Poblacion 2

35 5 3
                                    

Natapos na ang whole period. Nagkita kami ni Eve, inaya niya kong dumiretso sa'kanila at pahihiramin niya nalang raw ako ng dress niya. Hindi naman ako nakatanggi, alangan naman 'ron ko sa apartment siya patuluyin, nakakahiya sa'kanya.




Bumungad sa'min ang isang Toyota Fortuner. Ang yaman rin ng isang 'to. May driver pa siya. Pumasok lang kami 'ron at agad naman pinaandar nung mamang' driver yung sasakyan. Mabuti nalang at hindi ga'nong traffic.




Pumasok naman ang sasakyan sa loob ng subdivision, malapit lang rin pala sa school ang bahay nila. Medyo may kalakihan rin ang bahay nila Eve, may nag bukas ng gate para makapasok at makapag park ang kotse. Bumaba na kami tapos dumiretso sa loob nila.



"Ally, sorry ah, it's still messy and not big enough but I hope you feel at home."



"Nagpapatawa ka ba, Eve? E, mas malaki nga 'to kaysa sa apartment at bahay namin ng lola ko."



Pabiro niya lang akong hinampas tapos hinila na niya ako paakyat sa mahaba nilang hagdan. Dumireto lang kami sa dulo tapos pumasok sa kwarto niya. Ang luwag non, siguro apat na apartment na 'yon na tinutuluyan ko.



Nagpaalam lang siya na mag shower kaya napaupo nalang ako sa sofa na katabi ng malaking glass window. Pinagmasdan ko lang yung room, ang minimalist at cozy pero may pagka pink. Girly na girly tignan.




Ilang minuto lang at natapos na siya, half bath lang yung ginawa niya. Nagbihis na rin siya tapos bumaba na kami.



"Hey Ally, what food you want to eat?"



"Ah.. kahit ano okay lang, hehe." hindi naman kasi ako mapili sa pagkain. Tumango lang siya tapos nag request na siya sa yaya nila na magluto. Ang dami niyang nirequest na pagkain, talagang matakaw nga siya. Sakto rin naman na wala akong masyadong kain, pano ba naman kasi, inagaw nung mokong na 'yon ang breakfast at lunch ko. Ke-yaman yaman niya, hindi siya makabili ng kanya.



Tinapos lang namin ang pagkain, at grabe. Busog na busog ako, parang sasabog na yung tyan ko sa dami kong nakain. Si Eve naman parang nakulangan pa, nakakatawa nga e, ang cute kasi haha.



Napatingin ako sa phone ko dahil nag buzz 'yon.




From: Nate

Text me your address, sunduin ko na kayo.



Napangiti ako na parang tanga, pag talaga si Nate hindi ko mapigilan yung kilig ko e. Tinext ko naman sa'kanya kung nasan kami. Maya-maya pa, narinig na namin yung busina ng kotse niya. Bumaba na kami at sinalubong siya. Pinagbuksan niya naman kami ng pinto ng kotse. Ang gentleman talaga e, kaya gustong gusto kita e.




Nasa front seat kami ni Nate tapos nasa likuran namin si Eve. Kilig na kilig naman ang gaga, nakakahiya tuloy kay Nate. Habang nagda drive si Nate papunta dun sa location, nagsalita si Eve.



"You must be Nate, right? I'm Ivy, but you can call me Eve for short." energetic niyang sabi kay Nate.



Ngumiti naman si Nate pero sa daan ang tingin, nagmamaneho kasi. "Ah, yeah. Nice to meet you, thanks to you at nakipag friends ka kay Ally. I'm glad." sagot ni Nate.



"I've heard boyfriend ka ni Ally! You look sweet kasi e, both of you." hala, si gaga. Uminit tuloy pisngi ko, pakiramdam ko namumula na 'ko.



"You're mistaken but why not?" pabiro at natatawa niyang sagot.

PAANO AKO MAKAKAPAG SALITA KUNG KINIKIKIG AKO ABER? Itigil niyo na yan huhu.



What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Where stories live. Discover now