Who's Sean Everhart?

2 1 0
                                    

CHAPTER 7

"Andrew." Napahinto sa pagsusuot ng helmet ang binata ng marinig nito ang boses ni Niobe na tinatawag siya.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din umuuwi si Niobe sa kanilang bahay dahil sa nakita niya kanina. At hindi niya alam kung bakit siya dinala ng kanyang mga paa dito sa hindi kalakihang cafeteria sa gilid ng kalsada.

"Hey." Bati ni Andrew at tuluyan ng humarap sa kaklase.

"I just thought I..." Napahinto si Niobe at mariing napa-isip kung tama ba na nagpunta siya dito.

"I've never been here before." Agaran niyang sagot ng makita niyang tipid na naghintay si Andrew sa kanyang sagot.

"Yeah, no kidding." Mabagal na segunda naman ni Andrew na hindi makapaniwalang hindi pa nakakapunta dito ang dalaga.

"I'll see you guys tomorrow." Pagpapa-alam ni Andrew sa mga kasamahan at inilagay ang helmet sa motor nito.

"Have fun, bro." Sagot ng isang barkada nito at kaagad ding umalis.

Bahagya namang iniwas ni Niobe ang mukha ng dumaan sa gilid niya ang dalawang motor at sinipolan siya

"So, you wanna go inside?" Tanong nito sa kanya ng makalapit at itinuro ang cafeteria.

Dahan-dahan namang umiling si Niobe na nakapatong ang dalawang kamay sa dibdib

"Then where would you like to go?" Tanong nito at pasimpleng sinilip ang kanyang mukha.

Kaagad nag-isip si Niobe ng magandang lugar na pupuntahan at biglang pumasok sa kanyang isipan ang bakanteng palaruan ng mga bata at kaagad na sinabihan ang kasama.

Nang makarating sila sa lumang palaruan ay saka lamang huminto sa pagtakbo si Niobe at paatras na naglakad habang tinitingnan ang kaklaseng nagsasalita.

"Niobe Everhart, Middlebend straight A-student..."

"...hanging out in the parking lot at rockets? Doesn't really seem like you." Pagsasalita ni Andrew na sinusundan ang bawat yapak ni Niobe.

"Not that you would know." Sagot ni Niobe na patuloy pa din sa pag-atras.

"Well, I...I guess you're right. I wouldn't." Kibit balikat na saad ni Andrew.

"It's just that," naputol ang pagsasalita ni Andrew ng kaagad sumagot si Niobe.

"Yes." Tipid na sagot ng dalaga.

"I know what you mean." Ngising dugtong ni Niobe at inayos ang nakalugay na buhok.

"Oh, yeah? How's that?" Napahinto sa paglalakad si Andrew ng lumayo ng bahagya ang dalaga sa kanya.

"Have you ever seen a photograph of yourself...taken when you didn't know you're being photographed?" Tanong ni Niobe na nakasakay sa meery go rounds.

"From an angle you don't get to see when you look in the mirror. And you think, that's me. That's also me." Pagpapatuloy nito.

"Do you?" Mariing titig niya sa binata na hindi nito sinagot.

"Do you know what I'm talking about?"

Bahagyang lumapit si Andrew sa merry go rounds kung saan nakasakay si Niobe at nakapamulsa sa suot na jacket na ngumisi.

"Yeah. I think I do."

"Well... that's how I feel tonight." Kaagad na tumalon si Niobe sa umiikot na merry go rounds at tumakbo papuntang slides.

"So, you're surprised at yourself?" Tanong niya sa dalaga na umaakyat sa mataas na slides.

Everhart (Completed)Where stories live. Discover now