Selos

44 1 0
                                    


-

"Ally! Huhu!" patakbong sigaw at yakap ni Eve habang papasok sa classroom.

Sa wakas! After 2 weeks ay nakapasok na rin hihi. Nakapag work na rin ako sa convenience store at nakuha na rin yung mga gamit ko sa apartment para dalhin kina Hades.

Hindi ko alam kung paano na manipulate ni Hades yung excuse letter ko sa mga prof ko pero napapayag naman sila. Nung mga araw na hindi ako nakapasok dahil sa paga alaga sa bwisit na 'yon, ay nagpasa na lang ako ng mga activities at work sheets para naman kahit papaano makahabol ako.


"Kamusta ka na? Nakapag heal ka na ba sa surgery mo?" alalang tanong niya.




Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.




"Ha? Anong ibig mong sabihin?" gulong tanong ko.



Ano na naman kaya ang kalokohan nung mokong na 'yon?





"Huh? E, diba nagpa appendectomy ka raw kaya ang tagal mong absent?" napatampal nalang ako nang noo.



Siraulo talaga siya kahit kailan. Sa lahat ba naman ng excuse, bakit yung impossible pa? Saan naman ako kukuha nang ipapampa surgery, aber?




'Saka pano yung medical certificate na katunayan? Saan ko kukunin 'yon, susmiyo! Pahirap talaga siya sa buhay ko!



Ngumiti ako sa'kanya dahil bakas sa mukha niya na naguguluhan siya.




"Ah, oo. Secret lang sana 'yon hehe." sagot ko sa'kanya. Nag pout siya.



"Hmp! Bakit ka naman nagsi-secret sa'kin? I thought we were friends." pagtatampo niya kaya natawa ako.

"S-Sorry. By the way, ano na pala nangyari sa club event?"



"I heard na postpone raw 'yon, pero baka this week na rin siya gaganapin. So, ano? Are you going with Nate?" napakamot nalang ako nang ulo nang mabanggit niya si Nate.


"Ah, ewan. Baka magalit yung girlfriend niya.." mahina kong sabi at pinaglaruan ang mga daliri ko.



"Ay! Speaking of, parang hindi naman sure kung girlfriend ba talaga niya yung girl." napa cross arms siya.



Tiningnan ko siya na parang na curious sa sinabi niya.


"Paano mo naman nasabi?"




"E, kasi last time, nakita ko si Nate with the other girl. Take note, ang sweet niya sa babaeng yon. Alam mo Ally, I have a feeling na magkakaroon ng cat fight." hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.






Baka naman chismis lang, or baka ganun talaga siya. Mabait at gentleman. Ganun rin naman siya sa'kin pero walang meaning 'yon para sa'kanya. At least hindi niya ka ugali yung barabas na si Hades. Tsk.



Tumingin si Eve sa'kin at hinawakan ang mga balikat ko na para bang nangangamba.



"Ally, huwag kang magpapa victim kay Nate ha? I can smell talaga, na he's not just kind e, there's something na playboy vibe sa'kanya." parang mala detective Conan pa niyang sambit.



Ngumiti ako sa'kanya.



"Alam mo Eve, masama ang manghusga. Malay ba natin kung ano ang totoo sa nakikita at naririnig lang natin sa iba. 'Saka, friends lang naman kami ni Nate e."






Or baka ako lang ang nagi-isip na magkaibigan kami? Kaya lang naman kami nagu-usap dahil kay Hades.


Tumango nalang siya at umayos na sa pagkakaupo.


What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon