Sean's Desire For Niobe

3 0 0
                                    

CHAPTER 4

"It takes time to observe attentively. Wait for the moment that our eyes, finally penetrate the inside of the subject." The Feldman said and checked the students' artworks.

"My eyes are penetrating the inside of you." Napatigil sa ginagawang pagkukulay sa ginawang obra si Niobe ng biglang ipatong ng kanyang kaklaseng lalaki ang obra nito sa kanyang wooden sketch board.

Napatitig ang lalaki sa dalaga at tumawa ng nakakaloko ng makita ng dalaga ang ginagawa nito.

Her classmate drew her naked, sitting on the stool, overshadowed, and painted on the clean wooden sketch board. Napatitig si Niobe sa gawa nito at hindi man lang nagpakita ng kung anong emosyon sa pagmumukha nito. Instead of getting mad, Niobe suddenly draws a small mole on the side of the butt of the girl in the painting.

"Hey." Reaksiyon ng kanyang kaklase na gumawa niyon at kaagad kinuha ang wooden sketch board.

The guy grunted, planning to punch Niobe's side cheek, and did an awful laugh.

"Scott." Tawag ng Feldman sa lalaking studyante na ikinabalik nito sa puwesto.

"Yes, Mr. Feldman?"

"Is there something you'd like to share with the rest of the class?" Tanong nito sa lalaking studyante na agaran naman nitong sinagot.

"Yes, I've got something I'd like to share."

"With Niobe." Na ikinatawa ng iilang mga estudyante sa silid bago nagsilabasan.

Nang makalabas si Niobe sa paaralang pinapasukan ay napahinto siya sa paglalakad at napahawak sa strap ng kanyang sling bag. She stared at the guy standing a few miles from her. The guy was wearing brown long sleeves paired with dirty white jeans, wearing retro polarized sunglasses, and leaning on his car.

Kapwa nagtititinginan ang mga kababaihan kay Sean at napapa-isip pa ang mga ito kung sino ang sadya at sinusundo nito. Well, they don't know that Sean is fetching Niobe.

"He's gorgeous." Rinig niyang bulalas ng isang babae na nakatitig sa kanyang tiyuhin.

Imbes na lapitan ang tiyuhin ay kaagad na sumakay si Niobe sa school bus at umupo sa sasakyan na malapit sa bintana. Nang makaalis na ang school bus ay dali-daling nagkukumpolan ang mga babaeng estudyante sa emergency door ng sasakyan at kanya-kanyang silip sa labas para sumilip sa sasakyang nakasunod sa kanilang inuukopa. Binuksan naman ni Niobe ang pencil case na may salamin sa loob at hinanap ang repleka ng sasakyan ni Sean kung nakasunod pa ba ito sa kanila ng makita niya ito sa salamin ay kaagad niyang isinarado iyon at isinilid sa kanyang sling bag at umayos ng pagkaka-upo.

Kanya-kanyang tilian ang mga kababaihan sa loob ng school bus ng tumabi ang sasakyan ni Sean sa kanila at nginitian ang dalaga na ikina-irap lang ni Niobe.

"Hey!"

"Come back!" Rinig niya sa mga kasama ng lumayo ang sasakyan ni Sean sa school bus.

---

Nang makababa si Niobe sa school bus, ay mabilis siyang naglakad papunta sa kanilang bahay. Nakasunod naman ang sasakyan ni Sean sa kanya na mahina lang ang pagpapatakbo at wala siyang paki-alam doon. Nang makapasok siya sa loob ay kaagad siyang umakyat sa kanyang kwarto para magbihis.

Sumapit ang alas syete ng gabi ay napagpasiyahan ni Niobe na ipaghanda ang ina ng hapunan dahil baka magtampo na naman ito sa kanya. Dala-dala ang food tray na puno ng pagkain ay nagtungo si Niobe sa sala para dalhan ng pagkain si Nancy, naka-upo lang ito sa malaking upuan na kaagad din naman niyang nilapitan.

"Mom?" Tawag niya kay Nancy.

Nang makita niya itong mahimbing na natutulog sa upuan ay napahinto siya at napapatitig sa kanyang ina. Nakatulog ito sa pagod at kaka-iyak dahil sa pangungulila kay Sebastian. Sa halip na gisingin ang ina ay inilapag ni Niobe ang food tray sa maliit na mesa at kaagad ding umalis.

Kinabukasan ay maagang nagising si Niobe at kaagad na nagbihis para pumasok sa paaralan. Nang tapos na siya sa ginagawa ay kaagad siyang bumaba sa kanyang kwarto at hindi na nag-abala pang mag almusal.

"It's going to rain." Napahinto sa paglalakad si Niobe ng marinig niya ang boses ni Sean sa kanyang likuran.

May hawak itong payong at nakapamulsang iminuwestra ito sa kanya na hindi niya tinanggap. Tinalikuran niya ang tiyuhin at naglakad papalayo dito. Ilang oras din ang tinagal ng kanyang klase ay natapos dito.

Huminto ang sinasakyang school bus sa tapat ng malaking gate. Bumaba si Niobe sa sasakyan at naglakad papalit sa nakasaradong gate at binuksan iyon. Bago niya pa mabuksan ang gate ay nakita niya ang payong na hawak hawak ni Sean kanina, nakasabit ito sa gate para sana ipagamit kung sakaling maabutan man siya ng ulan galing sa eskwela pero hindi niya iyon kinuha. Sa halip ay dali-dali siyang naglakad papasok at tiniis ang maginaw na hangin na sumasalabong sa kanya.

Nang makapasok siya ng tuluyan sa loob ng kanilang bahay ay naabutan niyang naka-upo sa piano bench si Nancy at si Sean. Rinig niyang nagtatawanan ang mga ito na hindi niya ikinatinag sa kanyang pagkakatayo.

"Relax." Nancy chuckled.

"There." Saad nito at hinawakan ang kamay ni Sean.

"Curl your fingers." Anas ni Nancy.

Sa ginawang pagturo ng kanyang ina ay mahinang tumugtog si Sean na ikinangisi ni Nancy.

"No. Watch me." Pigil ng kanyang ina at pinakitaan ng isang maikling paglalaro sa keyboard ng piano.

Natigil at napalingon si Nancy sa kanya ng marinig nito ang pabalang na pagsarado ng pinto ng makalabas ang katulong galing sa banyo.

"Oh. I'm teaching him piano." Pagpapaliwanag ni Nancy sa anak na abala sa pagpunas sa basa nitong damit.

"Uncle Sean is a complete beginner." Dagdag ni Nancy at ibinalik ang tingin sa keyboard ng piano.

Napatingin naman si Sean sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Put on some dry clothes and come play with us." Bulalas nito na hindi maalis-alis ang mga mata sa kanya.

"Why don't you take a hot shower first or you'll catch a cold." Segunda naman ni Nancy.

"Come on. Here." Ang huling narinig ni Niobe sa ina bago niya ito tinalikuran.

---

"Good morning, sweetie." Nag-angat ng tingin si Niobe ng marinig niyang binati siya ng kanyang ina.

Naka-upo siya hanging hammock at tahimik na nagbabasa ng bigla na lamang sumulpot sa harapan niya si Nancy.

Nakasuot ito ng white shirt at white skirt at may hawak na tennis racket. Sa likod nito at nakasunod din si Sean na nakasuot din ng puting polo at puting cargo shorts na may hawak ding tennis racket.

"Sean cleared off the court yesterday. So we're just gonna walk on over." Naglalakad papalapit sa kanya na kina-usap siya ni Nancy.

Hindi niya ito pinakinggan

Sa halip ay ipinako niya ang nga mata sa librong binabasa at pinanatiling nakapokus ang mga iyon doon.

"You don't want to come, do you?" Ani nito na ikina-angat ng kanyang tingin kay Nancy.

"Hello, Niobe." Bati naman ng kanyang tiyuhin sa kanya.

"I took one of Sebastian's belts. His whites are a little big." Sa narinig ay ibinaba ni Niobe ang librong nakaharang sa kanyang mukha at tiningnan ang tiyuhin.

Pinukol niya ito ng masamang tingin dahil sa hindi niya nagustuhan ang pangingi-alam nito sa gamit ng kanyang ama.

"Ready?" Pagka-usap naman ni Sean kang Nancy.

"Let's go." Masigla naman nitong sagot.

Everhart (Completed)Where stories live. Discover now