Sebastian's Funeral

12 2 0
                                    

CHAPTER 1

"A family man, devoted husband to his wife, Nancy. A loving father to his daughter, Niobe. He was a model to our town, and of what it means to be a man who walks through the world with openness, honesty and integrity." Saad ng kagalang-galang na ikinapatak ng mga luha ni Nancy habang naka-upo sa silya kaharap ang kabaong ni Sebastian na ililibing ngayong araw.

Suot ang itim na blusa na hanggang tuhod ay walang emosyong ipinagsiklop ni Niobe ang dalawang kamay habang hindi kumukurap na napatitig sa larawan ng kanyang ama na si Sebastian. Matagal na silang hindi nagkikita ni Niobe, ang huling pagsasama nilang dalawa ng kanyang ama ay no'ng minsan ay nakahuli sila ng isang quill gamit ang riffle na binili ni Sebastian para sa kanya. How she missed her Daddy so bad, if only she could turn back time ay hindi na sana siya pumayag na magtrabaho ito abroad.

Niobe...

Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Niobe at pasimpleng itinuon ang pansin sa lalaking nakatayo sa ilalim ng narra na malayo sa kanila. Nakapamulsa ito sa suot na brown trousers na pinarisan ng brown business suit. Nakasuot din ito ng retro polarized sunglasses.

Hindi maiwasan ni Niobe ang mapatitig sa lalaki lalo na't hindi pa naman niya ito nakita sa tanang buhay niya. Parang nakangiti ito sa kanya na animo'y kilalang-kilala siya nito, bahagya niyang iniling ang sariling ulo at pasimpleng ibinalik ang tingin sa kabaong ng kanyang ama. Napaka impossible naman kung tinawag siya ng lalaki lalo na't napakalayo nito sa kanila, at kung totoong tinawag man siya nito ay bakit kilala siya nito?

"Sebastian was taken from us by a cruel taste of fate. The reasons for which are unknown and unknowable. By an accident nobody would have predicted. It would have been impossible for even an outstanding architect, like Sebastian to understand God's great design."

---

Walang emosyong ipinatong ni Niobe ang dalawang kamay sa keyboard ng makalumang piano at tumugtog ng mapanglaw na musika sa silid ng kanilang bahay. Kaka-uwi lang nila galing sa libing ng kanyang ama at wala siyang ibang magawa kung hindi ang tumugtog ng nakakalungkot. Simula no'ng umalis ang kanyang ama ay palagi niya itong tinutugtog kapag nakakaramdam siya ng lumbay, palagi niyang naaalala ang ama sa pamamagitan ng pagtugtog ng piano.

"Niobe?"

Patuloy sa pagtugtog ang dalaga na hindi man lang nilingon ang inang tumatawag sa kanya.

"Niobe." Napatigil si Niobe sa ginagawa, at pasimpleng lumunok ng laway.

Hindi niya nagustuhan ang ginagawa ng kanyang ina pagkatapos mailibing ang kanyang ama. Parang wala lang nito ang pagkamatay ng asawa, parang nasisiyahan pa ito lalo na't sila na lang dalawa ang magkasama sa malaki at tahimik nilang bahay.

"The guest will be here soon. Can you help Mrs. Ferrer in the kitchen?" Sa sinabing iyon ni Nancy ay napatiim bagang si Niobe at dahan-dahang inikot ang sarili sa pagkaka-upo sa piano bench saka pabalang na inayos ang bahagyang umawang na laylayan ng kanyang blusa.

At may gana pa itong magdiwang sa kasagsagan ng kanilang pagluluksa

"Please?" May ngiti sa mga labing utos ni Nancy na pasimpleng ikina-irap ni Niobe.

"Don't do this to me, Niobe. Not today." Kaagad nagbago ang timpla ni Nancy ng hindi kaagad kumilos si Niobe sa ginawa niyang utos.

Pinukol niya ito ng masamang tingin bago niya tinalikuran ang anak at bumalik sa veranda. Napabuntong hininga naman si Niobe at kaagad na tumayo at nagtungo sa kusina, pagkapasok niya sa loob ay kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang mga iba't-ibang putahe na nasa ibabaw ng mesa. May mga luto na at hindi pa luto. Ipinaghugot niya ng upuan ang sarili at pasalampak na umupo sa silya.

Everhart (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu