This is War

26 4 0
                                    

After that shake hands, alam kong settled na lahat, there's no turning back now. Ayoko e, pero kailangan.




At sigurado akong hindi magiging madali yung buhay ko ngayong sangkot na ako kay Aids.




Lalo na sa ugali niya, wala akong choice kung hindi magtiis at pag tyagaan yung pagiging abno'y siya.




"A'right class, I have an announcement for all of you students. We will be having an extracurricular event, and by the end of the day, I want each of you to apply for whatever club activity you prefer to join in." announce naman ni prof.




After ko makipag settle ng deal kay Aids, dumiretso na rin ako sa room para maka idlip at maghintay sa prof.




Hay, eto at magi isip pa ako kung anong club ang aapplyan ko. Naramdaman kong siniko ako ni Eve.




"Same club us ah Ally! By the way, anong choice mo ba?" singit ni Eve.




"Hindi pa nga ako sigurado e, titignan ko muna yung mga available na list na match sa skills ko."




"What if sa music club tayo? I have a feeling na dun sasali si Nate." sabi pa niya.




Hmm, oo nga pala. Mahilig sa music si Nate, 'saka magaling rin siya sumayaw at kumanta. E, kaso pano naman ako, ni hindi ako marunong sumayaw o kumanta. Bakit ba kasi pinanganak akong walang talent. Napanguso tuloy akong tumingin kay Eve.




"E, ano namang alam ko sa music?" maktol ko.




"Duh, kaya nga close mo si Nate e, magpaturo ka nalang sa'kanya. And one thing, makakapag bonding pa kayo ng matagal niyan, Ally. I-Go mo na 'yan! Sayang ang opportunity." hirit niya pa.



May point siya, ang kaso.. naalala ko kanina yung sinabi nang Aids na 'yon! Kainis talaga siya!




Hindi ko man lang natanong or naisip na may girlfriend si Nate, 'saka hindi naman impossible 'yon e. Ga'sino lang siya makakabingwit ng babae.




Parang kumirot tuloy yung puso ko, parang ayoko na lang huminga huhu. Inuntog ko ng mahina yung ulo ko sa desk.





Shunga! As if naman papatulan ako ni Nate, sa mga magaganda at sexy lang siya nagkakagusto.


Yung mga pang Miss Universe type.




Hindi siya papatol sa katulad kong simpleng babae, ni mag ayos nga hindi ko magawa e.




"Hey! Stop that Ally, ano bang nangyayari sayo?" awat ni Eve sa pag untog ko ng ulo.




Iniangat ko yung ulo ko at nilingon siya. Napatakip naman siya ng bibig niya.



"Oh mio dio, Ally! Your fronte is turning red! I mean, your forehead!" alalang sabi niya.



May oa talaga tayong kaibigan e no? Natawa nalang ako sa reaction niya.



"Ano ka ba Eve, mawawala rin yan maya maya."



Nag pout siya.




"Just stop it okay, Ally? Let's go na nga, mag sign na tayo sa registrar for our club event."




Tumango naman ako tapos sabay na kaming lumabas ng room since kanina pa naman umalis si prof. Nagtungo lang kami sa registrat tapos nag sign na ng form kung saan club kami magjo-join.




What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Där berättelser lever. Upptäck nu