Past

49 7 3
                                    

Hades.


"Hi, babaeng aso."




Psh. Kadiring babae.


Y'all wonder why kung bakit galit ako sa babaeng 'yan. Kagaya rin siya ng tatay niyang higad. May sariling pamilya pero hindi makuntento.



Oo. Galit ako sa tatay niya dahil kabet siya ng Mom ko. Sinira ng manwhore niyang tatay ang family namin. Maybe that man is also the reason why kung bakit nag suicide yung asawa niya. Ang mama ni Ally.



Malala pa don, ayon ginaya s'ya ng anak niyang haliparot. Bagay lang sa'kanila yan. I've heard na nakipag one night stand si Ally don' sa isa sa mga lalaking teacher way back high school. Kadiri di'ba? Minor palang pero kakatihan na agad ang pinairal.



Hindi niya ata ako narinig o ayaw niya lang ako pansinin. Choosy pa siya, pasalamat nga siya at pinaglalaanan ko pa siya ng oras, walang may balak gumawa non dahil nakakadiri nga naman siyang lapitan.




Nilabas ko nalang yung airpods ko at nagpa soundtrip.



From: Kenneth

San ka ba kupal? Dito na grupo nila panget, need resbak asap.





Psh. Ang hihina talaga nila Kenneth, dapat hindi ko na sinali sa grupo e, lampa naman pala. Kaya nga s'ya ang pinag handle ko para hindi ako ma abala sa school eh.


Ina kasi e, need ko maipasa yung unit na 'to kung hindi ipapadala ko ni Dad sa Military School.




I raised my right hand at nag paalam na mag cr kahit hindi naman talaga don ang punta ko. For the last time, tinignan ko yung babaeng aso, and no wonder nakatingin siya sa gwapo kong mukha. Akala naman niya maakit niya ko, never kong ibaba ang standards ko para sa kagaya niyang kaladkarin.


Nang makarating ako sa site kung nasaan sina' Kenny, nakita ko agad na may tama na si gago.





4 vs. 10 ba naman e.


Tong mga panget na 'to kung hindi mga tanga, mga bobo pa sa math.




"Hindi ba kayo marunong mag bilang mga ungas? Apat sila tapos sampu kayo? Mga hunghang na duwag."




Nagsilingon naman yung mga panget sa direksyon ko. Asan ba kasi Nate? Inuna na naman yung pag aaral niya, wala naman siyang patutunguhan don.



Kinuha ko yung mahabang tubo sa lapag tapos itinambol ko sa palad ko.




"Mag isa nalang ako, ganyan ba kayo ka duwag at ayaw niyong lumapit?" umusok yung ilong nang isa 'yata sa leader nila. Ewan pero hindi naman mukhang leader, parang tanod ang itsura e.



"Anong hinihintay nyo? Isa lang yan, sugurin niyo na." utos niya, tama nga ako leader siya ng mga ipis na'to.



Lumapit sa harap ko yung tatlo. Sinipa ko yung nasa kanan ko at pinalo ko naman ng tubo yung nasa gitna, sa lakas ng hampas ko, dumiretso dun sa nasa kaliwa ko, ayon at taob ang tatlo.



Akmang hahawakan ako nung nasa likod ko pero yumuko ako tapos sinikmuraan ko tapos siniko ko siya sa likod, napaubo pa siya. Pinaligiran naman ako ng lima, nahawakan ako ng dalawa pero masyado silang lampa, ni walang kahigpit higpit humawak. Parang mga bading na mahilig sa booking at humipo.



Tinulak ko sila pareho kaya ayon napaupo, akma namang susuntok yung nasa harap ko, buti nakailag ako kaya ayon nadulas si tanga. Bobo talaga e, mahihina.




Sinuntok ko yung kasunod niya pero nasapak ako nang nasa likod ko. Takte, hindi ko napansin yon a, humanda kayo sakin. Sa galit ko, sinipa ko sa tyan yung sumuntok sa'kin. Biglang tumulong yung apat na sina Kenneth kaya ayon, nagsi atras at takbuhan pati yung leader nilang wala namang inambag kundi ang tumakbo.




Napahawak ako sa panga ko, medyo masakit.



"Tangina!" napamura ko at napadura. Ginalusan nila yung gwapo kong mukha. Sa susunod na makita ko sila, dudurugin ko pati pagkatao ng mga hayop na 'yon!



"Nice pre, ang galing mo talag-" aapiran sana ko ni Kenny kaso sinamaan ko siya ng tingin. Naiinis pa rin ako, gusto ko talagang birahin yung mga putapeteng yon.




"Mauna na ko." madiin kong sabi at kinuha yung bag ko sa lapag at sinandal sa likod ko sabay iniwan ko na sila. Bahala sila don, baka mapagbuntungan ko pa sila ng galit.




Hapon na pala.



Habang naglalakad napansin kong makakasalubong ko siya. Napangisi naman ako.






**

Ally.

Naglakad na ko pauwi, tutal malapit na rin naman yung school ko sa apartment. Mga 15 mins at naroon na rin naman ako. Napatingin ako sa tulay at sa ilog. Ang linis non, ang sarap mag muni roon' kaso may mga aasikasuhin pa ko para sa mga activities today.




Bakit kaya hindi na bumalik yung mokong na'yon sa class kanina? May nangyari kaya? E ano bang pake ko, mas mabuti nga 'yon, walang pang gulo sa buhay ko. Saka, sanay naman sa pag ditch 'yon, nagtaka pa talaga ko.



Napansin kong hapon na dahil palubog na ang araw. Ang ganda talaga ng sunset pagmasdan.



"Aray!"




Napaupo ako dahil may nakabangga sa'kin. Anak ng tipaklong, akala mo truck e, ang sakit tuloy ng braso ko. Parang magkaka pasa. Tiningala ko yung nakabangga sa'kin.





Great.



Tumayo nalang ako at naglakad ng mabilis, hindi ko na pinagpag yung palda ko, at kahit ang sakit ng braso ko dumiretso pa rin' ako ng lakad. Akala mo nga natakbo na ko sa bilis ng lakad ko.



Nung nakalayo na 'ko, ramdam ko namang biglang may sumusunod sa'kin. Pagkalingon ko, hindi naman siya. Kaso mga lasing at parang tambay. Binilisan ko nalang maglakad pero hindi ako tinatantanan at sumusunod pa rin sakin kahit naka lagpas na 'ko ng court.


Nagdasal nalang ako sa isip ko na sana huwag naman..




Huwag naman 'sanang maulit sakin' ang nangyari noon..






Copyright Disclaimer: I do not own this featured video. All rights belong to its rightful owner. No copyright infringement is intended. I am using the video solely for entertainment, content, and storytelling purposes. The edited video I will be using is properly credited to its owner.


What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon