pala mag apply ng part time, paubos na yung allowance ko na naipon.




Pabalik na sana ako sa room kaso may napansin ako sa corridor.



Si Nate?


Anong ginagawa niya rito? Teka.. Napakurap ako nang may niyakap siyang babae. S-Siya na ba yung girlfriend ni Nate..



Ang ganda niya nga.. pero parang.. ngayon ko lang siya nakita? Nagtago lang ako sa gilid ng locker.



Ang chismosa ko pero kasi.. hindi ko mapigilan. Bakit ganon? Parang ang sakit.. napaka oa pero hindi ko mapigilan e. Tama nga talaga yung Aids na 'yon. Masasaktan ako sa huli kapag umasa ako kay Nate. Mukha kasi akong tanga e, nakakaasar!




Napakagat ako sa labi ko habang pinapanood ko sila maging sweet sa isa't isa.



"Hoy."



"Ay unggoy!" napatalon ako sa gulat.



Anak ng tipaklong na Hades to! Napalingon sila kaya hinila ko si Hades patago. Dikit na dikit tuloy ako sa mokong na 'to.



"Ano bang-" tinakpan ko yung bibig niya.




"Sshh! Manahimik ka nga, baka marinig tayo." inis na bulong ko sa'kanya. Ang epal naman kasi! Apakan ko kaya yung isa niyang paa? Kaso baka hindi na makalakad, patay talaga ako sa'kanya.




Inalis naman niya yung pag takip ko sa bibig niya tapos hinila ako palayo ron.




"Don't you ever do that again."




"E bakit ba kasi sinusundan mo ko?"



"Asa ka naman chipipay. Baka nakakalimutan mo yung ginawa- Ahh! Shit." daing niya. Tsk, kalalaking tao, para naapakan lang ng babae. Ito na ba 'yong kinakatakutan ng lahat? Paa ko lang pala ang katapat niya e, hmp.




Pinitik niya ako sa noo.



"Aray!"

"Kulang pa yan. Ihatid mo ako sa bahay!" maktol niya habang uma-aray.



"Baliw ka na ba? May class pa tayo, at saka may clinic naman. Napaka arte mo."


"This is your fault tapos iaasa mo sa iba?" sabay kinuha niya yung cellphone niya. Narinig kong nagpasundo siya kay kuya Toni. Paalis na sana ako kaso hinila niya ako. Nagpumiglas ako kaso nakalimutan kong isang paa nga lang pala yung gamit niya.


Natumba kaming dalawa. Bumagsak tuloy ako sa ibabaw niya. Bale nahigaan ko siya tapos..




Sobrang lapit ng mukha niya. Ahhh!



Tinutulak ko siya kaso nakahawak siya sa'kin. Naapakan ko tuloy yung binti niya.



"FUCK." lagot na talaga ako.




What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Where stories live. Discover now