Pagkikita

47 8 1
                                    

"Oh, bakit parang natulala ka? At saka kilala mo pala yung pinsan ni Monique?"




Sinapak ko si kuya sa braso pero hindi man lang niya ininda, nagwo-workout na siguro siya, ang tigas ng braso eh.



"Kuya naman! Bakit hindi mo sinabi na pinsan siya ni Nate?!"



Napakamot ulo nalang siya, "Eh, malay ko bang kilala mo pala si Nate. Hali'ka na nga, pasok na tayo sa loob."


Buntong bininga na lamang ang sinagot ko sa'kanya at sabay na kaming pumasok pagka-lock ko ng gate.



Nagpaalam lang ako sakanila at dumiretso na sa tulugan ko. Pano na kaya bukas? Babatiin kaya niya 'ko? Pero kasama niya sina Hades. Ang malala baka kasama rin sina Hayley at mga alipores niyang impaktita. Lumalayo na nga ako at umiiwas para wala ng gulo, para tumahimik ulit yung buhay ko. Sana hindi kami magkita bukas kahit alam ko namang malabo dahil nasa iisang school lang kami, hello?






***

Maaga akong gumising dahil medyo malayo rin ang school ko sa bahay nina lola.


5:20 AM.



Kumain lang ako ng almusal at nag paalam na 'ko kay lola para pumasok. Si kuya tulog pa, mamaya pa naman ang pasok niya sa work. Nag commute lang ako papasok, sumakay na ko ng bus para mapabilis. Hindi naman traffic dahil maaga pa. Tuwing rush hour lang ang traffic sa lugar namin.




Saktong 6:55 AM naman ako nakarating sa campus. Tinap ko lang sa turnstile ang I.D card ko at dumiretso na sa classroom ko for first subject.

Sakto namang kaunti palang ang naroon' dahil 8 AM pa naman ang start. Nilabas ko muna ang libro ko para magbasa at makapag review na rin', for sure may pa surprise test na naman. Alam mo naman sa college, napakaraming quiz at test kada isang lecture. Mahirap na magpa petiks petiks.




"Hey stripper." nagpantig ang tenga ko sa boses na 'yon.



Hades.



Hindi ko nalang siya pinansin, hindi ko alam kung ako ba 'yong tinatawag niya, at kung ako man. Mas mabuti nang umiwas sa gulo. Biglang may umupo sa mesa ko, kaya naman hinarap ko na siya. Nakangisi lang si gago, halatang nang-aasar.


"Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang ginugulo mo?"



Kinuha niya 'yong libro ko tapos pinagmasdan saglit at binalik ang tingin sakin'. Kinukuha ko pero mahaba yung braso niya kaya hindi ko maabot.



"Pasalamat ka nga pinag-aaksayahan kita ng oras." nakangisi pa ang mokong. Tinutulak ko siya pero ang bigat niya.



"Lumayas ka nga! Sino ba kasing may sabing pag aksayahan mo ko ng oras? Stupid." hindi ko alam kung saan galing yung lakas ng loob ko pero bahala na, hindi ako natatakot sa'kanya.



Dinikit niya naman yung mukha niya sa mukha ko habang seryosong nakatingin sa'kin, bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba. Baka bigla niya kong sampalin. Magsasalita pa sana siya kaso biglang dumating yung dalawa. Si Kennetth at Nate.



"Oh pre, ang tapang mo talaga at sa public place ka pa nakikipag make out." natatawang sabi ni Kenneth.

Ang kapal naman ng mukha niya, never akong papatol sa pariwarang basurang kagaya ni Hades! Mamatay nalang ako kesa patulan siya!





"Don't make me laugh, mataas ang standards ko. Hindi ako pumapatol sa mga babaeng aso." may pag ngiwi pang sabi ni Hades. Sasabat sana 'ko at gusto ko siyang sampalin pero biglang nagsalita si Nate.



What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Where stories live. Discover now