Unexpected Guest

35 0 0
                                    

**

Hades


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Nate para sabihin 'yon. Ano raw? He bet that I'll fall for chipipay?


E kahit si Ally na lang ang natitirang babae sa mundo, NEVER.

Kahit magunaw na ang mundo at si Ally lang ang nasa choices, di'bale na. Magpa-pari na lang ako.



Sayang naman ang ka'gwapuhan ko kung ron lang rin kay chipipay mapupunta.


May mga nage exist namang supermodel, o di kaya television actress na kasing sexy ni Andrea Brillantes, may hubog pa ang katawan.

Bakit ko pagtitiisan ang flat-chested, walang shape sa katawan at very basic na mukha nung babaeng aso na 'yon? Ano ako hunghang?


Tuwing naaalala ko yung sinabi ni Nate, imbes na ma-bwisit ay natatawa na lang ako. Buo ang araw ko dahil sa joke niyang 'yon. Laptrip rin siya e, teka nga. Speaking of Chipipay, asan na ba siya?


Napasandal ako sa poste ng corridor habang naka crossed arm. Bakit ba antagal niya? Iwan ko na lang kaya siya, tsk. Sino siya sa tingin niya para pag hintayin ako?



Sa wakas ay lumabas na rin siya sa room niya, pero may kasama siyang lalake. Bago nila ako malagpasan ay napansin niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"School 'to, hindi sogo para mag lampungan kayo." tikhim ko.

Hinarap niya ako nang naka pamewang at nakataas ang kilay. Psh. Akala mo kinaganda niya yan, e kamukha niya yung katulong ron sa Yaya and Angelina na palabas sa GMA.

"Ang baho talaga ng bibig mo e no, subukan mo kaya linisan yan paminsan-minsan, para naman mabawasan yung binubugang singaw." aba't, sumasagot pa siya.

"Hoy, chipipay. Anong karapatan mo sagutin ako ng pabalang? Totoo naman yung sinabi ko e, hindi 'to motel para magpa PDA kayo." hindi ko maiwasan mainis.

"Ha! At sa'yo pa talaga nanggaling? FYI, mas dapat mong ina apply sa sarili mo yang sinasabi mo. Institution 'to, hindi ito isa sa mga nightclub mo na kung makipag halikan rito ay parang wala lang." taray niya.




Napangisi ako nang wala sa oras. "Oh, baket? Nagseselos ka?" lapit ko sa kan'ya.


"Selos? Kanino? Sayo? Baka nga ikaw 'tong nagseselos dahil pinupuna mo pakikipag kaibigan ko sa isang lalake."



Nakakainis talaga ang babaeng 'to. Sino ba kasi siya sa tingin niya para sagutin ako? Ayaw pa niya magpatalo, nakakaurat.


"At bakit ko pagseselosan ang lalaking dumi ko lang sa paa?" sinamaan ko ng tingin yung lalake na mukhang paa, ayon napatakbo sa takot.


"Ano ba kasing problema mo?! Pang gulo ka talaga sa buhay ko kahit kaylan!" padabog siyang naglakad pero hinila ko siya.

"Wag mo nga akong artehan chipipay. At isa pa, wala kang karapatan sagot-sagutin ako dahil-"


"Dahil ano?" matapang niyang tanong.


Na blangko ako bigla dahil sa tingin niya sa'kin.







Ang panget niya.





Salubong ang kilay tapos gigil na gigik yung mukha niya. Parang konti nalang magiging angry bird na. Hindi ko mapigilan matawa na ikinagulat niya.


"B-Baliw ka na ba? Bakit bigla kang tumatawa?" gulo niyang tanong.


"K-Kasi naman, you're so fucking ugly." tawa ko pa. Lalong nag init yung mukha niya at umusok ang ilong.


What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora