Confrontation

27 5 1
                                    

Patakbo akong lumabas ng cr, hindi ko napigilang umiyak. Mabuti na lang dimmed ang lugar at maingay yung crowd. May nabangga ako bigla kakatakbo, hindi ko na napansin.



"Sorry.." sabi ko nang hindi tumitingin 'don sa nabangga ko.


"Ally? What happened?" napatingala ako. Si Nate lang pala. Hinila niya ako palabas ng bar.


"Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" nag aalala niyang tanong. Hindi pa rin ako tumitigil. Siraulo kasing Hades yon! Naninikip yung dibdib ko sa inis.



Hinila niya ako at niyakap.


"Shh, it's okay. Calm down now." pinatahan niya ako. Wala siyang pake kahit pa nababasa ko na 'yong t-shirt niya. Medyo gumaan yung pakiramdam ko, napatigil ako sa paghikbi pero tumutulo pa rin yung luha ko.


Hinawakan niya yung balikat ko tapos tinignan ako. Tinignan niya lang ako sa mata, halata mong naga-alala siya.



"May nambastos ba sayo? Nawala ka kanina kaya hinanap kita." hindi ko tuloy maiwasan mapangiti. Para akong siraulo na iiyak tapos ngingiti, baka isipin niya may sapak ako. Pero hindi ko talaga mapigilan, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to sakin pero ang swerte ko dahil mayron akong Nate na nar'yan at handang umalalay.




"N-Nate.. pwede ba tayong u-umalis dito.. g-gusto ko nang umuwi.." nauutal kong sabi sa'kanya. Ngumiti siya sa'kin tapos hinila ako papunta sa parking lot.





Pinagbuksan niya ako ng pinto at nag paalam na maghintay ako sandali, magpapaalam lang daw siya sa kasama namin.



Si Eve nga pala.. naku, paano na siya.



Ilang minuto pa at lumabas si Nate kasama si Eve, gumegewang-gewang habang inaalalayan ni Nate. Napabuntong hininga ako, buti naman at hindi niya iniwan 'ron sa mga kaibigan niya. Mahirap na at baka mapano pa siya kapag nagtagal roon. Inalalayan niya lang si Eve sa backseat, sakto namang nakatulog agad siya.



Una muna niyang hinatid si Eve since siya ang pinaka malapit at lasing.



Yung nangyari kanina, hindi ko lubos maisip. Bakit ba ganoon si Hades sa'kin? Parang may matindi siyang galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Hindi naman siya ganon sa'kin noon, hindi niya nga ako pinapansin o hindi niya ako kilala noong magkaibigan pa kami ni Hayley.



Bakit ngayon pa na hindi ko na kasama si Hayley, pa'no niya ko nakilala? Paano niya naiisipan na gawan ako ng ganito? Wala naman akong atraso sa'kanya dahil hindi kami close, ni hindi nga kami nag uusap? Ano bang habol sa'kin ng lalaking 'yon? Bakit ganoon na'lang niya sirain at guluhin ang buhay ko?



Sa pag iisip ko, hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ni Nate, saka' ko nalang napansin nang tapikin niya ako. Narito na pala kami sa tapat ng apartment ko. Bago ko pa alisin yung seatbelt, nagsalita siya.



"May ginawa ba si Hades?"


Tumingin ako sa'kanya. Paano niya naman nalaman?



"Wala siya kanina, kaya malamang dinala ka niya kung saan." naiiyak ako kapag naalala ko.


"Tell me, anong nangyari Ally."



Napadiin yung hawak ko sa dulo ng dress. Bumuntong hininga ako.



"Bakit Nate? Bakit galit sa'kin si Hades?"


Dumako ang tingin niya sa harap ng sasakyan. Sigurado akong may alam siya e, kaibigan niya si Hades. Impossibleng wala.


"Hindi dapat sa'kin manggaling Ally e, pero pwede kong gawan ng paraan para mag confront kayo sa isa't-isa."


What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Where stories live. Discover now